Chapter Two

8 1 0
                                    

Ahhhhhhhhhhh! Napakasarap matulog ahhhhhhhh! Parang ayoko nang tumayo ahhhhhhh! Iba na nga nakatayo sakin ahhhhh! Ang lamig kasi kagabi AHHHHHHHH!

Pero hindi ko pa nakakalimutan ang ginawang pang aalipusta ni Mae sa pag ibig ko. Ipapakita kong wala akong pake sa kanya. Hindi ko sya papansinin mamaya.

At para linisin ang pangalan ko! Hindi ho ako nanood sa redtube kagabi kase nakatulog ako ng maaga! Walangyang author to lagi akong ipinapahiya!

Tumayo na ko sa kama. Wala nang hila hilamos at sepilyo. Kakain na ko sa baba.

"Ma anong ulam?"

"Tinolang langgam." sabat ni Monique. May mga tao talagang ganito no? Yung kahit walang kwenta yung lalabas sa bibig sasabihin pa rin para magpapansin.

"Oh? So masaya ka naman nyan?"

"Oo ang saya saya ko nga eh."

"Pake ko?"

"Tinanong mo nga ako kung masaya ako eh edi may pake ka. Tanga."

Kalma Mico. Kalma. Breathe in, breathe out. Babae yan Mico. Kapatid mo yan Mico.

Hindi ko na lang pinansin yung katapat kong mongoloid at tahimik na kumain. Si mama lang ang daldal ng daldal kase tapos na raw yung pinapanood nyang drama gabi gabi.

Pagtapos kumain ay akma na kong aakyat sa hagdan nang magsalita si mama.

"Ano to luto ko, hugas ko?" kunot noo si mama na tumingin sa akin.

Aba mamshie bakit sakin ka lang nakatingin!?

Tinignan ko si Monique. Nakangiti habang nakatutok sa cellphone nya.

"Ako naghugas kagabi ah." ang dami ko pa ngang kiniskis na sebo.

"Ako nagsaing." sabat ni Monique.

"Sya nagsaing." Tibay din neto ni mama eh. Ginatungan pa.

Ano namang konek ng pagsasaing sa paghuhugas? Pano nila naaatim na ganituhin ang isang gwapong likha na gawa ni lord para iligtas ang sangkatauhan?

Una, sinaktan ng babaeng pinakamamahal ko ang damdamin ko. Ngayon ginagawa nila akong alila. Stresses are of this life of me!

Para wala na lang pagtalunan dahil alam ko namang kahit ipaglaban ko ang aking hinanaing ay ako pa rin ang matatalo, naghugas na lang ako.

Di alintana ang malangis at masebo na plato ay nagpatuloy ako sa paghuhugas.

The Legendary Mico SanWhere stories live. Discover now