Ang buhay ay parang "KANDILA"

25.7K 37 14
                                    

Ang buhay ay maraming surpresa. Ang buhay minsan masaya, malungkot, may hinagpis, may pasakit. Ang buhay ay parang kandila, nung tayo ay isinilang dun na nag umpisang sumindi ang liwanag sa kandila. Minsan may mga taong na uubos nila ang kanilang kandila. Minsan may mga taong nagsisimula pa lang umilaw ang kanilang kandila pero namatay na agad ito. Minsan may kandila na ang ilaw ay sobrang kumikinang meron naman na parang mamamatay na. 

KANDILA ay parang mahahalintulad sa ikli o tagal ng ating buhay. At ang humahawak sa ating kandila ay ang ating Maykapal. Hindi natin alam kung kailan at magtatagal ang ating pamumuhay dito sa mundong kinalalagyan natin.

Habang tayo ay nabubuhay wag nating sayangin ito. gawin ang lahat ng mga dapat at tamang gawin. Habang bata pa tayo ay dapat tayo magpakasaya pero syempre dapat may limitasyon.

Ang pagka ubos ng isang kandila ay kay bilis. Katulad din ito ng oras na ang bilis lumipas. ORAS, isang bagay na madaling intindihin pero mahirap unawain. para sa iba ang oras ay simbolo lamang pero kapag ito'y iyong uunawain, ika'y mahihirapang unawain. 

In that time na may hawak akung kandila habang sumasabay sa mga taong nagpoprosisyun, napa isip ako. Anu ba ang mga na accomplish ko sa 18 years ko dito sa mundo. Kung naging masaya ba ako at may napasaya ba ako. tumingin ako sa unahan sa likod sa kaliwa at sa kanan ko, iba't ibang klase ng tao. Iba't ibang ugali at problema na dinadala. And REALITY strikes me, na habang bata pa ako gawin ko ang mga bagay na TAMA. Na hindi ko dapat iaasa sa ibang tao ang kasiyahan ko. Mayroon tayung pamilya, kaibigan at higit sa lahat ang Panginoon. Kung iniwan man tayo nang taong mahal natin, we should accept, let go and move on. Kung tayo ay bumagsak, tumayu ulit tayo harapin ang mga problema. Kung iniisip naman natin na tayo na ang may PINAKA malaking problema, isipin natin ang mga batang kalye na humihingi nang limos para lang may makain. Isipin natin ang mga taong na rape at patuloy na sinasaktan at ginagamit sa maling bagay. 

Manalig at mag tiwala tayo sa Kanya. Dahil alam niya at darating ang time na malalasap natin ang kasiyahan na gusto nating mangyari. In God's right time. We should TRUST HIM. Kasi iiwan at iniwan man tayo ng lahat andyan pa rin SIYA patuloy na mamahalin, iintindihin at papatawarin tayo at aalagaan ang ating KANDILA. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang buhay ay parang "KANDILA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon