Tula Bilang Tatlo

21 1 0
                                    

Kung maibabalik ko lang ang sandali.
Maaari sanang maitama ang mga pagkakamali.
Kung maibabalik ko lang ang kahapon.
May babalikan pa siguro ako hanggang ngayon.
Maaari sanang maayos ang lahat.
Kung hindi dumating aking katapat.
Na akala mo hindi kayang tapatan.
Ang pagmamahal mo sa kanya ng lubusan.
Kung mahal mo talaga ako kaya mo kong ipaglaban.
Pero kung hindi ako na mismo ang lilisan.
Mahirap ipagsiksikan ang sarili ko sayo.
Kung hindi naman talaga ako ang mahal mo.
Nagpaka tanga ako hindi dahil gusto ko.
Nagpaka tanga ako para sayo, para sa pagmamahal mo.

Mga Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon