Savannah’s POV
Ang OA naman ng lalaking to,
Kakainis pa-presyo pa!
Nakakapagod kaya mag antay dito ng ilang oras..
Nandito kami sa isang restaurant na malapit lng sa school,
Magkaharap kami ngayon,
Kinakabahan ako sa gagawin ko.
“akala ko ba may sasabihin ka?” tanong niya sa akin.
“ ehemm, ah kasi-- - ahh pwede bang humingi ng isang pabor?”
“ano ba kasi yun?” pasigaw na sabi niya.
Nagulat ako dun,
Hindi ko inaasahan to.
Parang aatras na ko.
“bilisan mo na, may gagawin pa ko.”
“pwede ka bang magiii----ng
“ano?”
“ahh---eh
“ano nga?”
“maging boyfriend ko!” malakas na sabi ko.
Napatingin ang mga tao sa amin.
Kakahiya naman,
Yumuko nalang ako para hindi ako makilala.
“hahahahahaha”
Huh?
Natawa siya sa sinabi ko?
“may nakakatawa ba sa sinabi ko?” tanong ko sa kanya.
“ganyan ka na ba ka desperada sa kin?,
Bilib din ako sayo ahh.”
“ano? Hindi sa ganun.. kasii----
Kailangan ko lng talaga ng boyfriend ngayon” mahina kong sabi.
“no way” sabi niya.
“please i really need your help!” sabi ko.
“i said no.”
“hindi ko to gagawin kung hindi para sa lolo ko,kaya please!”
“bakit ko gagawin yun? Hindi nga kita kilala ehh.”
“ Savannah Fajardo, senior from St. Anne.” Sabi ko.
“imposible yung hinihiling mo.” Sabi niya.
“alam kong imposible kitang mapapayag,
Pero gagawin ko ang lahat para mapapayag ka lang.
Ginagawa ko to hindi para sa sarili ko…
Kundi dahil gusto kong mapasaya ang lolo ko sa mga huling sandali niya.” Sabi ko
Halos gusto kong lumuhod sa harapan niya,
Pero Tahimik parin siya ..
“kahit anong ipagagawa mo, kakayanin ko.. “ dagdag ko.
“cut it out, okay?” tumayo siya at iniwan akong mag isa.
Naiinis ako sa sarili ko,
Dapat nga lumuhod talaga ako..
Pano na to?
Konting panahon nalang ang natitira sa kin.
Inno’s POV
Anong akala niya sa akin?
YOU ARE READING
Just One Favor
Ficção Adolescente"because of a single favor, your life changes.. even you know it was just a game."