LYTTSTB - Chapter 1

32 1 0
                                    

ETO NA!!! Chapter 1 na mga babies 😂🙈 Ano na kaya mangyayari kay Mia? Makikilala nya na ba yung makakasama niya? O forever alone na lang sya? Hindi natin yan malalaman kapag di natin babasahin kaya gorabells na 😍👌🏻

===

Chapter 1 - I'M HIS WHAAAAT?!

2 years later

Umaga na nang magising si Mia. Nakatulog siya kakaiyak kagabi. Kahit matagal ng nawala ang daddy niya ay hindi pa rin sya tumitigil sa pag iyak gabi gabi. Wala sa wisyo siyang bumangon at tiningnan ang sarili sa salamin.



Gulo gulong buhok, mugto ang mata. Halatang halata na galing sya umiyak. Dumiretso nalang siya sa CR at naghilamos tsaka nagsipilyo. Hindi nya alam kung makakaya niya bang harapin ang mama niya. Hindi na sila masyadong nag uusap simula noong nagkasagutan sila.



Pagkatapos niyang maghilamos ay nagpalit sya ng damit. Sleeveless lang tsaka shorts ang sinuot niya. Pagkatapos niyang magbihis ay nagpulbo muna siya at tuluyan ng bumaba sa hagdan nila.




Nadatnan niyang nag aalmusal ang mama niya. Tumungo siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Pagkatapos niyang magtimpla ay bumalik siya sa hapag kainan nila at binigay yung kape niya sa mama niya.





"Uhm sorry nga pala ma." nakatungong sabi ni Mia sa mama niya






"Wala yun anak. Napagtanto ko rin na tama ka. Puro na lang ako trabaho at nakakalimutan ko din ang responsibilidad ko sayo bilang ina. Hayaan mo babawi ako sayo." Sabi neto sa anak niya



Hindi naman maiwasan ni Mia na yakapin ang ina. Ngayon lang niya narinig ang ganung mga salita galing sa mama niya. Yumakap naman pabalik ang mama niya sa kanya. Pagkatapos ay iniharap nito ang mukha ng anak sa mukha niya.




"Gusto mo magpunta tayo sa puntod ng daddy mo?" Sabi niya sa anak



"Sige po. Magbibihis lang ako." Sabi ni Mia

***
Sementeryo

Malayo pa lang ay natatanaw na nila ang puntod ng daddy niya.





IN LOVING MEMORY OF
ALFRED SANCHEZ
Born: April 12, 19**
Died: October 3, 20**






"Hi dy" sambit ni Mia sabay lagay ng mga bulaklak sa puntod ng daddy niya. Nagtirik naman ng kandila ang mama niya.




Naging tahimik naman ang paligid at nagsimula nang magdasal ang mag iina. Tanging simoy ng hangin at kaluskos ng dahon ang mararamdaman. Matapos ang ilang minuto ay tapos na sila at napagpasyahang umuwi na.





Angelo's POV

Papunta ako ngayon sa puntod ng tatay ko or should I say stepdad ko. Matagal na siyang namatay 2 years ago lang. Hindi kami naka attend sa burol niya kase hindi naman kami ang tunay niyang pamilya. Pero kahit ganoon, tatay ko pa rin siya. Siya kase yung lalakeng nakapagpasaya kay mama.



"Hala?! Bakit may bulaklak dito tsaka kandila?" Tanong ni Angelo sa sarili


"Ahh, baka siguro may dumalaw sa kanya " ani nito sa sarili




"Hi pa kumusta ka na? Sorry ngayon lang nakadalaw ah kase medyo busy eh. May dumalaw naman din sa inyo kanina eh." Sabi ni Angelo sa puntod ng papa niya




Parang tanga lang sya na nakikipag usap sa patay. Kung may nakakakita lang sa kanya, mapagkakamalan talaga siyang baliw. Pero wala siyang pakialam. Gusto niyang kausapin ang tatay niya ng masinsinan.





"Pa alam mo ba, simula ng nawala ka, parang nawala na din si mama." Malungkot na pahayag ni Angelo




Simula kase nang mamatay ang tatay niya ay hindi na masyadong kumikibo ang mama niya. Madalas etong tulala at nadadatnan niyang umiiyak sa sala.
Kahit na meron etong bagong kinakasama ay ramdam ni Angelo na mas mahal pa din ng mom niya yung unang stepdad niya.



"Pero gaya ng pangako ko po sa inyo, aalagaan ko po siya. Hinding hindi ko po pababayaan si mama." Nakangiting tugon niya




Natapos din siya ng ilang saglit at nagtirik ng kandila. Nang malapit nang maubos eto, tsaka lang napagpasyahan niyang umalis.




*Mall


Napagpasyahan ng mama ni Mia na magpunta ng mall para makapamili ng groceries nila. Sakto namang may gusto syang librong bilhin kaya sumama siya sa mama niya.




Pagkarating nila ng mall ay nag part ways sila. Yung mama niya sa grocery section tas siya sa National Bookstore.




Hindi pa sya nakakalapit ay may nakita syang kumpulan ng mga tao. May nag aaway ata na magsyota.







"HINDI NGA KITA MAHAL DI BA?! ANO PANG HINDI MALINAW DOON? MAY GIRLFRIEND NA DIN AKO KAYA WAG MO NA AKONG GULUHIN!" umaalingawngaw na sabi ng lalaki






"KUNG TOTOONG MAY GIRLFRIEND KA, ASAN SIYA NGAYON? BAT DI MO SYA KASAMA?!" Nakataas kilay na tanong ng babae at nakapameywang pa.




Hindi nalang pinansin ni Mia ang pangyayari. Tsk. Sanay na syang makakita ng ganitong eksena. Papasok na sana sya sa National Bookstore nang may humila sa kanya.
































"SIYA!!! SIYA ANG GIRLFRIEND KO! NOW, WILL YOU EXCUSE US?!"




*****

Holy guacamole 😱😱😱 Huwaaat?! Your his WHAT? WHAAAAT WHAAAT?! Hahaha. Ang oa ng reaction 😂✌🏻 Sino din dito nagulat tulad ko? Hindi talaga to yung plinano ko for the story. I don't know anong pumasok sa kokote ko at eto yung sinulat hahaha. I guess ganyan talaga ako so pag may natanong ano yung plot? WALA PA PO AKONG ALAM 😌✌🏻🙈 Ako kase yung tipo ng tao na lalabas lang yung ideas pag hindi na moment na gagamitin. I dunno nahihiya siguro to 😂🙌🏻 Basta po napicture out ko na yung magiging kinalabasan neto. Wag kayong mag eexpect ng too much. Medyo baliw pa naman ako so I'll be putting some twists 😌 Basta yun na yun hahaha Baka ma spoil ko pa yung story ko eh. Bye muna mga babies see you ulit next time KAMSA 💕

#zeanneWP

Love You To The Stars And The Back 💕 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon