Zach's POV
*kriiiiinngggggggg- kriiiiiingggggg*
Narinig 'kong tunog ng alarm clock ko. Ano'ng oras na ba?
Tinignan ko ang orasan at laking gulat ko na lang na 6:30 a.m na. "Omg! Late na ako!" agad akong bumangon at pumunta agad sa CR.
Putspa! Ganon na ba kasarap ang tulog ko? Buti tumunog 'yung alarm ko kung hindi GG talaga ako.
Nagsimula na 'kong maglinis ng sarili ko at pagkatapos ay agad ng nagbihis dahil malapit ng mag 7:00 a.m.Bumaba na 'ko at deri-deritsong pumunta ng pinto para lumabas at makapasok na sa school.
Natigilan ako ng may tumawag sa'kin galing sa loob ng kusina. "Anaaaaaaaaaaakkkk! Kumain ka muna dito!" si mama 'yon at putspa nakalimutan ko pala kumain ng agahan dahil sa pagmamadali. "Hindi na po nay! Sa school na lang po ako kakain!" sigaw ko dahil nasa gate ako at si mama ay nasa loob ng kusina. "O sige! Basta kakain ka talaga ha. Huwag kang magpapagutom!" sabi ni mama. "Opo ma! Bye po aalis na po ako. Ingat po kayo dito!" sigaw ko hindi ko na hinintay na sumagot si mama ko at dali-daling umalis patungo sa paaralan na pinapasokan ko. Mabuti nalang at malapit lang ito at pwedeng lakarin.
Akmang tatawid na 'ko sa pedestrian lane ng may tumama sa ulo ko.
Napakasakit ng ulo ko!Walter's POV
Habang naglalakad ako ay gusto 'kong pindutin 'yung push button ng traffic light pero tinamad ako kaya 'yong bola ko na lang ang binato ko pero tae, imbis 'dun sa push button tatama, eh sa isang babae tumama 'yung bola kaya ayun. Sapul!
Natigilan sya ginawa ko at dahan-dahang lumingon sa gawi ko na masama ang tingin sa'kin. Mukhang bad trip sya. Hindi ko naman sya nakita kanina ah at hindi ko sinasadya 'yon!Tinignan nya 'yung bola ko na tumama sa'kanya at sa akin naman. Nagulat ako ng kinuha nya 'yong bola at binato pabalik sa'kin.
Sapul! sa mukha ko!
Oo! Sa mukha ko! Putspa. Inis ko syang tinignan pero huli na't nakatawid na sya. Papunta sa Grove University.
Hmm....
Hahanapin kita'ng babae ka! *smirk*
YOU ARE READING
My Last True Love
Teen FictionHindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo magmamahal. Akala natin'g yun na ang huli pero magbabago ang panahon at ibahin ang ihip ng hangin. May mawawala at may dumarating. Akala natin hindi na ulit titibok ang ating puso'ng nasaktan dahil sa t...