Chapter Four: Tragedy

187 50 207
                                    

L O U I S E    A L D E I M


Nang makita ko kung ano ang itsura nila mama at papa ay bigla na lang ako nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa nararamdaman ko ang tindi ng tibok ng puso ko. Mas lalo pa yung tumindi nang marini ko silang mag-usap pero hindi ko maaninag kung ano ang pinag-uusapan nila dahil pabulong ang mga ito.



"Ma? Pa? Anong nangyari?" si kuya Caleb ang unang nagsalita sa amin. "You don't look well, my problema po ba?"



Ngunit parang hindi nila narinig ang tanong ni kuya dahil patuloy pa rin sila sa pag-uusap.



"Okay lang po ba kayo?" maya't maya ay tanong ko na rin. Lalapitan ko na sana sila pero nagulat ako nang tumingin sila sa amin. At dahil doon, kitang kita ko ang takot sa kanilang mga mata na para bang may nakita sila ngunit ayaw nilang sabihin sa amin.



"Ma? What's wrong? You look like you've seen a gho----" kuya Caleb was saying something when he was cut off by Mama.



"Mga anak, I need you to pack up your things," biglang sabi ni mama sa amin kaya nagulat kami ni kuya.



"What?" tanong ni kuya tapos ay napatingin siya kay Papa na madilim ang mukha. "Bakit po? Is there something going on?"



Ngunit hindi siya sinagot ni mama. Naguguluhan na rin ako sa nangyayari. Kakauwi lang nila at sasabihan nila kami na mag-impake ng mga gamit namin? Gusto kong itanong sa kanila kung ano ba talagang problema pero hindi ko magawang magsalita dahil parang may nakaharang sa lalamunan ko. 



"Ma, I don't know what's happening," napatingin na lang ako kay kuya Caleb nang magsalita ulit siya. "Why are you telling us to pack up our things? Are we going somewh-----"



"STOP ASKING QUESTIONS AND JUST DO WHAT YOUR MOTHER TOLD YOU DO!" gulat kaming napatingin kay Papa nang magsalita siya. Ngayon lang namin siya narinig na sumigaw at sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya, pakiramdam ko ay dumagundong yun sa buong bahay. Dahil doon ay wala na kaming nagawa ni kuya at dali-dali kaming pumunta sa kwarto namin samantalang sila naman ay pumunta rin sa kanilang kwarto.



Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong hinanap ang bag na paglalagyan ko ng mga gamit ko. Pagkatapos nun ay nagsimula na akong maglagay ng mga damit at iba pang mga kailangan ko. Hindi ko rin kinalimutan ang mga art materials ko at nilagay sila sa hiwalay na bag. Habang ginagawa ko yun ay hindi ko maiwasang isipin kung ang mga nangyayari ngayong araw na ito. Sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung ano ang una kong pagtutuunan ng pansin. At kapag iisipin ko pa lamang ay sumasakit na ang ulo ko. Sa totoo lang, lalong nadagdagan ang kaba ko at nagsimula lamang ito dahil sa nagyari kanina sa school.

Senyth Academy: Immortal Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon