Chapter 4

35 11 3
                                    

Candely's POV:

"May sinasabi ka?" Tanong ko sa kanya dahil parang may pinagdada-dada siya na hindi ko narinig.

"Ang sabi ko, wala!" Sabi niya sabay padabog na kumain.

Anong problema ng crush kong 'to? Ang korni ng word na crush, promise. Yiee.

Kumain na rin ako dahil gutom na gutom ako. Para na nga akong pulubi sa kakakain dito. Sorna po.

Natigil nalang ako sa pagkain nang napansin kong nakatitig pala sakin ang gwapong nilalang sa harapan ko. Nalulusaw ako sa mga titig niya, mas lalo akong nagkakagusto sa kaniya. Shit! Ano ba siya! Kikiligin na ba ako?

"Kung may dumi sa mukha ko, sabihin mo. Hindi yung tinititigan mo ako, may hiya din ako nuh."

He smirked. Ba't ang gwapo niya? Nang umulan siguro ng kagwapuhan ay nagsusurfing amg isang 'to.

"I just find you cute while eating." Sabi niya habang todo ngiti. Shit!

Ayan na naman siya sa cute niya. Hindi ba pwede beautiful or gorgeous? Sounds dog kapag cute eh.

"Inlove ka na sakin noh?" Tanong ko na ikinabigla ko. Shit! Ba't ko ba nasabi yun? Nag-iilulusyon na naman ako na may gusto siya sakin.

Nagpoker-face lang siya at parang walang narinig. Hmm! Wag kanang umasa Candely! Dahil ba tinitigan ka lang niya, may gusto na siya sayo!!??

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at binalewala ang gwapong presensiya niya.

Tumayo na ako pagkatapos kung kumain at napansin kong gabi na pala. Kinuha ko ang bag ko tapos lumapit kay Lith na tapos na ring kumain.

"Ihatid mo na ako sa amin. Ayoko  na sa hospital na 'to."

Sabi ko sabay labas sa room ko. Nang makalabas ako ay sinundan ako ni Lith saka niya hinila ang kamay ko paharap sa kanya. Ano ba 'tong ginagawa niya?

"Galit ka ba sakin?" Tanong niya habang nakatitig ng diretso sa mata ko.

"Hindi! Ba't naman ako magagalit?" Inis na sagot ko.

"Dahil di ko sinagot ang tanong mo kanina na inlove ba ako sayo. " kalmadong sagot niya saka tumaas-taas ang kilay niya.

"Ang kapal mo din noh!" Sabi ko sabay hampas ng bag sa kanya. Napa-aray naman siya. Bahala siya sa buhay niya. Ughh! Nakakahiya! Nabuking niya ako! Ganun na ba kahalata 'tong maganda kong mukha?
Siguro pulang-pula na ako ngayon. Ugh!

Nauna ako sa paglalakad sa kanya. Bahala siya sa buhay niya!

"Wait up! Magbabayad pa ako nang bills!" Tawag ni Lith pero di ko siya nilingon. Baka makita niyang nabablush ako. Kahiya kaya!

"Bye maam! Come again!" Saad nung guard nung nakalabas ako.

"Anong sabi mo!!?? Pakyu ka manong guard!"

Then I raise my middle finger. Hindi na ako babalik sa hospital na 'to noh? Ano bang klaseng guard yun? Dapat patalsikin yun.

Sa labas nalang ako naghinatay kay Lith. Ayoko ko namang mag-inarte dahil gabi na. Maganda pa naman ako. Haha!

"There you are..."

Nagitla ako dahil bigla niyang hinapit ang bewang ko. Hindi ako makareact dahil first niyang ginawa yun sakin.

"Oh? You're stunned. Bakit? May feelings ka sakin?"

Pinalo ko ang kamay niyang nasa bewang ko. Napa-aww nalang siya. Minsan talaga hindi ko malaman ang takbo ng utak ng trainor na'to. Kainlove! Achuchu! Haha.

Naglakad nalang ako at nauna sa kanya pero hindi siya sumunod.

"Uy! Halika na! Baka hinahanap na ko sa amin." Aya ko sa kanya dahil para siyang timang.

"Wala na bang masakit sa'yo?"
Nag-aalalang tanong niya sakin.

O guni-guni ko lang?

"Wala na. Pwede na akong tumambling ng...mga tatlo! Kaya tara na."

Napailing at napangiti siya sa sinabi ko. Hindi ko naman maiwasang kiligin dahil sa ngiti niya. Nakakalalag panty! Buti nalang brief ang suot ko ngayon——Joke!

-----

Habang nagdadrive si Lith ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Kung hindi ako hiniwalayan ng shokoy kong ex, hindi ko siya makikilala. Buti nalang talaga at hiniwalayan ako ng ex kong mukhang tuleg at manloloko.

"Stop staring me. Hindi ako makapagconcentrate." Reklamo niya.

Pasalamat nga siya at tinititigan siya ng dyosang si ako. Ang seryoso niya magdrive at ang tahimik dito sa loob.
Napagdesisyonan ko nalang na iumpog ang ulo ko hanggang sa maglabasan ang mga dugo at utak ko——Joke!

Namalayan ko nalang na malapit na kami sa amin at naningkit ang mata nang may nakita akong lalaking nakatayo sa harapan ng gate. Seems familiar ah!

Nakilala ko kung sino ang lalaking iyon nang huminto na ang sasakyan sa harap ng gate namin. Dali-dali akong lumabas sa sasakyan at nilapitan si Rave.

"Rave!"

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Ang bango-bango at ang gwapo-gwapo pa din niya. Walang siyang pinagbago kahit nung pagkabata namin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"I miss you Candely!" Aniya.

"I miss you too Rave! Kailan ka pa umuwi galing States?" Tanong ko sa kanya.

"Yesterday palang. May inasikaso pa ako sa business then nagpahinga tapos pumunta ako dito kaninang hapon but sabi ni auntie may pinuntahan ka pa daw. So I just waited for you here."

Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Naks! Ang sweet naman ng kaibigan ko. May girlfriend ka na noh?"

"Wala pa. Paparating pa."

"Pakilala mo 'ko ah, kapag naging kayo."

"Sure."

Bigla kong naalala na nasa sasakyan pala si Lith. Umalis muna ako para tawagin si Lith na nasa sasakyan niya. Ewan ko ba kung bakit hindi pa ito umaalis?

"Hey Litj! Lumabas ka nga dito. Ipapakilala kita kay Rave."

Tumingin siya sakin tapos naghikab pa. Ang tamad niya, pramis!

"I thought you forgot about me."

"Tss, paano kita malilimutan kung nandyan ang sasakyan mo at hindi pa umaalis? Kaya tara."

Binuksan ko ang pintuan ng front seat saka hinila siya palabas. Lumapit kami kay Rave.

"Geu, this is Rave, my bestfriend and Rave, this is Lith, my——"

"Suitor."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napakunot naman ang noo ni Rave na nakatingin sakin.
They shaked hands.

"Bro."

"Nice meeting you."

Matalim ang tingin nila sa isa't-isa at bumibigat ang atmosphere sa pagitan naming tatlo. Ano bang nangyayari?

"So, you're my bestfriend's suitor?"

"Yes I am."

Shit! Pinaninindigan talaga niya ang sinabi niya. Hindi niya alam ang epekto nun sakin.

"Candely, kilalanin mo muna siya bago mo sagutin or wag mo nang sagutin kung maari."

"I do believe that Candely will be my girlfriend. I think that she's the one for me, Rave."

Ano bang kalokohan 'to Lith?

A/n:
Ayiie.

-LT

Kissing TrainorWhere stories live. Discover now