Agad na tinulak ni Lara ang girlfriend nitong si Lian sa kama at sinunggaban ito ng halik. Mahinang ungol naman ang nailabas ni Lian sa mapusok na halik ni Lara sakanya, "hmmmm"
Unang pagkikita pa lamang ng dalawa dahil nasa Long Distance Relationship sila. Unang nagkakilala ang dalawa sa RPW (Roleplayers Wold) bilang roleplayers ng isang KPOP idol Boy group. Parehas din silang magkamyembro sa iisang ICG (In-Character group) at dahil dun mas nagkakilala ang dalawa.
RPW, isang lugar kung saan kadalasang nagtatago ang mga taong may problema, introvert, may tinatakasan o sadyang gusto lang i-serve ang mga fans sa pamamagitan ng fan service. Lahat ng mga RPs sa RPW noon ay mababait, hindi namimili ng kausap, ang main purpose ay makipag-kaibigan at gampanan ang pagiging isang roleplayer. Pero dumating ang panahon na nadumihan na ito dahil sa mga RPs na snob, sinungaling, at main purpose ay maghanap ng karelasyon.
RPW ngayon, puro kasinungalingan. Mahirap magtiwala sa mga sinasabi ng RPs lalo na kapag tungkol sa operator/typist/person in the real world.
Dahil dun hindi agad naniwala ang RP ni Lara sa RP ni Lian nang magconfess ito sakanya. Oo, ang relasyon ng mga RPs ay purong roleplay lamang. Pwedeng seryosohin at pwedeng hindi. Talo ang Operator ng isang RP kapag sya ang na-fall. Inaamin ni Lian na purong roleplay lamang ang gusto nito sa RP ni Lara. Yes, may interest din ito sakanya pero hindi pa ito umaabot sa Operator-Related feelings.
Hindi naman nagtagal ay sinagot din ng RP ni Lara ang RP ni Lian at sila ang kauna-unahang naging couple sa ICG nila.
As usual, nagroroleplay sila as a couple. No operator related topics, ang unang pang depensa ni Lian para hindi lumalim ang ugnayan nila ni Lara. Hindi kilala ng dalawa ang parehas na operator at mas lalong walang paliwanagan kung babae ba o lalake ang mga operator nila. Hanggang sa nalaman na pala ni Lara kung sino ang operator sa likod ng kanyang karelasyon sa RPW. Yes, nakilala nya si Lian.
Hindi alam ni Lian ang tungkol dito. Nalaman na lamang nya sa kanyang kaibigan na RP din. Nagconfess naman ang RP ni Lara sa RP ni Lian na alam na nga nya ang tungkol sa operator nito. Nung una parang nau-awkward-an si Lian sa sitwasyon dahil feeling nya baka ma-criticize sya ni Lara dahil babae sya. Same gender to be exact ang mga operators nila, although 100% sure si Lian na babae ang operator ng kanyang karelasyon.
Pero dahil parang wala namang nagbago sa pakikitungo ng RP ni Lara sa RP ni Lian ay naging go with the flow nanaman sya. Hanggang sa nag-uusap na sila about sa operators ng isa't isa. Kinasal sila sa RPW kahit na alam ng isa't isa kung anong pwedeng mangyari kapag naging malalim pa ang ugnayan nilang dalawa. Hindi naglaon ay nakakaramdam na ng kakaiba si Lian.
Gusto nyang i-deny na hindi pero hindi na nya maitatanggi na nagkakagusto na sya kay Lara kahit babae din ito. Isinantabi na lamang nya ito hanggang sa one day, umamin si Lara sakanya at nagtanong kung pwedeng manligaw sakanya.
Yes, nalilito at natatakot si Lian pero mahal na nya si Lara kaya sinagot nya ito agad. Simula nun ang RP to RP relationship ay naging relasyon sa totoong buhay.
BINABASA MO ANG
My Prince Charming is a Princess (RPW Stories • GxG) [DISCONTINUED]
General FictionSa panahon natin ngayon, hindi na natin masasabi kung ang lalake ay babae nga ba ang hanap. Same with girls, hindi na din natin masasabi kung lalake pa din ba ang hanap nila. Namamana man ito, namulat na sila mula nung bata pa lamang sila, o naimpl...