Ikaw at Ako

16 0 0
                                    

Ikaw at ako, magkabilang mundo
Ikaw at ako san nga ba patungo
Mga landas na gustong magtagpo
Papaano?

Ikaw at ako naging tayo
Eto na ba ang simula ng magandang kwento?

Sa mundong malawak
Sa oras na hindi natin  hawak
Ibang daan man ang ating tinatahak
Sa dulo sanay kamay natin ang magkahawak

Di ko alam kelan nagsimula
Itong nararamdaman ko
Di ko alam paano mapipigalan
Itong puso ko.

Sana'y di ito isang laro
Na madali lang isuko.
Dahil nararamdaman ay di isang biro
Pag ibig ko'y sayo ay totoo.

Katulad ng mga bituin
Ikay mahirap abutin,
Pero akoy magsisikap mga gawain,
Aking pagbubutihin.

Matagal man Ang pagkkataon para tayo'y magkita.
Hindi ako magsasawang mahalin ka.
Dahil...
Ikaw at ako,
Tanging hiling ko sana'y tayo hanggang dulo.

Di ko alam ano nasa isip mo.
Ako pa ba o meron ka nang iba?
Ang hirap pala pag laging ganito
Ang hirap mahulog nang walang sumasalo
Kahit na miss na miss na kita pilit itong nilalabanan
Kahit na aking nadarama ay di na mapigilan.

Ang hirap paniwalaan ang salitang tayo
Kase pakiramdam ko ako lang nagmamahal dito
Sa isang laro, kung saan tayo nagsimula
At kung saan pwede itong mawala

Ano nga ba mas matimbang?
Ako o ang iyong libangan?
Alam mo naman dito lang ako nag aabang,
Nagsasawa din ako na ikay paniwalaan.

Alam mo ba ikaw ata tong multo
Kase susulpot ka lang kung kelan mo gusto
Kung kelan wala ng kumakausap sayo
At kung kelan kailangan mo lang ako.

Wag kang mag alala mga pangako mo kakalimutan ko na,
Yung parang hindi tayo nagkakilala
Kung sabagay hindi naman talaga kita kilala.

Oo tayo nga!
Pero parang hindi naman talaga
Puro ka lang kasi salita
Yung mga sinasabi mo magagawa mo kaya?

Ngayon lahat ng katanungan ko nasagot na
Yung malaman ko sa iba na may girlfriend ka
Puso ko'y winasak mo ng sobra
Kaya pala ganun ka.

Ang galing mo.
Ang galing mo paglaruan ang puso ko!
Wag mong sabihing di ka manloloko,
Kase sobrang klaro!

Ikaw at ako
Ginawa mo pa akong kontrabida sa storya nyo.
At ano? gusto mo ipagpatuloy ang sa atin?
At Sinabi mo pang sakaling ako'y iyong piliin.

Sakali? Sa tono ng pananalita mo
Ni hindi ka sigurado sa nararamdaman mo!
Mahal mo ako kaya mo ginawa yun?
Kahibangan! Wala ka lang makausap kaya ginamit mo ako!

Sorry.
Yan ang paulit ulit mong sinabi.
Pero sorry din ang sakit sakit ng ginawa mo!
Ginawa mo akong tanga dahil nagpakabobo ako sayo.

Alam mo kung bakit sinabi kong wag mo na akong piliin?
Kase naramdaman ko
At alam ko
Alam kong hindi ako ang nasa puso mo.

Maging kaibigan?
Ang manhid mo sobra!
Masakit pa ang puso ko pagkatapos mo paglaruan
Hindi mo talaga inisip ang nararamdan ko kahit kailan.

Mahirap gumising sa araw araw
Katawan ko'y nahihirapang gumalaw
Palagi akong pagod at walang gana
Kaya sobrang naiinis ako dahil sumasagi parin ang taong wala na

Kaya yung hiling ko sayo na wag akong gambalain pa
Ay para rin sa sayo at sa akin.
Maging masaya ka sa kanya at wag ako alalahanin
Siguro nga hindi ka yung lalaking para sa akin.

Kahit sa huli naging mabait pa din ako sayo.
Ni hindi ko sinabi na merong tayo sa kaibigan mo.
Mas ok nalang na ako nalang masaktan tutal okay na kayo
Tapos na yung parte ko sa storya nyo.

Ikaw at ako.
Hanggang dito nalang siguro
Mga bakas mo'y unti unti na ring maglalaho
Dahil ikaw at ako wala nang tayo.

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon