Prologue

433 108 181
                                    

Masayang pinagmamasdan ng mag-asawa mula sa kanilang inuupuan ang dalawa nilang anak habang naglalaro ang mga ito ng habulan. Kasalukuyan silang nasa likod ng bahay nila kung saan matatagpuan ang malawak nilang hardin. Ang hardin nila ay puno ng iba't-ibang klase ng mga halaman. Ngunit karamihan ay mga bulaklak na may iba't ibang kulay. Napakagandang pagmasdan ng mga ito habang isinasayaw ng magiliw na ihip ng hangin.



"I am very happy na dito tayo tumira, Maxwell," nakangiting sabi ng babae sa asawa habang pinagmamasdan pa rin ang kabuuan ng hardin.



"Masaya rin ako, Elizabeth," sagot naman nito. "And I love what you did with the place." Nakangiti pa nitong dagdag pagkatapos ay tumayo ito at niyakap mula sa likod ang asawa.



Naputol lamang ang pagmumuni muni ng mag-asawa nang bigla silang makarinig ng munting sigaw. Nag-alala sila nang malamang galing yun sa panganay nilang anak. Ngunit lalo silang nag-alala nang makarinig ng iyak at galing naman ito sa munti nilang prinsesa. Dali dali nilang pinuntahan ang kinaroroonan ng mga anak at nang makarating sila doon ay nagulat sila sa nakita.



Ang bunso nilang anak na babae ay nasa itaas ng puno at walang tigil sa pag-iyak samantalang ang kanilang panganay na lalaki naman ay nakahandusay sa lupa at walang malay. Agad na nilapitan ni Elizabeth ang anak na walang malay habang si Maxwell naman ay inakyat ang puno para makuha ang bunso. Nang maibaba niya ang anak ay agad niya itong tinanong.



"Ssshh don't cry now. Papa and Mama are here." Pagpapatahan ni Maxwell sa anak. "Princess, papa will ask something ha? How did you get up there?" tanong ni Maxwell rito. Gusto niyang malaman kung paano ito nakaakyat sa ganoong kataas na puno gayong napakaliit nito. At isa pa, hindi niya rin ito tinuruang umakyat sa puno. Napatingin si Elizabeth sa kanya kaya naman nabaling ang atensiyon niya sa anak nilang lalaki.



"How is he? Is he alright?" nag-aalala niyang tanong.



"Yes, he's okay. Wala naman siyang head injury. He's just unconscious." Elizabeth told him habang marahang hinahaplos ang ulo buhok ng anak. Napatingin siya sa bunso nila na umiiyak pa rin. "I think it's better kung sa loob tayo mag-uusap. It's getting cold."



Sumang-ayon naman si Maxwell kaya binuhat niya ang bunsong anak at naglakad sila papasok sa loob ng bahay kasunod si Elizabeth na buhat din ang panganay.


***********


"Princess, can you now tell me kung paano ka nakaakyat dun sa puno?" tanong ni Maxwell sa anak nang mapatahan niya ito. Katabi niya ang asawa na kalong- kalong ang panganay nila na wala pa ring malay.



Tinitigan muna siya ng asul nitong mga mata bago sumagot. "I floated, Papa."



Nagkatinginan silang mag-asawa na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga isipan pagkatapos ay binaling ulit ng mag-asawa ang paningin sa anak.

Senyth Academy: Immortal Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon