Caution: Loko loko lang to, magugulat nalang kayo sa huli. Charot. siguro 800 words pababa lang to, hanggang dun lang daw pwede e. Wala tong plot twist or what, sa 800 words makakagawa pa ba ko nun? Gusto ko lang to ishare sainyo matanggal na kasi akong ginugulo haha.
Unang una palang sasabihin ko na, wala akong ginaya na kahit ano man dito. Wala akong kinuhanan ng story o ano, sa isip ko lang nang galing to. Kung meron mang kamukha Siguro coincidence nalang yun o kaya destiny kami nung author na yun, chos.
So ayun
ENJOY.
-------------------------------------
tap play.
"Hello, I just want to share my story. promise hindi kayo magsisisi, Apaka ganda. hindi boring at challenging. and yes challenging talaga, so sisimulan ko na. Kasama ko siya ngayon. hinawakan ko ang baba nya para maiharap siya saakin.
Pag harap nya ay tinuro ko ang mga nag gagandahang bitwuin. "Hon, Buti may mga bitwuin parin sa pinas no? Ang ganda. nakakamangha" ngumiti siya at sinagot ako "Ang ganda nga Hon, sobra." pagtingin ko sakaniya ay sakin siya nakatingin pinalo ko siya ng marahan. "Uto!"
Madaling lumipas ang araw at andito nanaman ako, kasama siya. Nagkwekwentuhan sa lahat ng bagay, sa masasayang bagay. hindi nauubusan nang masasabi basta kasama lang namin ang isa't isa.
"Hon, i love you." sabi ko sabay ngiti. "I love you more Hon" sabi nya habang hinahalikan ako sa noo. Grabe nakakakilig! para akong highschool kung kiligin. tahimik lang kami habang nag mamasid nanaman sa mga bitwuin. Paborito talaga namin tong gawin.
Inakbayan nya ako ng dahan dahan, tiningnan ko lang ang kamay nya sa balikat ko at ngumiti, sumandal ako sakaniya habang pinagmamasdan parin ang kagandahan ng langit. Umalis siya saglit at pumasok sa bahay.
Pag labas nya ay may hawak hawak na siyang icecream na nasa cone, binigay nya sakin ang isa. Kinain ko ito at nag kwento "Alam mo ba nung bata ako.." And so on so far hindi nanaman kami naubusan ng sasabihin.
Nagpicture lang kami at ginawa lahat ng pose na pwedeng gawin, mapa-wacky man, mapanguso o kahit anong kalokohan.
Tumayo ako at hinila siya patayo, "Sayaw tayo Hon, nakakamiss rin kasi e!" Yuon ang sabi ko at binigay sakaniya ang isang headphones. parehas kaming magaling sumayaw kaya nag umpisa na kami. nang matapos kami'y niyakap nya ko. sweet diba?
-
Nandito kami sa bahay nila, naglalaro ng xbox "Nakakaasar naman!" ang sabi niya, hindi nya pa kasi ako natatalo kaya tinawanan ko lang siya at dinaganan naman niya ko.
Nag lalaro kami, tatakpan ang mata at pag pinitik dapat magkaparehas. nang tinakpan ko ang mata ko ay gulat ko nalang ng may humalik saaking kamay. pag alis ko nito ay sumalubong saakin ang nakangiti nyang mukha.
Pumasok na kami sa kotse dahil balak rin naming pumasyal. Habang nasa kotse ay nakaakbay siya habang ang isang kamay ay nagmamaneho. Sinasabayan namin ang kanta sa radio at humagalapak ang tawa ko ng napiyok siya.
Nagasaran at nagtawanan, malalambing na salita at mga pangako.
Andito kami sa park, hinawakan ko ang kamay nya at tumingin sakaniya habang nakangiti. Oo ganyan kami kasaya walang problema, perpekto lahat.
at ayon nga, katatapos lang naming pumasyal. Hinatid nya ako sa bahay at bumaba rin siya, balak rin kasi namin magbake ngayon at successful naman.
nakapag bake kami ng masarap na cake, Hinatid ko siya sa labas ng bahay namin.
Gabi na rin kasi at kaylangan na nyang umuwi, nang paalis na siya ay hinila ko siya. "I love you" Nginitian nya lang ako at hinalikan sa noo, pag katapos ng halik na yuon ay binanggit siyang ikinataka ko "Im sorry."
Nag madali na siyang umalis. habang ako'y nagtataka
Im sorry? walang responde? nag mamadaling umalis? huh.
----
3 araw kaming hindi nagkita, sabi nya ay busy siya sa work nya. Napabangon agad ako sa kama ng makarinig ako ng text, at nang makita ko ang pangalan nya ay nabuhayan agad ako. "Kita tayo, same place. See you in one hour" ganun lang ka plain?pero kahit na, hindi parin ako nawalan ng pag-asa malay, ko ba kung pakulo nya lang ako at may supresa pala siya sakin?!
At ayun nga, nagayos ako ng todo, hindi late. hindi sobrasa oras. nakarating ako pagkatapos ng isang oras. at pag karating ko, nakakapag taka dahil mag eexpect ako na mag propropose siya pero bakit may kasama siyang babae? at saktong binigyan nya ng bulaklak at hinalikan at noo.
kahit patuloy na umaagos ang luha ko, nakaya ko parin siyang lapitan. tumayo siya ng makita ko, "Gag* ka" pag kasabi nun ay kasabay ng pag sampal ko sakaniya tumakbo ako palayo, at ayun nga. walang sumunod saakin.
Pero kahit na ganoon tandaan mo lang, na kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Paalam."
Stop Video.
Napaiyak ako, at doon na nga natapos ang kwento nya, ang kwento namin. Vinideo nya yun ay ipinabigay saakin, bilang isang masakit na ala-ala. naka wig na lang siya sa video dahil yung time na yun ay lagas lagas na ang buhok nya.
At isang araw na lang ang natitira sakaniya.
Hon, kung alam ko lang. patawad, kung nakontento lang ako sayo. kung hindi lang ako na boring dahil lagi nalang tayong masaya. siguro hindi nangyari to, patawad. patawarin mo ako sana masaya ka na jan sa langit.
Hon, im sorry for being late. sana ay mapatawad mo ako balang araw. yumuko ako saglit at kahit alam kong huli sasabihin ko parin sayo.
Hon, i love you so much.
BINABASA MO ANG
Too Late (One shot)
Short StoryGanun naman diba? lagi nalang na huli na. siguro nga tama sila, nasa huli ang pagsisisi "Baby sorry, sorry for being too late. sorry for leaving, sorry for all what i've done. i will miss you"