Prologue

4 0 0
                                    

"Clong clong!!!!"

Napabangon agad ako sa tumawag sakin. Kilalang kilala ko ang boses na iyon.

Gosh!

Tumingin ako sa salamin at inayos magulo kong buhok. Hindi na ako nag hilamos at derederetso akong bumaba ng hagdanan.

"Hoyyyyy Clong clong!!" Tunog ng tunog yung door bell. Gosh ang ingay nya! Lagot sya sakin.

Padabog kong binuksan ang pinto

"Ano ba?! Ang ingay mo. Bat ba ang aga mong pumunta? Di mo ba alam na bawal ang maingay dito? Mamaya palayasin nalang ako dito eh!" Bulyaw ko sakanya. Pero ang bruha, tinaasan lang ako ng kilay. Taray talaga.

"Ano?!" Haha kala nya ahh. Tinarayan ko din sya.

"Papasukin mo nga ako. Ang tagal ko nag dodoorbell dito pero ano? Ugh!" Tinabig nya ako para makapasok sya. Aba naman talga
Sinara ko  yung pinto.

Inirapan ko nalang sya

"Bat ba ang aga mo?" Tanong ko sakanya habang humihikab at nag uunat

"Duh! Sabi mo mag shoshopping tayo?" Mataray nyang sabi.
Tsk! Basta shopping ang usapan di sya matitinag. Alam nyo bang pinapagod ako nyan kakalakad sa mall. Para syang halimaw kung makapag waldas ng pera para lang sa mga damit.

"Maliligo lang ako" Mataray kong sabi.

"Pakibilisan lang" maarte nyang sabi. Bruha talaga.

Umakyat na ako sa kwarto. At pumasok na sa loob ng CR.

Sya nga pala ang bruha kong kaibigan. Si Stelli. Nakilala ko lang sya school. She's popular in our school. But you know. Im the most popular.

Pag katapos ng maligo ay nag bihis na rin ako. Nag high waist  ripped jeans ako at black crop top. Blinower ko lang saglit ang aking wavy hair. Nag lagay din ako ng pulbo at liptint and then Im done.
Maganda naman 'daw' ako kahit walang make up.

Pagbaba ko ng hagdanan.

"Why so gorgeous my friend? Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang daming lalaki ang nagkakandarapa sayo" at umiling sya. Yeah right. Sobrang dami nga.

Humarap ako sa salamin ng sala ko. I dont find myself gorgeous. Pero sabi nila napakaganda ko daw. Perfect eyes, perferct nose, perfect lips, perfect body, lahat na perfect, sabi nila. Kulang na lang yata eh ako na ang binansagang pinakamaganda sa buong mundo.

Napailing nalang ako at napatawa sa naiisip ko.

"Lets go clo" At hinila nya na ako palabas.

Tamad akong nagpahila sakanya papuntang elevator.

"Promise Clo unti lang bibilin ko today." At tinaas nya pa ang kanang kamay nya na parang nangangako.

Inirapan ko sya
"My dear bestfriend, gas gas na yan, bakit di mo palitan yang bagong alibi mo?" pagtataray ko.

Ngumuso sya at inirapan nya lang din ako.

Bumukas na ang elevator at pumasok na kami. May mga kasabay kaming puro lalaki, apat sila.

"Stop staring" mataray na sabi ni Stelli. Yan ang bruha kong kaibigan, palaban.

"Bro. Palaban" rinig kong bulong ng isa.

"Shit pre. Ang ganda nung isa. Nakakapaglaway" bulong ng isa. Aba ako ba tinutokoy nito? Eww nakakapag laway? Gross

"Pre pustahan tayo makukuha ko number nyan in just a minute" at dahil sa sinabi ng isa ay hinawkan nya ang balikat ko.

"Hi miss. Grabe ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda mo." Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Sanay na ako sa mga galawang ito. I've been encounter so many jerks like him.

"I know" sabi ko.  Tumawa sya ng bahagya. Pa cute? Muka nga syang tambay sa kanto, pano ba napadpad ng mga ganitong itsura dito sa engrandeng condominium na ito?.

"Ahm so miss can I get your number?" At tuluyan na nya akong inakbayan. Aba ang bilis ng mokong.

Tiningnan ko si Stelli. Parehas kaming napangisi.

Hinintay kong mag ground floor bago ko sinenyasan si Stelli.

Siniko ko yung nakaakbay sakin at sinipa. Si Stelli naman sinipa din yung tatlo.

Gaganti sana sila ng bumukas na ang elevator.

"Jerks" at umirap kami. Nag apir lang kami ni Stelli.

We used to do that. Nag aral kasi  kami ng Judo since highschool kami. Ngayong 3rd year collage na kami, we are now professional black belter in combat judo.

Habang palabas kami, may mga taong nakatutok ang mga cellphone nila sakin.
Hindi ko nalang pinansin. Yeah I'm used to this. Kapag lalabas ako may mga taong nagpipicture sakin and most of them mga lalaki. Akala naman nila artista ako.

Pumara kami ng taxi at sumakay.

"Gosh Cloie nag muka na akong PA mo dito." Pag iinarte nya. Tinawanan ko lang sya.

"Manong sa MOA po" sabi ko sa driver ng taxi. Mukang hindi nya ata ako narinig. Nakatitig lang sakin eh.

"Manong. MOA po tayo" pag ulit ko.

"ay sorry po miss. Ang ganda nyo po kasi" at sinimulan nya ng paandarin.

"Bakit kasi hindi ka nalang mag artista? O modelo? o kaya sumali ka sa Miss universe? Malamang panalo bansa natin" sabi ng bruha, habang nag aayos ng buhok nya.

"Ayoko. Stress lang yan" sagot ko.

Stress lang mga yan. Ayoko naman maging famous masyado. They just find me gorgeous. Yun lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Birth Of BeautyWhere stories live. Discover now