"bilisan mo Curt, ayan na siya oh ibigay mo na yan sa kanya." sabi ko kay Curt
"nahihiya ako Cassie"
" arte mo, parang magbibigay lng ng gift eh!"
"bakla ka ba?"
" hin..hindi noh" pagde-defend niya
"tss!! ako na nga!!..lian may ibibigay daw sa'yo si Curt" tinawag ko si Lian kasi iba yung daan na pupuntahan niya. kya para matapos na ang paghihirap nitong kulot ko na bestfriend ako nalang gagawa ng move para sa kanya.
"hoy! ano ba hindi pa ako handa, Cassie sabihin mo wag na."
" ano ba yan ilang buwan na natin pina-practice toh hindi ka parin handa hanggang ngayon" habang nagtatalo kami ni Curt ay dumating na si Lian.
" oh ayan na pala pinapantasya mo Curt eh, sige Lian iwanan ko muna kayo ha, ikaw na bahala sa kulot kong bestfriend"
at tuluyan na nga akong naglaho sa eksena! haha!! goodluck sa'yo kulot sana maging masaya ka na!
aheem!! eksena moment ni ako!! gusto niyo pa ba ako makilala? para kasing hindi na ako kelangan dito eh. like duhh dakilang extra lang kaya ako dito. because I'm the BRIDGE!
CURT's P.O.V
"ano ba yung sinasabi ni Cassie, Curt" tanong sa akin ni Lian nang maka-alis na si Cassie sa paningin namin dalawa
" ano ka... kasi Lian.. ang totoo niyan ma.. may ibi..bi.."
"ibibi..." pagka-inip na sabi ni Lian. lalo tuloy ako kinakabahan. masyado akong na-glue sa kinakatayuan ko. pati yung labi ko meron na atang mighty bond kasi hindi ako makapagsalita.
"ano ka... kasi may ibibigay sana akong regalo sayo. "
"regalo?? pero next week pa birthday ko ah. excited ka na? mas excited ka pa sakin?"
"he..hehe..hehehe parang ganun na nga.. tatanggapin mo ba??"
" haha!! nakakatawa ka talaga. syempre naman basta galing sayo"
parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko. dati nman nung magka-klase kami hindi naman kami ganito sa isa't- isa kahit na may nararamdaman ako sa kanya tinatago ko yun para lang hindi.masira yung friendship namin. hanggang ngayon padin naman kaso parang hindi ko na yata kaya itago pa ito. lalo pa at pinipilit na ako paaminin ni Cassie.
kinuha ko na yung regalo ko para kay Lian sa backpack ko at sa sobrang na-stuck ako sa kanya eh ngmamadali akong kunin ito sa bag ko. nahihiya talaga ako sa kanya.
"ahm ano... sana magustuhan mo.." at ito na nga. dito na toh magsisimula.....
*insert slap moment sa mukha ni Curt*
o_O anu yun?? anu nagawa ko??.
akala ko ito na yung simula.. ano toh?? ITO NA ANG KATAPUSAN??
huli ko na nalaman na nawala na pala sa harap ko si Lian. ang sakit nung ahh.
"shit... Lian sandali lang. ano ba ginawa ko sayo"
"shit ka din Curt.. What The F... pinagloloko mo ba ako?? akala ko kung anong special na. akala ko singsing na.. bullshit umasa ako Curt.. umasa ako na yun na nga yung laman ng box pero.. ano?? ano naabutan ko?? HOOK?? what the fudge naman Curt. don't make a fool out of me because you don't know what I feel abput you"
o_O another phrase that can't sink in to my mind right now. anong hook?? ano yung sinasabi niya eh hindi naman singsing ang ibibigay ko. necklace naman yun.
BINABASA MO ANG
Compilations of ONE_SHOT (youregirlfriend)
Short Storyhere lies all one-shot stories that i will be collecting basahin niyo na lang po para maging kalog kayo katulad ko :D enjoy