My 💔 at 23

18 0 0
                                    

My 💔 at 23

This is a short story of my so called "love life" yes short lang to kasi short lang yung naging love story ko and yes love story ko lang. AKO LANG naman kasi ang nagmahal POV ko lang lahat to.

I really don't like him at first, ni hindi ko nga akalain na ma fafall ako sa taong to.

He's the older brother of my best friend, nakikita ko na siya before pag binibisita namin yung bestfriend ko sa farm nila. Syempre magalang naman akong tao gngreet ko siya pag napunta kami sa farm syempre Kuya siya ng tropa namin.

Then one night nag ffb ako, inadd niya ko sa fb pero di ko mina inaccept, nag chat ako sa GC nmng magkakaibigan na "bes, inadd ako ng kuya mo." Sabi ni bes "accept mo naman bes" sige inaccept ko sabi ni bes eh.

Out of the blue around 2:00am nag PM siya sakin ng "Hi" syempre nag reply ako "Hello po" may pag galang syempre kuya siya ng bff ko.

Hanggang sa lagi na kaming magka chat, hininge niya number ko syempre binigay ko, nagka text kami at tawag.

Niyaya niya akong makipag date, OO nakipag date ako sakanya feeling ko kasi IBA siya sa mga nakilala ko kasi ang formal niya, then mas matanda siya sakin, mas madami na siyang napagdaanan so parang nakampante ako na okay siguro to. Hinatid niya ko after naming kumain at mag coffee. Nasundan din naman yun ng paglabas labas namin, minsan binibisita ko na siya sa farm nila.

Alam mo yun ang saya ko feeling ko secured ako sakanya, feeling ko SIYA NA.

Lahat kasi ng sinasabi niya sakin may sense alam mo yung ganun? Napapaniwala niya ko sa mga bagay bagay, madami din akong natutunan sakanya na talaga namang may katuturan. Nakakatuwa siyang kausap, ang honest niya, masarap syang hingian ng advice saka magtanong ng kung ano ano.

Masaya ako sakanya kaso hindi ko naman naisip na siya rin kaya sakin?

Pinakilala ko siya sa pinsan ko, pinagluto niya pa ko ng adobo kaso may sili di ko gano nakain hehe. Pero alam mo yun IT'S THE THOUGHT THAT COUNTS. Ang sweet pota, 😭

Lumipas mga araw nag iba na siya sakin, kasi dati lagi niyang sinasabi na gusto niya ko blah blah mga mabubulaklak na salita dyusko naman PA FALL pero syempre I was blinded di ko iniisip na pa fall yung sinasabi niya kasi matanda na siya btw he's 30. So iniisip ko matanda na to di na to para mambola or what.

Inisip ko din na baka ayaw pa niya ng relationship kasi kakagaling lang  niya sa  7 years na relationship or 8 di ko na masyadong matandaan, siguro kasi ngayon lang niya na fefeel ang pagiging single, kaya sige go lang siya sa pakikipag date, meeting other opposite sex. Eh ako nga itong feelingera, feeling ko ako lang hahaha.

But I was wrong, I was so blinded by the thought na SIYA NA. Kasi kung kelan gusto ko na siya, di na niya ko gusto. Ang sakit tangina.

Hanggang sa lumipat na siya ng tirahan, yes pinupuntuhan ko siya, dinadalhan ko siya ng foods, coffee. Kasi I care for him, mahal ko na kasi tong tao na to, isang text lang niya sakin na pumunta ako dun, G agad ako kahit gabi na G lang gusto ko kasi siyang makita. Feeling ko kasi pag ganun gnawa ko baka bumalik yung feelings niya sakin, kasi nga akala ko minahal niya ko eh parang pinaglaruan lang niya ang feelings ko. Pero sige wala na akong pake basta ako mahal ko tong taong to eh, maano ba naman magpaka tanga sa taong to diba?

Di talga ako tumitigil sa ginagawa ko kahit sinasabihan na ko ng mga kaibigan ko, miski bestfriend ko na kapatid niya. Na hindi dapat sa lahat ng oras pag tinext ka pupuntahan mo. Pero hindi eh matigas panga ko kaya ko sabi ko. Konting sakripisyo lang to baka magbunga. Siopao kasi ako eh BINOLA BOLA NA ASADONG ASADO pa din.

Tanga no? Hahaha.

Gusto ko kasi siya swear kaya kahit tanga na tawag skn ng mga kaibigan ko G pa din ako. Alam mo kasi yung HOPE dami ko nun eh di maubos ubos, eh sa kada punta ko naman sknya kada uwi ko paubos ng paubos yung hope ko, pero everytime na mag ttxt siya sh*t eto nanaman si HOPE tumataas, pero everytime na uuwi na ko yung HOPE ko nababa na ulit. Ang tanga lang sobra haha.

Hanggang sa bigla na lang siyang di nagpaparamdam, sabi ko sa sarili ko STOP na ayaw na sayo nung tao, may konti pa naman akong PRIDE kaya sige di na din ako nangulit. Nag try ako mag move on, pero kada nagiging okay ako eto nanaman siya na ngangamusta syempre tanga rereplyan ko tps mmya wala na ulit siya. . .

Ilang months ko din siyang di nakita, ayaw ko na nga siyang makita kasi ang sakit pa din.

Pero nagkita kami one time dahil sa best friend kong ulaga haha, hindi ko talaga alam na kasama niya ang kuya niya nung ngkayayaan kami ng inumanh mag ttropa, nagulat na lang ako kasama niya, wala na kong nagawa sige usap kami na parang wala lang na parang hindi ako nasaktan, sabi kasi nila "pag mahal mo o minahal mo ang isang tao kakausapin mo pa din siya ng maayos" ganun ang ginawa ko di naman kasi ako yung taong sinaktan tapos di na mamamansin, kasalanan ko din naman siopao nga kasi ako.

Alam mo yung masaya ka yes nakita mo nakausap mo, pero behind all that wala lang naman yun eh, feeling ko gusto lang niya ko asarin. Tapos yung friend ko si babes kinausap niya best friend ko ng masinsinan na bakit kasama niya kuya niya, nakakatuwa mga sinabi ni bes kay babes na may feelings naman daw talaga skn kuya niya kaso immature ako. 😢

What's wrong with being immature? Immature bang minahal kita higit sa pagkaka gusto mo sakin?

Siguro kasi age gap din namin di naman mawawala yun akala ko kasi tanggap niya na ganun, IBA NGA NAMAN KASI ANG SINASABI SA GINAGAWA.

Ako kasi yung taong malihim sa nararamdaman, di ko sinasabi sakanya na mahal ko na siya kasi pinapakiramdaman ko actions niya, eh sa ginagawa niya mukhang ma rereject ako pag nag confeess ako. Ayoko kasi sa lahat napapahiya or should I say ma reject ng harap harapan. Up until now never ako umamin sa feelings ko kasi feeling ko kung ano pinapakiya sakin dun ako nagbabase. Manabaliwala lang kasi ang feelings ko ayoko na masaktan pa lalo kaya sakin na lang tong nararamdaman ko at least isa satin nagmahal 😊

After that di ko na ulit siya nakita,
Until recently nagkita kami tnreat niya ko ng lunch & milktea & dinner, friendly date lang para daw sa lhat ng naitulong ko sakanya inaccept ko naman kasi wala naman sigurong masama sa thankyou niya, nakipagkita ako sakanya as a friend at hanggang dun na lang yun tama na ang HOPE it will kill the insides of me. eto na yata kasi yung LAST CALL ko. Ibig kong sabihin TAMA NA TALAGA ang pag-asang baka this time piliin na din ako, pero malabo. May gf na siya at ayoko ng makipagsiksikan ayoko matawag ng mga kung ano anong salita dahil hindi ako ganong klase ng babae.

We can be friends at hanggang dun na lang yun. May gf ka na sana maging happy kayo 😊

don't worry makakahanap din naman siguro ako ng taong mamahalin ako at lahat ng FLAWS ko.

Thankyou madami akong natutunan sayo, sana ikaw din sakin. 😊

**Thankyou sa pagbabasa ng story ko sana may napulot kayong lesson hehe. BTW I'm doing fine 😊 kahit mejj masakit pa haha laban lang! Kayang kaya ko to! 💪🏻

HINDI NAMAN NAGING KAMI. MERON LANG AKO AT SIYA.

I wrote this to release the sadness in my heart, siguro ginawa ko tong way para mag heal din 😊 Thankyou po ulit sainyo 🤗 

**at dito na nagtatapos ang napakaikli naming pinagsamahan pero napaka tagal ko namang mag move on 🙃

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My heartache at 23Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon