Introduction
dedicated to us, from us..
Lika na upo ka sa tabi ko may kukwento ako sayo..
ituturo ko sila sayo yun!!! yung mga tarantadong yun!! hahaha eto ang kwento namin.. makulay parang cheeseburger sa mCdo.. nga lang yung natapaktapakan na.. anu? ou kami nga yun yung maingay.. maraming kalokohan at.. baduy!? sobra ka naman.. yung iba lang yun XD.. para masaya wag ka na munang matanong.. marami kami.. lampas sa dami ng daliri mo.. kahit special child ka pa.. pero parang daliri mo rin pag kakain na magagamit mo lahat.. pero pag mag huhugas ka ng puwet.. kalahati lang ang gagawa ng dirty work.. pero bakit nag tatagal ang bakadahan kahit may kupal,buraot,talkshit,mahangin,mukhangpera,babaero,tanga o panget? hahahaha nakita na namin yan lahat at di na namin kaylangang lumayo.. pero kung iseset aside mo yan tapos mag dadagdag ka ng understanding baka makita mo yung "bigger picture" yung parang boboto ka lang ng mga kandidato.. yung kahit alam mong trapo ok lang.. yun!!! ganung klaseng understanding.. masaya kami kasama.. lalo na kung ikaw yung tipo ng taong trip yung parang pelikulang pilipino yung buhay.. mababang quality,may comedy may drama may love story at may sing and dance sa beach.. kaya lang bukas yun ulit yung i peplay mo.. paulit ulit.. anu pa hinihintay mo? join ka na sa saya! walang requirements,walang resume,walang educational background,walang working experience,walang hight requirement,walang pleasing personality at walang "tatawagan ka nalang namin"! kahit di ka marunong gumamit ng toothbrush pwedeng pwede ka dito! madali lang mag pa cool di mo kelangang mag turn around fade away dunk para mabilib kami sayo.. yung marunong ka lang sumipol ng nakangite eh marami ka ng mauuto.. di naman kami tanga grabe ka.. mas binibigyang pansin lang namin madalas yung mga useless na bagay.. tapos parang taeng ginagawang clay pinipilit naming maging makabuluhan yung pag sipol ng nakangite.. gets? pero minsan wala din kami sa mood.. at sa mga ganong pag kakataon eh wla kaming pinagkaiba sa halaman.. nakaupo lang tahimik parang nag iisip pero hindi naman.. prang natatae pero gutom naman.. parang nangangarap pero hindi naman.. pero hindi naman kami laging ganyan.. minsan nag tatalkshitan din kami.. yung mag oopen kami ng topic tapos parang mga story writer na nag bebrainstorming.. sasamahan ng konting sense sasahugan ng punchline at pag tatawanan at kakalimutan na pagkatapos.. minsan di ko na rin nagugustuhan eh.. masarap nga parang overloaded pizza.. malasa maraming sahog pero nakaka sawa parin in the end.. pero nasayo parin naman kung gusto mong i try.. ou mag kakaroon ka ng barkada.. mag kakaroon ka ng social life.. mag kakaroon ka ng kapatid sa ibang nanay at kung smoker ka may lifetime supply ka na agad ng yosi.. kung hindi naman.. ahhmmm swerte ka na kung may mag abot sayo ng bubble gum.. dami ko pa gusto ikwento sayo.. pero inaantok na ako.. yaan mo sa susunod.. ipapakilala na kita sa kanila para di na ako masyadong mag paliwanag.. ayos ba yon?
Oh akalain mo bumalik ka pa so tingin mo interesante kami.. buweno tulad ng pangako ko, ipapakilala na kita sa kanila.. unahin natin kay Nato.
CHAPTER 1: THE BOY NEXT DOOR..
"Sige monica ingat ka pauwi ah.." mula sa humahangos at nag hahabol na hiningnang boses ni nato habang nakahiga sa double decker na higaan nya.. hindi na double deck dahil tinangal yung kama sa itaas dahil nasira na.. "sinung monica!? Karen ang pangalan ko!?" tumalikod na si nato at nag panggap na tulog habang tinuloy nalang ng babae ang pag bibihis at tsaka tuluyan ng umalis.. KKRRRRNGGG!!! KRRING!! "HELOW?" mabilis na tugon ni nato sa nag wawalng landline sa ulunan nya.. "baby may sakit ka pa ba?" sagot ng babaeng nasa kabilang linya. "ah kwan oo *ubo,singhot* di ako makabangon dito sa higaan.. wala nga akong kasama dito eh,. Kawawa naman ako" napapa ngiti pa si nato habang nag aayos ng higaan.. "ay ganun ba.. kawawa naman ang baby ko, gusto mo puntahan kita dyan? Tapos bigyan kita ng vitamins?" sagot muli ng babae sa nang aakit at malanding tono. "naku babe baka mabinat ako nyan.. pagaling narin ako nakainom na ako ng gamot kanina pahinga lang kaylangan ko" habang nag susuot ng maong na kupas si nato.. "sige baby, sleep ka mabuti ah.. I love you" sagot muli ng babae, "ok I love you too sige tulog na ako bye babe" sabay baba ng telepono at tingin sa relo, "shit hinihintay na ako ni gelay!! 15 minutes na akong late!!" humarap sa salamin nag suklay ng buhok at nag pabango sabay labas ng kwarto at diretso sa labas ng bahay. "ay ayan na yung cush ko!!" tili ng isang babaeng nakatayo sa isang sari-sari store. "huy! Masyado ka namang obvious! Tsaka man loloko yan!" sabat ng katabi nito na umiinom ng softdrinks.. "kahit na! Lokohin nya na ako ng lokohin.. basta maging jowa ko lang sya! I LOVE YOU CRUSH!!!!!!" sigaw muli ng babae habang kinukurot kurot nya ang kaibigan.. tuloy tuloy lang sa pag lakad si nato, sanay na sya sa ganitong eksena.. babae,bakla,tomboy o matrona.. napapatitig talaga pag dumadaan na sya.. 6'1 ang taas, moreno at mukhang finalist ng starstruck.. yan si Renato Lungkaban, barkada proclaimed ladiesman, Brgy. Baluyot idol at campus crush ng bayan! Mahilig sya sa babae.. pero mas mahilig sya sa babae.. oo chikas ang umiikot sa kokote nya 24/7 parang pinanganak na may pussy magnet, parang popular alien na nanggaling sa popular planet at kayang mag bato ng popular beam para mahuli ang atensyon ng kahit sinong babaeng maibigan nya. Pero kung may downfall sya.. yun ay ang kanyang katamaran.. kaya nyang mageklamo ng "asan na yung damit kong Abercrombie!?" pag may lakad sya.. pero kaya nya ring matulog ng tatlong araw at manitiling mentally healthy.. "GELAY!" sigaw ni nato sa nobyang nakatayo sa terminal ng tricycle.. "anu yung sinabi sakin ni randy na may babae daw na lumabas sa bahay nyo maganda at sexy pa ah!" tanong ng babae na halatang naiirita.. "HAHAHAHA! Alin yung labanderang pinapunta ni mama dahil gabundok na yung daster nya sa banyo?" plantsado at kampanteng sagot ng binata.. "eh mukha lang yung bata pero 35 years old na yon at 4 na ang anak!" sabay akbay sa babaeng kanina pa naka kunot ang noo. "tara na diba nonood pa tayo ng sine.. sabi mo sagot mo diba" at sumakay ang dalawa sa tricycle na nasa unahan ng pila..