Chapter 6: Try Out

406 10 2
                                    

Airah's POV

Nagulat ako nang hinalikan ako ni Ricci sa noo.

Is that for real?


Napalingon ako sa dorm at napansin kong bukas ang pinto kaya pumasok ako sa loob.

Pagpasok ko pa lang ay nakarinig na ako ng boses nang lalaki at babae. Nakita kong magkatabi sina Brent at Clare sa may upuan. Aba kanina pa pala ang dalawang ito. Napatigil sila sa paghalakhak nang napansin nilang nasa harapan lang ako.

"Oh, Airah! Nandito ka na pala, di ka man lang nagsasabi ha." Natatawang sabi ni Clare. "Uh, Airah, hinatid ko lang si Clare dito. Sige aalis na ako, baka hinahanap na din ako ni Ricci eh." Sabi naman ni Brent at nagpaalam na kay Clare.



"Hmm. Mind to tell me what's going on with you two?" Pabirong tanong ko kay Clare. Tinitigan nya lang ako habang malaki ang ngisi sa pisngi.

"So, hindi ka magkekwento? Ganyanan na pala bes?" Habol ko. "Uhm, eto na nga po" Sabi nya.


"Nanliligaw na sakin si Brent" At nagtakip pa sya ng unan sa mukha, halatang kinikilig.

"Ay wowowie ka mare!!" Sabay hampas ko sa kanya. "Ay wow, Aljun ikaw ba yan?" Biro nya.

"HAHAHA. OMG GURL GORA NA WAG KA NA PABEBE SAGUTIN MO NA YANG BEBE BRENTY MO HA!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Kalma gurl, kalma! HAHAHA grabe agad agad? Syempre it takes time naman!" Sagot nya habang utas na sa kakatawa.


Nag-usap lang kami tungkol kina Brent at naikwento ko din sa kanya ang nangyari sa amin kanina ni Ricci.

Nagulat si Clare at kinilig din para sa akin. "OMYGOLLYBANANACUTIE, i really smell something fishy bessy ha!" Tili nya.

"Luka study first muna, tsaka i think we're better as friends" Sagot ko.

"Sus, study first daw. Pa-good girl ka pa e kinilig ka naman panigurado. Tsaka anong better friends, sabi mo nga sakin sa friends nagsisimula ang lahat eh." Irap nya.

"Hay nako, matutulog na nga ako." Sabay higa ko sa kama at nagkunwaring tulog na. "Hay nako girl, wag ako HAHAHA" Sagot nya.



Nagbukas ako ng social medias at nakita kong trending ang #AiCci. Nagulat ako doon kaya tiningnan ko kung bakit. Nakita kong nagtweet pala si Ricci, "Thankyou for today, my girl. I hope I made you happy as much as you made me. #AiCci"


Hinampas ako ni Clare dahil nakita pala nya na nakangiti ako ng todo. "Wow ha, tulog daw pero abot langit ang ngiti na nakatingin sa phone. Sino naman yan ha? Si Ricci no!" Sabi nya.

"Huh? Hindi ah. Nakakita lang ako ng nakakatawang video clip sa facebook. Matulog ka na nga!" Sagot ko. "Asdfghjkl kunwari ka pa ha." At humiga na rin sya.


Natulala naman ako at napa-isip.

Napapasaya ba ako ni Ricci?


Nawala ako sa pagkatulala nang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan doon ni Ricci.

𝙔𝙤𝙪'𝙧𝙚 𝙈𝙮 𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙤𝙛 𝘼𝙡𝙡  ⋆*ೃTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon