"Every little thing he does is MAGIC"

17 0 0
                                    

Prologue:

Sadyang may mga damdaming pilit mo mang iwasan ay tila talagang nakatakdang iyong maramdaman. At minsan, ito ay para sa isang taong sobrang hindi mo inaasahan. Magugulat ka na lang isang araw, siya na pala ang dahilan ng ngiti sa iyong mga labi at tila ba hindi na kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakasama o nakausap man lang. At maninibago ka na lang sa sarili mo, dahil lahat ng gawin nya ay di mo na maiwasang lagyan ng kulay. Para bang "Every little thing he does is magic".

Pero, paano kung itong kakaibang nararamdaman mo ay para sa isang taong tinuturing kang best friend? Para sa isang taong alam mong importante ka sa kanya, mahalaga ka sa buhay niya pero bilang isang best friend lang? At paano pa kung kailan inamin mo na sa sarili mo na mahal mo nga siya, ay nalaman mong nagmamahal siya ng iba?

At what if malaman niyang may lihim ka palang nararamdaman sa kanya? Pero sa kabila ng lahat, araw araw niyang pinararamdam sayo na you're very special for him. Na he cares for you in an extraordinary way, at hindi niya kayang mawala ka sa buhay nya.

Would you hold on to that slim chance na baka maaaring ma.realize niya na ikaw ang mahal niya, higit pa sa isang best friend? Or would you rather let go sa nararamdaman mo for him? Patuloy ka bang aasa kahit nasasaktan ka na? O hahayaan mo na lang ang sarili mong masaktan at tanggapin ang katotohanang, hanggang best friend ka lang?

Hayy...feeling ko tuloy ako si bujoy (si Jolina Magdangal sa isang movie nila ni Marvin Agustin..haha, medyo old school..^_^) And i quote, "Oh yes. Kaibigan, kaibigan mo lang ako and I'M SO STUPID TO MAKE THE BIGGEST MISTAKE OF FALLING IN LOVE WITH MY BEST FRIEND!" Capslock para intense. PAK! <3

Author's Note:

Hello everyone first time ko pong magsulat or should i say mag-publish ng novel. May mga nasulat na akong mga poems at short story ,pero mostly in english kasi feeling ko i can't convey well in tagalog po. Ahmm i'm not really saying na fluent ako sa english kasi hindi rin ako ganun kagaling..hehe Siguro mas sanay lang akong magsulat in english. But this time, i'll try my best na husayan ang pananagalog ko ^_^. Sana ma-iparating ko ng maayos ang story ng novel na ito.

I hope marami ang maka-relate at sumubaybay.

Very much welcome po ang mga comments nyo.

Enjoy reading! <3

&quot;Every little thing he does is MAGIC&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon