Dedicated po sa inyo seseoverdose. Kayo po ang unang una na nagcomment dito since bago pa lang kasing story ito. Thanks unnie ;**
MGMMG3
Sziel's/ Xei's POV
Hanggang ngayon di pa din ako makatulog. Inaalala ko pa rin yung mga nangyari kanina. Yung babaeng nag ngangalang Euqin, anung alam nya? nasa paligid ko lang ang taong hinahanap ko? ang taong pumatay sa mga magulang ko? Kung ganon hindi dapat ako magtiwala ng basta basta. Yung nangyari kanina dun sa Lucifer st? Naalala ko kung pano tutukan kami ng baril nung lalaki kasabay nun ang pagbalik ng mga masasalit na alaala.
***FLASHBACK***
Kararating ko pa lang galing mall, birthday ko kasi ngayon at pinagtulakan ako ni mama at papa na maglakwatsa muna ako. Siguro may gagawin silang surprise sa akin kaya ganun.
Excited kong binuksan yung main door namin kasabay nun ang pagwala ng ngiti ko. Gulo gulo ang mga gamit, may birthday cake pa nga na nasa lapag eh. Kinabahan ako kaya naman ay agad akomg pumunta sa kwarto ng mama at papa ko.
Doon nakita ko ang nakatalikod na isang babae na naka-maskara at sa tingin ko ay kasing edaran ko lang siya. Agad naman akong nakita ni papa habang yakap niya si mama. Sugatan na sila at halos maiyak na ako, pupunta na sana ako sa kanila kaso sinenyasan ako ng papa ko na mag-tago sa loob ng cabinet.
Ayaw ko pa sana kaso nakita ko sa mga mata ni papa ang pag mamakaawa kaya napilitan akong magtago doon.
"Ikaw na lalaki ka! Ikaw ang pumatay sa papa ko!" sabi nung babae sa papa ko
"Iha nagkakamali ka! Kailanman hindi ko ginawa iyon. Wala akong pinatay!" sabi ni papa na naiiyak na.
"Kitang kita ko kung paano mo pinatay ang papa ko! Hawak hawak mo pa ang kutsilyo!" sabi nung babae na mangiyak-ngiyak na.
"Hindi ako ang may gawa nun! Siya mismo ang may gawa nun!"
"Kahit anu pang sabihin mo, hindi na magbabago na papatayin kita ngayon at kasama niyang asawa mo!" tinutok nung babae ang baril niya sa mama at papa ko.
NOooo! Kaso huli na ang lahat bago pa ako makalabas sa cabinet
"Wag mo---
*BANG!!!*
hindi na naituloy ni papa ang sasabihin niya dahil pinutok na nung babae ang baril niya kasabay nun ang walang humpay na pagtulo ng luha ko. Umalis na yung babae kaya agad na pumunta ako kela mama at papa. Wala ng malay si mama pero si papa ay pilit pang nagsasalita.
"Papa!! P-papa"
"A-anak w-wag k-ka ng umiyak. *cough* *cough* P-pangako k-kahit na anong mangyari andito p-pa rin kami sa tabi mo."
"Hindi Papa! W-wag ka ng *huk* magsalita! Dadalhin kita sa ospital"
"H-hindi na k-kailangan anak. Di n-na r-rin naman ako *cough* m-magtatagal. E-eto basahin mo i-ito ha. S-sige na baby m-magpapahinga na s-si papa. Hindi a-ako k-kami mawawala s-sa tabi mo. *cough* M-mahal na mahal k-kita anak." may inabot saking papel si papa kasabay nun ang pagsigaw ko.
"PAPA!! MAMA!! *huk* W-WAG NIYO A-AKONG IWAN!!" humagulgol ako ng humagulgol habang yakap ko ang walang buhay na katawan nila mama at papa.
"PlEase papa mama!!!! Hindi ko kayang ako lang! *huk* wag niyo a-kong iwan!!!! M-MAMA PAPA!! GUMISING NA KAYO!! Kahit ano gagawin ko! Susundin ko lahat ng gusto niyo!!!!! W-WAG NIYO LANG AKONG IWAN! Please p-please"
Binuksan ko yung nakatiklop na papel na bigay ni papa.
"Anak,
Isinulat ko ito dahil nararamdaman ko na malapit na kaming mawala ng mama mo. Aaminin ko masakit dahil maiiwan ka namin ng mama mo. Tatagan mo ang sarili mo, alalahanin mo na kahit san ka pumunta nasa tabi mo lang kami. Alam kong may babae na maghihiganti sa akin dahil akala niya ay ako ang pumatay sa papa niya pero hindi. Hindi ako ang pumatay. Aaminin ko balak ko sanang patayin ang papa nya dahil ang papa niya ang pumatay sa matalik kong kaibigan kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na maglabas ng kutsilyo kaso hindi ko siya kayang patayin dahil hindi naman ako mamamatay tao ngunit nagulat na lang ako nung bigla niyang hinatak ang kamay ko na hawak hawak pa rin ang kutsilyo at itinarak niya yun sa sarili niya at hindi ko alam na nakita pala iyon ng anak niya. Anak patawad dahil maaga ka naming iiwan. Gusto kong tandaan mo na mahal na mahal kita anak, paalam.
