May nais akong ikwento...
Istoryang aking pinapahalagahan
Ang istoryang wala kasiguraduhan kung kelan magtatapos ngunit aking hinihiling na ito ay hindi umabot sa dulo kung saan parehas tayong masasaktan...
Ang istoryang nagumpisa sa ating pagiging magkaibigan na humantong sa pagiibigan..
Ang mga karakter na magpapatunay na hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin...
Ang mga karakter na magpapatunay na kaya nating magmahal kahit paulit ulit na tayong nsaktan...
Ang mga karakter na magpapatunay na ang pagibig ay
hindi isang laro... hindi ito tagu taguan
hindi isang biro...
at hindi isang bagay na pag tumagal ay iiwan na lang....
Ito ang istorya ng aming pagiibigan ng aking matalik na kaibigan...