MayWard OneShot - OneKiss

1.1K 77 39
                                    

Cover Photo by: Silentreader0616

Dahil sa sobrang kinilig ako sa pamuntikan ng kiss ng babies natin. Ayan nakagawa ako ng one shot story nila. Yung inumpisahan ko kanina tapos tinapos ko ngayon. Sinisingit ko sa bawat pagpunta ko ng washroom dahil bawal ang cp sa opisina. Bahala na kung mahuli. Hehehe.. Sa mga makakabasa nito sana lang maenjoy niyo. Gusto ko lang ilabas ang kilig ko dito. Hihihi... Siya nga po pala pctto sa cover na ginamit ko. Grab lang yan from ibon. Thank you,

"Eduarddddooooo!!!" Sigaw ni Maymay sa dressing room. Galit na galit ang dalaga samantalang patawa-tawa lang ang binata.

"Maymay!!!" He shout while laughing out loud. But he suddenly shut up when he see that Maymay is teary eyes.

"Ano masaya ka na? Edward gets ko naman na gusto mo lang magpasaya ng tao kasi ganun din ang gusto ko. Naiintindihan ko naman na yung mga ginagawa mo natural na sayo at walang ibang ibig sabihin. Kaya hinahayaan ko na lang yung mga paakbay at paglapit mo. Hindi ko sinasabi na hindi ako komportable pero yung kanina sobra na."

Mataman lang na nakikinig ang binata sa dalaga. At di magawang magsalita. Nalulungkot siyang makita na nasasaktan niya ito dahil sa ginagawa niya. "Sumobra na ba talaga ako? Lumagpas na ba ako sa limitasyon ko? Dahil ayaw mo kaya ba masyadong big deal sayo yung ginawa ko?" Hindi inaasahan ni Edward na lalabas sa bibig niya yun.

Tumigil sa pagiyak si Maymay. "Big deal? Oo this time sumobra ka sa paglalaro mo. Kasi yung kanina na muntik na mangyari alam mong mahalaga sa akin yun. Oo, nakatatlong boyfriend ako pero ni isa wala sakanila ang nakahalik sa akin. Tapos ikaw lalaruin mo lang?" May halong lungkot na turan ng dalaga.

"Masakit rin kasi na minsan masyado na akong nadadala sa mga pakulo mo kaya kahit alam kong natural lang sayo yun hindi ko na namamalayan nahuhulog na ako."

"At mas masakit don, alam kong di mo ko kayang saluhin. Wala ka naman kasalanan. Pero sana wag ka na sosobra sa susunod baka kasi hindi ko na kayanin at tuluyan na akong lumayo kahit pa sabihin kong pangarap ko, pangarap natin to."

"Sorry, May. Hindi ko naman sinasadya." Sabay yuko.

"Joke, joke, joke! Nakabawi din sa wakas. Hays!" Talikod sabay pahid ng luha. Kinailangan niyang bawiin ang mga sinabi niya para maibangon ang sarili at pride ng pagkababae niya. Pero na isip ng dalaga na sana naman wag na ulitin pa iyon ng binata. Nagdesisyon na rin siya na simula ngayon tanggap na niya na magkaibigan lamang sila at hanggang don na lamang.

Bago pa man makarating sa pinto si Maymay agad din siyang napabalik harap dahil sa pagkakahatak sakanya ng binata.

"Maymay, lets talk. Galit na galit ka kasi muntik na kitang mahalikan. Kung ganun lang din pala bakit di ko pa sulitin yung galit mo?"

Bago pa maintindihan ni Maymay ang mga nangyayari nakabig na siya ng binata at magkalapat na ang kanilang mga labi.

Dahil sa pagkabigla di kaagad nakapak react ang dalaga. Nanatiling naman magkalapat ang kanilang mga labi. Si Edward na nakapikit at ninanamnam ang mga bawat sandali habang si Maymay naman ay nanlalaki ang mga mata sa pagkabigla.

Nang matauhan ang dalaga agad niya tinulak ang binata.

"Don't wait for me to say sorry. Yun ang isang bagay na gusto kong gawin noon pa."

Nag iwas lang ng tingin si Maymay at nanatiling tahimik.

"Wag mo na ulit gagawin yun." Bulong ng dalaga.

"But why?"

"Edward ang bata pa natin at isa pa ginagawa lang yun sa taong mahal mo." Kakaramdaman ng lungkot at bigat ang  mga salita ng dalaga.

Dahil sa mga sinabi ni Maymay mas nanaig ang kagustuhan niyang iparamdam dito ang tunay niyang nararamdaman. Kaya muli kinabig niya ito at mabilis na hinawakan sa batok at hinalikan.

Saglit lang ang naging halik ng binata. Mabilis ngunit masuyo. Ramdam ni Maymay ang ingat at pagmamahal. Pero ayaw niyang umasa.

Matapos ang halik agad kinulong ng binata ang muka ng dalaga. "May, listen to me. Gaya ng sabi ko I will not say sorry, cause I am not. Tama ka siguro nga wala pa tayo sa legal na edad but no one can tell when is the time or age to do that. And I agree that we should do that to the one we love."

"And I love you."

"Edward, baka nadadala ka lang. Masyado ka pang bata."

"Damn with the age, May. So now only one question, do you love me too? Or like at least?"

Imbes na sumagot naglakas loob na lang na hinalikan ng mabilis si Edward sa labi at nagsabi ng "ginagawa lang yan sa taong mahal mo."

Agad niyakap ni Edward si Maymay at hinalikan sa noo. "I will not promise you anything but I like to request one thing. Hayaan mo ang sarili mong maging masaya sa piling ko."

Yumakap naman ng mahigpit si Maymay at nagsalita "Sa totoo lang natatakot ako pero sige tataya ako."

Mas hinigpitan pa ni Edward ang pagkakayakap ng biglang umaray ang dalaga "Aray naman brad naiipit yung dibdib ko!"

"Bakit meron ba??" Sabay pa sila tumawa ng malakas ng walang bumibitaw.

At muli hinalikan ni Edward sa noo si Maymay at sinabing "Let's be happy with each others arms. I love you."

"Skrengge too brad."

Sinigurado ni Edward na hindi makakawala ang dalaga. Habang hawak niya ang braso na hinila niya sinigurado niyang maingat na nakaalalay ang kamay niya sa ulo ni Maymay.

❤️❤️❤️
New cover credits to @Silentreader0616

One Kiss (MayWard One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon