Kelan Pa? (one shot)

42 4 0
                                    

Tunog ng patak ng ulan at kulog ang rinig ko habang naglalakad. Marami sigurong umiiyak na diwata kaya't dumadagungdong ang langit. Bahagya kong inilihis ang aking payong at tiningnan ang kalangitan na medyo madilim at nakakatakot. Napaka lungkot at parang puno ng pighati. Napatingin ako sa mga dumadaan na sasakyan na tila hindi naging alinlangan ang ulan upang tumakbo iyon.

Ihupa niyo naman po sana...ako ay maglalakad pa. At para isang mahika ang hiling ko dahil ang patak ng ulan ay bahagyang humupa ngunit rinig parin ang kulog na nagpapatakot sa ibang tao.

Unti unti bumilis ang aking lakad. Nakita ko ang dumi ng aking sapatos. Sumulyap ako sa palapulsuhan ko at tiningnan ang oras.

4:26

Dala dala ang kulay kong itim na bag ay mas lalo ko pang pinabilis ang paguunahan ng aking mga paa. Sumilong muna ako sa isang waiting shed sa plaza. Lumingon ako at inilibot ang paningin. Hindi ko sinasadyang may makita sa pag hahanap kong iyon. Sino ba ako upang makalimutan?

Basang basa na ang aking mga paa dahil sa talamsikan ng tubig mula sa kalsada. Ang pagtalsik ng mga tubig ay rinig na rinig. Ang patak ng ulan ay hindi parin natitigil. Pero ang pintig at bahagyang pag hapdi ng puso ko ay napaka linaw padin. Ako ay nakatayo sa plaza na walang laman at ang tao lang na nakikita ko ay ang lalaking pinakagusto ko noon. Ang nagdala sa akin kung nasaan man ako ngayon sa aking buhay.

High School ako noon, First year noong una ko siyang nakita. Hindi naman siya ang unang lalaking nagustuhan ko. Pero kaibigan niya ang unang lalaking naging crush ko. I was attracted.

I was young to understand what love really was. I was too naive and liked everybody that has a face. But being brutally honest, all of us is a sucker for the face only. If a person is not attracted enough, there is a wall telling you that that person is not the right one. Lahat tayo ay tiningtingnan muna kung gwapo o maganda ba. Lahat ng sinasabi natin na dapat maganda rin ang loob ay kasinungalingan. Dahil kung ang babae o lalaki ay pangit sa iyong paningin hinding hindi mo lalapitan at kikilalanin.

Sad truth.

I first liked his friend, ilang months pero nawala rin noong naging taken siya. I tried chatting him when he was still single but no response maybe he didn't find me attracted enough for his liking. And I was young, I am not the same age as them they are 2 years older. But it didn't matter for me. Maybe for them then, it matters.

My feelings for his friend fades and I started to like him. I remember when I first saw him closely without his friends but I was with mine. It was awkward because my girl friends is doing things that a girly teenager would do. Walang hiya ako sa ibang tao pero parang lahat ng kompyansa ko ay nawawala kung nanjan na siya.

"Kuya single ka daw?" kinalabit siya ng kaibigan ko sabay turo sa akin.

Umiling ako para sa pag tanggi na hindi ako nagtatanong noon. But something inside me did have that curiosity.

"Single" parang sinasakyan ang mga biro ng aking mga kaibigan.

"Kuya digits mo dali!!" hinablot pa sa akin ng aking kaibigan ang aking phone.

Umiling siya at umalis na he was playful but maybe he is really taken. I found out that his heart is but not commited. 2nd Year lihim pa din ang mga tingin ko mula sa malayo walang kaibigan ko ay may alam na may gusto ako sa kanya. He is in his 4th year now, ang tingin sa aming mga second years ay mga batang kelangan pang intindihin.

3rd year when I started to tell someone that I like him. She encourages me to talk to him and tell him my feelings. Pero ang payong iyon ang hinding hindi ko susundin. That is absurb and crazy! Hindi ako baliw na baliw para sa kanya para ipahiya ang sarili ko ng ganoon.

Kelan Pa?Where stories live. Discover now