Gusto ko siya.
Gustung-gusto.
Siguro nagsimula ko siyang magustuhan nung naging seatmates kami nung senior high? O nung nagshare siya ng baon sa akin nung grade five? O nung humagalpak siya ng tawa nang madapa ako noong grade three? Hindi ko alam.
Ang alam ko lang, matagal ko na siyang mahal.
Hindi man kami bestfriends, ok lang yun. Ang mahalaga, nakikita ko siya halos araw-araw. Magkalapit lang kasi ang bahay namin. Tapos lagi siyang tumatambay doon sa tindahan ni Aling Miling sa may basketball court na mismong tapat ng bahay namin kasama yung mga kaibigan niyang naglalaro din ng basketball.
Buti na lang at tinted ang bintana namin. Hindi niya ako mabubuko kahit titigan ko siya ng walang humpay.
Haaa... kailan niya kaya malalaman ang feelings ko? Magtatapat na kaya ako? Wag na pala. Nakakahiya. Alam ko namang hindi niya ako gusto eh. Hindi lang naman siya sa akin mabait. Kaya kahit anong gawin niya, alam kong di yun dahil sa espesyal ako. Asa pa ako.
Magiging awkward lang kami pag nagtapat ako. Mas ok na yung ganito. Atleast nakakausap ko siya pag nagkikita kami. O kaya nakakabiruan at nakakaharutan. Pag nagtapat ako sa kanya, mawawala lahat ng connections namin.
Pero anong gagawin ko? Ang hirap na magpigil. Kaya nga di na ako halos nagpapakita sa kanya ngayon ay dahil tuwing nagtatama ang mga mata namin, nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Yung tipong gusto kong umiyak ng wala namang kadahi-dahilan... o may dahilan... 'di ko nga lang masabi.
Kaya idinaan ko na lang sa sulat. Sa sulat na ito, sinabi ko sa kanya lahat. Sinabi kong mahal na mahal ko siya, na naiinis ako kasi ang manhid-manhid niya, na nagseselos ako pag nagkakajowa siya at lagi kong hinihiling na magbreak sila. Hahah! Ang sama ko di ba? Pero wala eh. In love ako. Tsaka halata namang di sila seryoso. Kaya ok lang... 'di ba?
Kaso lang, nung nagawa ko na, hindi ko naman maibigay-bigay. Lumipas ang mga araw, mga linggo at buwan, nganga pa rin ako.
Hanggang sa isang araw, nalaman ko na lang na may nagugustuhan na siya. At mukhang inlababo talaga siya.
Ang nasabi ko na lang, "Congrats".
Haha! Wow! Ang tanga-tanga ko. Sa kaduwagan ko, nakahanap na siya ng seseryosohin niya. Ni hindi ko man lang nasabing gusto ko siya. Mukhang hanggang sa sulat na lang 'tong feelings ko.
"So titigil ka na sa pagsilip sa bintana?" tanong niya.
Juice colored! Paano niya nalaman yun?!
Tumingin ako sa kanya at halos lumuwa ang mga mata ko. Alam ko ring nagkululay kamatis na ang mukha ko sa kahihiyan.
Tapos tumawa siya bigla.
"Hindi naman high-tinted yung bintana niyo. Tsaka laging bukas ang ilaw. Ikaw lang naman ang naka-ponytail sa inyo kaya kitang-kita ka din."
What the? Ang yabang mo ah? Por que in love ako sa'yo ginaganito mo na ako?!
Hindi ako umimik. Ang sama ng loob ko. Kaya tumayo at tangkang aalis.
Pero nahagilap niya ako at parang sa pelikula, niyakap ako ng mahigpit.
"Sorry na... hindi ko lang mapigilang di ka asarin. Ang cute mo kasi." pang-aalo niya sa akin.
"...ina mo." sagot ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko.
"Ang tagal ko nang hinihintay yang love letter mo. Kaso naiinip na ako."
Napatanga na lang ako sa kanya. "sino may sabi sa'yong--"
"Yung kuya mo."
"Ah. Sasakalin ko'ng kumag na yun..." kakalas na sana ako para hagilapin yung kuya kong magaling. Kaso mahigpit ang hawak sa akin ng lokong 'to.
"Mamaya mo na siya sakalin." hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at pinagdikit ang mga noo namin. "''di ba sabi ko sa'yo naiinip na ako? Ayoko nang maghintay."
Chet. Ang puso ko nalalaglag.
"Y-Yung sulat..."
"Later." yun lang at naramdaman kong naglapat ang aming mga labi.
Oh well... mamaya ko na lang sasabihin na mahal ko siya. ❤❤❤
BINABASA MO ANG
INIP
RomanceFlash-fictions about patience and impatience... Isinulat ko ang mga ito habang naiinip ako. Haha! Yun lang. Bow. Madadagdagan pa ito.