Chapter 17..(Ang MAPA..)Part 3.

238 1 0
                                    

*Prelze POV*

Pagmulat ko tirik na ang araw…

Tumayo ako para linisin ang sugat ko sa tabi ng tubig.

“Ayos-ayos na din ang sugat ko…”nakangiting sabi ko..Buti di nakagat nung ahas na yung ang ugat ko kundi siguradong pahirapan ako nito sa pagpapagaling ng sugat ko..

Napalingon ako kung nasaan natutulog si Praym…Dahil sa taong iyon nagkakaroon

ako ng lakas para lumaban…Napangiti ulit ako..

“Uy,Si Sweet inlove na kay papa praym..”

“Ay,Lintik na!”gulat ko gawa kasi ni Mimi bigla-bigla nalang magsasalita sa likod ko..

“So,Ayos na ba yang sugat mo?”sabay upo nya sa tabi ko…

“Oo,Maayos-ayos na …mamaya-maya aalis na tayo pagkatapos nating kumain ng tanghalian..Kaylangan din natin ng lakas para mamaya..”sabi ko..

“Yes ma’am..”sabay saludo nya sakin..

Napangiti ako..\

“Mukhang na papadalas ata ang ngiti natin ahh..Siya ba ang Dahilan?”panuunukso sakin ni Mimi sabay nguso kay Praym na natutulog..

“Tumigil ka dyan..”sabi ko..

Tumayo siya..

“Hmp…Ayaw pang aminin..makaalis na nga..”sabay walk-out nya..talagang kahit kelan yun oh..

Nilinis ko na yung sugat ko…Ayos medyo hilom na …

Tumayo na ko pagkatapos kong linisin ang sugat ko..

“Prince..”tawag ko..

Lumapit siya..

“bakit?”tanong nya..

“Tarang manghuli ng Isda para makakain na tayo ng tanghalian..”yaya ko..

“Pero…”angal ni Prince..

“Ako nalang ang sasama kay prince.”akbay sakin ni Praym…

“oh.Gising kana pala..”sabi ko.

“Kami nalang…”sabi nya.

“Gusto ko ding sumama..”sabi ko..

“Hindi pwede..”

“Sasama ako..”angal ko..

“Isa Prelze..Pagsinabing hindi pwede.hindi pwede..Maliwanag?”

Tumango nalang ako..

Bwiset! bakit ba tumango ako? anluka ko talaga..

Nung makaalis na yung dalawa at lumusong na sa talon..Naupo nalang ako sa tabi ng puno..

Biglang lumapit sakin si Mimi…

“Under ka pala e..”tukso nya.

Hindi nalang ako sumagot..

Pagkatapos nila manghuli kumain na kami at nagpahinga ng saglit para ipagpatuloy ulit ang

paglalakbay..

“Ayos na ba talaga yang sugat mo?”nag-aalalang tanong ni Praym.

“Oo..”sagot ko..

Sinimulan ulit namin ang paglalakbay..

“Ang sabi dito …….Hmmm..Wait lang…pagkatapos sa talon….Lakad ulit pagmay nakita tayong kweba yun na! yun na yung Lungga ni Sekie! malapit na tayo!”masayang sabi ko..

“Oh…Wala pang isang Araw tapos na natin kaagad ito..Di naman pala kalayuan…”sabi naman ni Mimi..

Oo nga..Akala ko pa naman aabutin kami ng siyam-siyam nito …

Hay,,Salamat….mama,papa,kuya…malapit na ko,hintayin nyo ko!

Nakita na namin yung Kweba..

“Guys,Eto na to! maghanda na kayo…”babala ko..Alam kong hindi ka namin makikita sekie..

Blood From Lady Gangster,,,,(Black-Feather)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon