CHARLOTTE’S POV
THE BIG DAY IS TODAY!!! WHOOOOO!!! EXCITED NA KOOOO!! SANA MAKUHA KO UNG PLACE.. MUKANG MALAKI NAMAN UNG CHANSA KONG MANALO MULA KAY JAKE!!!! OO TAMA!! THINK POSITIVE!!
“GOOOD MOOORNING!!! Hoy ano na?? nakapaghanda ka naba??” nandito si bakla sa bahay.. ilang bahay lang ang agwat naming sa isa’t isa kaya tuwing umaga sabay na kaming pumasok nito.. simula elementary, kaibigan ko na to.. dati kasi binubully ako.. ampayat ko daw.. malnourish..
*FLASHBACK*
“AHHH PAYATOT!!!” maldita 1
“Ta*sob*tama na!! wala naman akong *sob* ginagawa sa inyo ehh!!” nasa sulok ako nyan ng classroom.. anlakas ng loob nilag i-bully ako.. wala kasing teacher sa loob..
“Meron no!! Tusok na tusok na kami.. dahil dyan sa kapayatan mo!! Pwede ka nang panghiwa!!” maldita2
“HOOOOYY!!! ANONG GINAGAWA NYO SA KANYA!! MGA MALDITA KAYO!!” nagtataka ako.. bakit nya ako tinutulungan ehh hindi naman kami close..”TUMIGIL KA NGA DYAN!! EH YUNG BABA MO NGA DYAN!! ANG HABA!! WAG KANG YUYUKO MATUSOK KA NG BABA MO!!!”
Mangiyak ngiyak na ung maldita2.”Tandaan mo!!! Hindi pa tayo tapos!! Whaaaaaaaaa!!! Let’s go girls!!” tapos umalis na sila..
“Ayos ka lang??”
Malamang hinde.. alam mo naming pinagkakaisahan na ko dito.. tanong mo ayos ka lang??
“Ahhh.. oo.. salamat” pa bebe pa ko.. hihihihi
“Ako si Sam.. Samantha Torres..” Inabot nya sakin ung kamay nya para itayo ako.. “Ikaw si Charlotte diba??”
“Oo.. pano mo nalaman pangalan ko??” pano nya nalaman pangalan ko?? Di ko naman sya kilala
“Mag classmate tayo.. matagal na kitang gustong maging kaibigan.. kasi parang lagi kang nag-iisa dito ehh.. Friends na tayo ahh!!”
“SIGE!!!”
At doon nagstart ang pagkakaibigan namin..
*end of flashback*
“OO NGA NGAYON NA YONN!!!! EXCITED NA AKO!!!” tumatalon talon pa ko sa saya
“Pano kung talo ka?? ARAY!!!” pinalo ko kasi sya.. ano ba naman yan!! Masyadong pesemista!!
“Ano ba yan!! Binababa mo naman ako ehh.. mananalo ako!!! Tiwala lang!!!” with thumbs up pa yan
“Sabi mo ehh.. Oh sya sige.. tara na!! Malate pa tayo..”
Nasa tapat school na kami ngayon.. andaming tao sa grounds.. Kanina.. excited ako.. pero bakit ngayon parang ayokong pumasok sa gate.. Achuchuchuchuchu
“Ohhh ano?? Nangatog?? Gumaganon?? Akala ko ba excited ka?? Pero bakit nabato ka dyan sa kinatatayuan mo??” takang taka tong baklang to.
“Parang ayokong pumasok..” ako na nangangatog sa kinatatayuan ko
“Ehh adik ka pala ehh.. kani--..”
Naputol ung sinasabi ni bakla.. may sumabat kasing UNGGOY!!
“Good luck sayo.. pero alam ko namang panalo na ko..” mahinahong sabi ni unggoy pero nakakapika.. “Nabato ka ata dyan sa kinatatayuan mo?? Kinakabahan ka?? Ge… una na ko sa loob.. titignan ko pa kung PANGILAN KA..” ang yabang!!! Putsa! Kung legal lang ang pagpapapatay ehh matagal ko nang ginawa!!
“TIGNAN NALANG NATIN KUNG PANGILAN KA MAMAYA!!! PWE!!!” GRRR!!! URAT!!
“Oy tehh.. Wag mong dibdibin.. may likod ka pa… alam mo.. mukang tama sya!! ARAY!! NAKAKAILAN KA NA AHH!!!” hinampas ko ulit kasi sya
“Sino ba kinakampihan mo?? Ako o sya??”
“Joke lang naman.. eto naman ohh sineseryoso.. Adik ka talaga!! Tara na nga!!” hinila na nya ako papasok sa school…
*Matapos ang botohan.. pinapunta kaming mga candidates sa library.. dun daw i-aanounce ung naging mga members ng Student Council*
“Sa President na tayo” tapos nang i-announce ung mga naging members ng student council.. ung sa president nalang ung wala.. HALAAA!!! KINAKABAHAN NA AKO!!!! WAIT!! THINK POSITIVE!!!
May kinuha na ung principal don sa box na manila paper..
“We already knew who the members of the student council are.. but the president is not yet known.. so.. if your name is not the one who is listed on the part where the president is.. you know what it means..” principal.. LICHI KA!!! PINAPATAGAL MO PA!!! GO NA!!!
*DUG* -__-
*DUG* -__O
*DUG* O__-
*DUG* O__O
*DUG* -___-
*DUG* T^T
“YES!!” Sigaw ko.. hahaha.. sana nga ako ung nagsabi nyan.. pero hindi ehh.. mukang alam nyo na kung sino ung nanalo.. Lagi naman ehh.. talo nanaman ako
“CONGRATULATIONS MR. RETORICO, YOU ARE NOW THE PRESIDENT OF THE STUDENT COUNCIL!!”
Binati na sya ng ibang mga candidates.. pati mga teachers.. Lumapit din ako sa kanya.. kahit labag sa kalooban ko.. pero kailangan.. kailangan nanamng tanggapin ang pagkatalo.. haaayy.. hayaan na nga..
“Congrats” malamig na sabi ko sa kanya
“Salamat” malamig rin nyang balik sakin