Chapter 25

119K 2.6K 41
                                    

"Kalat sa buong school yung nangyari Frix! Kaloka! Hindi pa pala naka move on yang si Franko sayo." Sabi ni Loisa.

Nasa gym kami ngayon at manonood nang basketball. Final championship na ngayon nang Mt. Carmel at HMU.

Wala parin si Rad. It's almost two weeks. Hindi niya na din ako masyadong nacontact. Pero pilit ko pading inintindi kahit sobrang miss ko na siya. Talagang busy lang siguro siya.

"It's all my fault. Kung hindi lang sana ako nakipagpustahan edi sana walang ganap na Frixie at Franko noon." Sabi ni Cassy sa amin.

Nakaupo kami sa bleachers kung saan nagsisigawan at tilian ang mga studyante. Hindi rin kami magka rinigan dahil sa mga kalampag ng mga estudyante.

"My gosh nandiyan na sila! Oh damn! Si Sebe ba yan?!"Tili ni Loisa na nagpatigil sa usapan namin ni Cassy.

Nalaglag ang panga namin.

"Shit! Ang gwapo!" Kilig na kilig si Loisa at Cassy.

Sebe wearing a jersey number forteen . Ang buhok niya ay kulay ash blonde.

May tattoo pala siya. Ang hot talaga ng may ari ng HMU.

Nakita ko din ang pagsunod na pagpasok ni Damon kasama ang dalawa niyang kaibigan na palagi niyang kasama. Ang isa ay ex yata ni Kylie e.

Halos hindi na magkamayaw ang sigawan at tilian nang mga babae.

Umiling nalang ako at binuksan ang mineral water kong binili.


Nagsimula na ang labanan nila ngunit parang wala ako sa sarili habang nanonood. I can't blame myself. I miss Rad so much.

"Ah, Cassy ,Loisa!" Tawag ko sa kanila. "CR lang ako a!" Paalam ko.

Nakipagsiksikan ako at tulakan sa mga nagkukumpulang nanonood.

"God ang sikip!" Angal ko. Hindi ko na alam kung babalik paba ako o ano. Hindi ko na yata kaya ang makipagsisikan ulit.

Malapit na akong mawala sa siksikan nang may mabangga akong matigas na dibdib.

"Ouch!" Sabay hawak ko sa aking noo.

Pero nabigla nang himasin nito ang noo ko na nauntog sa dibdib niya.

"I'm sorry." Aniya sa isang malalim na boses.

"Daimos?" Nanliit ang mata ko at agad hinila ang kamay ko na hawak niya.

"Uh. I'm sorry." I apologized at agad na umalis doon. May dalawa pa siyang kasama na presko lang nakatingin sa akin.

What ever.

Pumunta ako sa labas ng gym at umupo sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno.



Nilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Rad.

Unang call ay hindi niya nasagot. Ikalawang call ay hindi padin.

Ikatatlong call he answered.
My heart hammered so fast because of excitement.

"Hello, Rad?" I called.

"Hello, baby."

"Kailan ka uuwi?" Tanong ko. "Sobrang miss na kita." Dagdag ko.

"Sorry been so very busy. I miss you too. I'll finish this sa lalong madaling panahon sobrang miss na kita." Sagot niya. Ramdam ko sa boses niya ang pagka pagod.

"Are you tired?"

"Yeah.Hectic ang schedule. Damon, told me about your asshole ex." Aniya bigla.

I frowned. Sabi na e!

"Hayaan mo na yun Rad! Wag mo nang isipin. Baka mas lalo ka lang ma pressure." I chuckled.

"I know. Just dont come near him please." Malambing na boses na sabi niya. Halata pa na bagong gising lang siya.

"Where are you by the way?" He asked.

"Nasa gym. Championship ngayon."

"Alright. Nagmeryenda kana?" Tanong niya.

"Wala pa.Pagkatapos pa nito."

I heared him groaned. "What are you wearing?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Mapag tripan nga ang isang to.

"Short skirt, and sleeveless. Why?"

"What the fuck." Narinig ko siyang malutong na nagmumura sa kabilang linya.

I covered my mouth and giggled.

"Hindi kaba nag iisip? Uupo ka Frixie tapos naka skirt---". I cut him off.

"Okay! I'm just kidding!" I chuckled. Sarap inisin nito.

"I'm wearing shirt and jeans." I added.

"Siguraduhin mo lang. I'll ask Sebe or Damon by the way. I know you Frixie. You're hard headed brat."

"Woah," I crossed my arms. "Excuse me. I know I am hardheaded but I'm not a brat."

" Kung akala mo makakalakwatsa kana diyan dahil wala ako. Pwes mali ka! I have an eyes there Frixxie. Dont me."


"What? Lakwatsa ka dyan? Hindi na nga ako nakakapag bar e. Nakakamiss nga." Sabi ko sa isang sadyang malungkot na boses para inisin siya.

"Wag mo akong subukan De Leon."

"Oh bakit? I'm bored here. Kailangan ko naman ang mag unwind no. Nakaka stress yung exam nung kailan. Baka mamaya magba- bar kami."

Narinig ko siyang nagmumura sa kabilang linya kaya napangisi ako.

"Sana sinama nalang kita dito. Hintayin mo ko makauwi diyan Frixie. Malalaman mo talaga ang hinahanap mo. Stop pissing me off." He growled.

Pagkatapos ang tawag ko kay Rad ay nagdecide akong bumalik na sa loob pero natapos na pala. At base sa narinig ko panalo ang aming University.

Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon