Doughnut #3

65 5 1
                                    

OP's Point of view

Dito sa chapter nato, tawagin niyo si OP ng Kuya Rich. Di yan pangalan niya ah. Asa kayo. Trip ko lang yan. Hahaha lels.

Nung sabado kasi, pagkatapos kong umuwi, ay nagwattpad agad ako. Pagkatapos nun, ay nagtetext na. Eh itong si Bai naman, nagplu-plug ng mga numbers na naghahanap ng textmate. Kaya nagpa-plug din ako. Madaling araw, habang nagsusulat ako ng confession, may nagtext. Napaisip tuloy ako na "Textmate ko na ba ito?" Kaya nagreply ako. At dun ko nga nakilala si Julie. Ang textmate ko. At alam mo ba kung ano ang mas masaya dun? Kpoper siya. Oo na oo. Kaya nga, halos 3:00 am kami natulog kasi puro Kpop ang topic namin. Masaya naman ako kasi di siya KJ. Astig nga e.

Nga pala, ikalawang beses na akong nakilala ng Kpop lover. Yung strangers. Nothing connected basta nalang kayo nag-usap dahil hilig niyo yun? Pfft. Si Charice yung unang stranger, tsaka babae pa.

FLASHBACKKK NANAMAN.

Eh kasi nga, sinundo ko si nanay dun sa salon. Nagpaparebond pala? Takte. Nag makeover na si inay ko. Huehue. Di bale, pumasok naman ako at umupo sa waiting area. Nagpapasound trip lang ako ng mga Kpop songs nang may kumuha ng atensyon ko. Anak ng! Nakita ko ang isang babaeng nka EXO outfit. Wah. Astig \m/

Kunwari di ko nakita yung babae at nanood nalang ng KPOP MV videos.

"Oh my, KPOP ba yan?!" Muntik ko nang matapon ang cp ko nang bigla siyang nagsalita sa tabi ko. Maya maya ay magkatabi na talaga kaming umupo. Ang silent ko nga e. Awkward kasi. At, napakadaldal pa niya. At si Charice ang tinutukoy ko. Halos tango lang ang sagot kasi medyo awkward talaga. Di nagtagal, ay naguusapan na kami. Naks, puro Kpop topic namin. Wala ng iba.

Nang aalis na kami, nagtanong ako kung san niya binili ang t-shirt. Gusto ko talagang bilhin e. Humingi narin ako ng number niya palihim nang lumabas una sa salon si nanay. Bwuahahaha ninja level 9999999999999999999.

Napakafriendly nila. Sana ganyan din yung mga taong may hilig sa Kpop. Nakakaexcite sa feeling e kapag nakakakilala ka ng ganyang klaseng tao. Parang besprends kayo agad feeling? Haha sana magmeet up lahat ng mga RAK members.

Trip talaga ni Kuya Rich magflashback ano? Sigurado, next chapter yun din ang gagawin niya. Flashback Meter. Yan trip ni Kuya Rich. Ngayon.

Geh. Good mornight. Lalo na sakanya :"> HAHAHA de joke lungs.

PUSH~! \m/

Trip Ni Mister D.OughnutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon