Chapter 1. New Neighborhood.

18 0 1
                                    

Hay kakapagod maghanap ng bagong titirhan na apartment. Gustong gusto ko na umalis dito sa luma kong apartment kasi sobrang init duh nasa Pilipinas ako alam ko mainit pero you know yung tipong walang bintana at para akong nakakulong sa oven ganun katindi ang init ng apartment ko. Kahit ilang electric fan pa mainit pa din hindi ko pa naman afford ang aircon at ang pangbayad sa kuryente. Well isa akong ground flight attendant sa airport hindi pa ko natatanggap maging flight attendant mismo kasi may pimples pa ko huhuhu and yung sahod ko tamang tama lang para sa akin kasi magastos ako sa pagkain at mahilig ako kumain sa labas kasama yung mga bestfriends ko pero di ako tumataba (hahaha) swerte ko noh, kaya wala akong pangbayad sa kuryente kapag nag aircon pa ko kasi wala na kong kakainin so tiis ganda na lang ang peg ko.

At kakasearch ko sa internet ng bagong for sale na apartment may nakita ako mura lang 5000 peso a month lang at medyo malaki na din saka maraming bintana yun ang hinahanap kong apartment sa wakas nakakuha na din ako malapit lang to sa airport. Tumawag ako sa mga mommy at daddy ko para makita nila yung lilipatan ko kung okay ba sa kanila.

"Hello! Mommy, tingnan mo sa sesend kong link sa fb message yung bago kong lilipatan na apartment malapit lang sa airport mura lang saka maganda maaliwalas at maraming bintana"

"Okay to nak' maganda at mukhang bagong bago pa saka tama lang to presyo niyo. Go mo na yan nak'"

"Sige  mommy tatawagan ko na yung may ari. Miss you po!"

"Miss you too anak! Take care palagi. God Bless!"

"God Bless din po sa inyo ni daddy!"

Kring.. Kring.. Kring..

"Hello? Ito po ba yung Fate towers?" sabi ko dun sa tinatawagan ko.

"Ay opo ma'am magiinqure po ba kayo?"

"Opo sana kung may available pa po na room?"

"Ma'am meron pa po iisa na lang napakaswerte niyo po kasi yun po yung magandang lugar sa building na hindi masyado tinatamaan ng init ng araw at marami pang bintana po"

"Yun nga po eh nakita ko yung mga pictures sa internet napaka ganda po pupunta po ko diyan mamaya titingnan ko yung unit at magddownpayment na din po ko mamaya"

"Sige ma"am hanapin niyo na lang po ko, ako po si Gina."

"Sige Ate salamat ah." Yesssssss!!!! nakakuha na din ako sa wakas ng dream apartment ko di man kalakihan pero ang ganda naman diba marami pang bintana. 

Pumunta na ko sa banyo para maligo dahil excited na ko makalipat ng titirhan sana bukas pwede na ko lumipat dahil hindi ko na kaya tumira dito sa apartment ko mainit na masikip pa kapag naglakad pa ko nakatagilid na ko sa sobrang liit. 

Pagkatapos ko maligo nagbihis na ko at nagabang ng jeep papuntang location ng Fate towers.

"Para po!!!" sigaw ko kay manong jeepney driver.

Nandito na ko sa tapat ng Fate towers tinitingnan ko yung building napaka ganda color white and light pink yung pintura sa labas tapos napaka peaceful tingnan bagong bago pa kaya naman pala ang daming gusto tumira dito napakaswerte ko naman at ako ang huli nilang client at yung natirang apartment pa eh maganda. 

"Hayyyyyy!!! Thank You Lord!!!!!! Thank You at napunta ako dito sa apartment na to!!!!!! WOOOOOO!!!"

Pinagtitingnan ako ng mga bystanders sa labas (hahahaha) sa sobrang saya ko kasi napasigaw ako sa saya kakapa thank You kay Lord. Eh sa sobrang saya ko talaga eh hindi ko mapigilan.

Papasok na nga ako para na kong sira dito sa labas kakasmile sa bago kong apartment.

"Hi ma'am what can I do for you?" Salubong sa akin nung receptionist ng building.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Superstar NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon