Chapter 38: Im drunk

411 9 2
                                    

Gabbi's POV
Thursday na. At yun yung day na mag babantay si ruru dito kay mikee. Pero nasaan na ba kasi yun? Kahit kami na di nya parin sinasabi saakin kung saan siya papunta o san sya. "Rocs natawagan mo na ba?" Sabi ko. Pakyu ka talaga. San ka ba kasi nagpupupunta?! "Gab wala pa eh. Tinawagan ko na rin si Tito bong pero wala daw." Hay nako. Lagot ka talaga sakin Ezekiel! Kung nagtataka kayo, gabi na.

Ruru's POV
Nandito kami ngayon sa DISTRICT 8 bar kung saan nag papakalasing ako. Kasama ko ngayon si jake at umiinom kami. Aaminin ko, super duper lasing ko na. As in lasing na lasing. "Ru tama na. Nakakailan ka na oh." Sabi ni Jake na pilit akong pinipigilan uminom pero hindi ako kaya. "Ano ba! Wag kang ano dyan. Waiter 6 pa nga." Sobrang problemado ko ngayon kaya dapat lang na mag pakalasing ako. Hay nako, kung di lang nabaril si Mikee di 'to mangyayari.

Naka silent yung phone ko at nasa parking lot pa ng kotse. "Sir mag sasara na po kami. 10 pm na po." Sabi nung manager nila. "Sige po sir. Iuuwi ko na po 'tong lalakeng to." Sabi ni Jake. "Ru tara na." Sabi ni Jake. Agad namang nilagay ni Jake yung Braso ko sa balikat niya.

Nang makarating kami sa parking lot, agad naman akong umupo sa passenger seat. Syempre di ako makaka drive kasi pag ako pa nag drive, baka gwumewang gewang pa yung kotse. "Orb pahiram phone mo." Sabi ni Jake. Para maayos, agad ko nalang binigay ang phone ko. Pagkatapos niya hingiin ang phone ko, nag simula na siya mag drive.

Gabbi's POV
Naka silent nanaman ang phone neto. Habang nag hihintay kami sa tawag nya, ay sa wakas. Tumawag na rin sya.

"Hello? Ruru?"
(Gab hindi 'to si Ruru. Si Jake 'to. Nalasing siya kaya ako na naghatid sa kanya. Puntahan mo nalang siya dito.)
"Oh sige. Hintayin mo nalang ako dyan ni rocco. Sige bye."

"Rocs nasa bahay daw si Ruru. Kailangan na natin syang puntahan." Sabi ko. "Oh sige." Sabi ni Rocco. "Louie, ikaw muna mag bantay kay Mikee. Tawagan mo lang ako pag nagising na siya." Sabi ko sakanya. Agad naman kaming bumaba sa parking lot para pumunta sa bahay ni Ruru.

Nang makarating na kami sa bahay ni Rocco, agad naman akong lumabas ng kotse at binuksan ang kwarto ni Ruru. "Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya. "Eh kasi after ng photohoot niya, sabi niya samahan ko daw siya sa District 8. Eh sabi ko wag na kasi baka mapagalitan pa ko ni Julie (Julie Anne San Jose). Eh nag pumilit eh kaya yun. Di ko na napigilan." Hay nako. Lagot ka talaga saking paggising mo Ruru.

'Til Death Do Us Part || Gabru Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon