My long time crush

6 1 0
                                    

Jasmine's POV

3 years... 

3 years na ako nagtatago ng aking nararamdaman para sa isang taong aking lubos na hinahangaan...

Gusto ko siya sobra... Mahal ko na nga ata ih 

Mahirap... Masakit...  yan ang nararamdaman ko sa loob ng 3 taon kong pagkakagusto sa kanya

Mahirap mag tago ng nararamdam lalo na kapag kaibigan lang ang turing sa akin 

Masakit ang makita siyang may kasama... 

Masakit makitang masaya siya pero iba ang dahilan at hindi ako yun...

tinanggap ko yun sa loob ng 3 taon SOBRANG SAKIT

yung tipong makakatulog  na lang ako kasi iyak ako ng iyak...

Eto ang aking istorya at sisimulan ko to sa kwento ng aking long time crush....

grade 6.

ng una nating pagkikita 

naging kaklase kita.... pamangkin ka ng may ari

kaya huli kana pumasok sa klase 2nd o 3rd quarter ata...

matagal na yun nais ko na din kalimutan...

tayo ay naging magkaibigan noon ngunit siguro nakalimutan na rin natin iyon nung nag 

grade 7 tayo 

sa kabilang section ka non at ako naman sa kabila 

bihira na nga tayo mag usap noon

ngunit ng tayo ay nag 

grade 8 

tayo ay muling naging magkaklase 

mas naging close tayo dahil sa mga kaibigan natin 

nung una kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo 

naalala ko pa nga dati kasi mahilig tayong mangtrip ng mga kaklase natin

dati nanghihiram tayo ng salamin para lagyan ng vicks ung frame nung salamin ng kaklase natin tapos tawa pa nga tayo ng tawa kasi hindi nila madilat ung mata nila kapag sinuot na nila yun 

dati naglalaro pa tayo ng bato bato pik tapos may hawak tayong plastic bottle walang lamang tubig tapos kung sino talo siya ung hahampasin ng bote

pero dumating ung araw na narealize ko na lang napamahal na ako sayo

kung kelan ko nalaman  na napamahal na ako sayo tsaka ka nag kagirlfriend 

tinulungan ko pa nga kayo noon kasi ayaw ng nanay niya sayo 

umiyak ka pa nga saakin tapos sabi mo  "mahal na mahal ko siya" 

MASAKIT yun tang*na pero bilang kaibigan dinamayan kita 

nandoon ako para sayo kahit pinagdadasal ko na sana ako na lang ung mahal mo 

kaso hindi ih iba yung mahal mo 

ang tanga ko kasi mahal pa rin kita kahit alam kong hindi ka nagseseryoso sa relasyon maliban na lang nung grade 8 tayo

nung nakita kitang umiyak non...

mas lalo akong nahulog sayo kasi nakita ko ung side mo na nanghihina kasi nagmahal ka

kaso hindi saakin 

grade 9 lumipat sia ng ibang school natuon sa iba ung atensyon mo pero hindi saakin 

sa iba... sa bagong nating kaklase 

hindi ko alam kung mahal mo ba talaga yun o pinaglalaruan mo lang din katulad nang ginawa mo sa iba

pag katapos mong paglaruan yung kaklase natin may bago ka nanaman grade 10 student 

ewan ko ba kung bakit sa dami dami ng tao ikaw pa ung minahal ko ng ganito....

ipagpapatuloy....

Our Journey to lifetimeWhere stories live. Discover now