-Papa."
"Andaya-daya mo papa!!! *huk* iniwan mo ako! iniwan niyo ako ni mama! *huk*" niyakap ko uli ang katawan nila.
Kung sino ka mang babae ka. Ipaparanas ko sayo ang paghihirap ko! Ipaparanas ko ang impyerno sayo! Hahanapin kita! Maghanda ka na dahil simula ngayon babangon ako at papatayin kita. Pinatay mo ang mga magulang ko sa kasalanang hindi nila ginawa. Ngayon ikaw naman ang papatayin ko sa kasalanang ginawa mo.
***END OF FLASHBACK***
15 pa lang ako nang mangyari iyon. 3 years ago na rin pero sariwang sariwa pa rin sakin ang pangyayaring iyon. Masakit. Masakit mawalan ng mga magulang kaya simula noon hindi na ako nag-celebrate pa ng birthday ko. Itinuring ko na lang ito na ordinaryong araw kung saan nakaranas ako ng impyerno. Wala akong nagawa nung pinatay sila sa harap ko. Wala akong kwenta. Kaya simula noon ay naging matatag ako, nagpalakas ako at pinasok ko ang mundo ng mga Gangster dahil napag-alaman ko na connected doon ang taong may sala sa pagkamatay ng magulang ko.
Doon kinilala ako bilang Black Tears. Ang taong nirerespeto ng mga Gangster. Ang taong kinatatakutan ng lahat. Hindi ako pumapatay ng tao sa mga nakakalaban ko dahil ang mga kamay na ito ay itinakda para patayin ang taong iyon.
Brey's POV
May pasok kami ngayon at papunta na ko sa school. Kahapon tuwang-tuwa ako dahil nakasama ko si Xei. Xei ang tawag ko kay Sziel para ako ang naiiba at para alam niyang ako ang tumatawag. Oo tama kayo ng iniisip.
May gusto ako kay Xei kaya tuwang tuwa ako ngayon. Atsaka yung nangyari kahapon? haha acting lang iyon! Scripted kaya iyon kasi yung lalaki na nakaharap nila pinsan ko iyon at si Freth naman kaibigan ko. Kasama ko siya pag nagsusugal ako at sa casino ko kami naglalaro.
Totoong may debt si Freth ng 1,000,000 sakin pero nagbago isip ko. Sinabi ko sa kanya na hindi niya na ko kailangang bayaran sa isang kondisyon at yun ay ang ilakad niya ako sa pinsan niya. Eh kaso ang loko mas maganda daw pag ala super hero daw ako pag nakilala niya ako kaya ayun nag-acting kami at pati yung loko kong pinsan na si Gio dinamay ni Freth haha!
Buti nga pumayag eh. Atsaka sabi sakin ni Freth kasama sa ideal ni Xei ang ililigtas siya kaya yun ang ginawa namin. Oh diba ang bright talaga! May utak rin pala yung lokong Freth na iyon haha!
Freth's POV
Uy for the first time. Nagka-POV ang gwapong tulad ko. Haha! Siguro naman nasabi na ni Brey yung tungkol kahapon? Planado ang lahat ng iyon at ideya iyon ng pinakagwapong ako! Hahaha!
Yung wallet ni Sziel kinuha ko sa bag niya nung nasa taxi kami habang di siya nakatingin tapos yung cheke nasa bulsa ko lang talaga haha! Grabe enjoy ko kahapon eh, nag-marathon kami. Hiningal din kaya ako doon.
Kahapon ko lang napansin, pwede din pala akong maging artista noh? Dami ko ding script doon ha! Si Brey? Nako walang kwenta iyon! Laglag na sa bangin iyon! Ang onti lang kaya ng script nya haha!! *derp*
End of Chapter 3
[A/N: Nako Freth wag mong ginaganyan si Brey! Tandaan mo ang FC ni Brey ay ang asawa ko na si Sehun. Baka gusto mong matanggal sa storyang ito.]
Freth: Nako Author Euqin! Takot ko lang sayo! Hayaan mo ilalakad kita kay Brey! Kaso may Xei na iyon eh haha!
Copyright© 2014
Mr. Gambler Meets Ms. Gangster by BlackGclef
~Author Euqin
BINABASA MO ANG
Mr. Gambler Meets Ms. Gangster
RomanceMr. Gambler Meets Ms. Gangster ~On Going Story Xeisziella Eleraj Yoon -She had a painful past - She wanted that person to pay back because of her past that’s why she become a gangster -One day, there's this person who came up in her life. What do y...