😂

53 3 1
                                    

True story na nangyari lang yan nung: Oct 26, 2017 at 9:30. Specifically kahapon. 😂

Cast-kuno:
Si Ako at si Ate
---

Ang Paglalakbay Ni Ate😂

*sa kusina ng bahay namin*

Ate: Beng! Tara dito!

Ako: Bakit? Kakausapin pa ako ni kuya eh.

Ate: Kinakausap pa naman niya si Corban. Maupo ka muna dito.

Ako: Eto na uupo na.

Umupo ako sa tapat niyang upuan sa kabilang side ng table.

Ako: Ano kailangan mo?

Ate: May sasabihin ako sayo...

Ako: Ano?

Ate: Malapit na board exams namin.

Ako: Oh! Edi Congrats. Oh, tapos?

(A: ganiyan talaha kami magusap. Sowwy!)

Ate: Mag rereview pa ako no.

Ako: Saan?

Ate: Pag sa Baguio ako magrereview malamang sa labas nalang ako ng review center matutulog. Magtatayo nalang ako ng karton-karton dun tapos kakain nalang ako ng turo-turo.

Ako: Bakit? (Tanong ko habang nagpipigil ng tawa.)

Ate: Ang mahal ng bahay dun no.

Ako: Eh sa Manila?

Ate: Ganun din. Sa labas nalang ako ng review center para hindi na ako mamamasahe. Tapos pag naikta ako ng mga kaklase ko di nila ako makikilala kasi ang payat-payat ko na sabay naninilaw na ako sabay namumula ang mata. Tapod pag nagpirmahan sasabihin nila: 'ikaw ai Franz? Hindi ikaw yun. Ang Franz na kilala namin mataba tapos maputi. Eh ikaw payat na nga naninilaw at luwa na lubog pa ang nga mata. Hindi ikaw yun.' Tapos tatanungin nila ako kung bakit nag ECE ako eh sa CE si na kailan ng board exam. Isasagot ko:'kasi kailangan ko ng malaking sahod kasi yung kapatid ko gustong mag- oby.'

Ako: 😂😂

Ate: Alam mo kung pano ako napunta sa ECE?

Ako: Pano?

Ate: Ganito kasi yan... Nung kinder kasi ako pangarap kong maging titser (ganiyan talaga yung pagkabigkas niya.), tapos nung grade one ako napagtanto kong panget ang mga titser kaya napagdesisyonan kong maging archeologist pag tanda ko, kaso nalaman ko nung grumaduate na ako na naghuhukay pala sila ng patay. Eh ayaw ko nun, kadiri kasi tapos ang papanget. Tapos nung highschool ako napansin kong ang daming mga baliw sa school kaya sabi ko mag psychology ako. Tapos nung malapit na akong grumaduate ng highschool sabi ko 'ayaw ko ng mag psychology' kaya sabi ko mag i- engineering nalang ako para kapag may project ako si Papa nalang ang gagawa. Tapos nung nage- enroll na ako pumunta ako sa Engineering, alam mi kung anong nila?

Ako: Ano?

Ate: 'Sorry ma'am pero sarado na po ang Engineering eh.' Kaya ang gunawa ko nun pumunta ako sa Psychology, tapos sabi rin nila: 'Sorry ma'am pero sarado na po ang Psychology.' Oh, diba ang saya? Pero di ako nawalan ng pag-asa. Ginawa ko pumunta ako sa Educ kaso, for the third time, narinig ko nanaman ang 'Sorry ma'am sarado na po ang Educ.' Oh diba nakakaiyak? Tinangka ko pa ngang pumunta sa Archeology eh kaso nakita ko ang daming weirdo dun kaya hindi na ako tumuloy. Nagiisip ako kung anong kursong kukunin ko, tapos maya-maya nakarinig ako ng sigaw na: 'tara mag computer tayo' kaya ayun pumunta ako ng CE sa wakas sabi nila. 'Sige ma'am welcome po kayo. Pasok po.' Tapos sa kasamaang palad lumipat tayo ng Cavite nung 3rd year ako kaya tumigil ako ng isang sem tapos tumaba ako nagkatigyawat, pumanget. Nagkaroon ako nung mga iniiwasan ko nung kinder at grade one ako. Tapos nung pumunta tayo sa Olongapo dun nakita ko yung CE kaso nakarinig ako ng 'ate gusto kong maging doctor!'--

Ako: kinokonsensya mo ata ako eh ate?

Ate: Hindi ah.. So yun nga, kaya nagshift ako kasi kung magsi-CE ako 50,000 lang ang sasahurin ko. Malamang sa University ka mag-aaral, oh! 60, 000 na yun. Oh diba kulang pa nga. Ano yun wala ng matitira sa akin? Magtuturo-turo nalang ako. Haiiiiayst!

Ako: 😂😂

Ate: Nga pala may isa pa akong pangarap.

Ako: Ano yun?

Ate: Nung nursery ako pangarap kong maging kinder. 😁

Ako: 😂😂 Ewan ko sayo ate.

Corban: Tita Reza! Tawag ka na ni tito!

Ako: Nandiyan na!

😂😂😂
Share ko lang. Sobra kasi akong natawa diyan kanina. Di ko alam kung nakakatawa ba.

Ang Paglalakbay Ni Ate😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon