Chapter One: Royal Blood
Abala sa paghahanda ang mga kasambahay sa pagdating niya
"Sir Duke handa na po ang lahat" sabi ng isa mga kasambahay
"Sige salamat,pagawa ng rin ng coffee" sabi ng butler na si duke
Bigla naman bumukas ang pintuan sa office ni duke
"Nasa private plane na daw siya" sabi ni corrine na kakadating lang
tumango naman si duke at umalis na sila
[Monterial's Airport]
"Ang tagal naman" reklamo ni corrine
"Ayan na pala siya eh" sabay turo ni duke
"Welcome back Miss Wynne" sabay na bati nilang dalawa
"How's your flight miss wynne?" tanong ni corrine
"Hassle,hindi ako makatulog" sagot naman ni wynne
Dumiretso sila sa kanilang sasakyan at umuwi sa mansion ni wynne
"Miss Wynne nasa office mo na po ang mga detalye na nakuha ko" sabi ni corrine
"Okay thanks" sabi ni wynne
"Duke did you do what i've said?" tanong ni wynne
"Yes Miss" sagot ni duke
Si Corrine ang Personal Assistant ni wynne habang butler naman niya si duke
Nang makapasok na sila sa mansion bumati ang lahat ng kasambahay kay wynne
"Welcome Back Miss Wynne" bati ng mga kasambahay
"Thank you" sagot naman ni wynne sakanila
Dumiretso naman sa kwarto si wynne para makapagpahinga habang si corrine naman ay pumunta sa kusina samantalang si duke ay dumiretso sa kanyang opisina
Corrine's POV
Hays! nakakapagod ang araw na ito!
"Manang pahingi nga po ng cake" sabi ko
"Yes miss corrine" sagot ng kasambahay
I'm Corrine Saavedra the personal assistant of Wynne Monterial
Susubo na sana ako ng cake nang tinawag ako ni duke
"Corrine!" sigaw niya
Nagpapadyak ako habang papunta sa office niya
"What?" mataray kong tanong
"Pinapatawag tayo ni miss wynne" sabi niya pero inirapan ko lang siya
Nang makapasok na kami sa office ni wynne
"Goodevening Miss Wynne" bati namin,tinanguan lang niya kami
"Kailan niyo pa nalaman na nandito ang mga miyembro ng Royal Blood?" diretsuhang tanong niya
"Nung nakaraang araw miss wynne" sagot ko
"At ang anak ng leader sa royal blood ay nagaaral sa paaralan ko?" tanong niya ulit
"Tama po Miss Wynne" sagot ko ulit
"Duke pakiayos ang mga forms para makapasok ako ng ibang tao ang kinikilala,kailangan kong malaman kung anong pakay ng royal blood dito" sabi ni wynne
"Yes miss wynne" sagot ni duke
"Ayusin mo rin ang sainyo ni corrine" utos ni wynne
"Yes miss wynne" sagot niya
"You may leave" utos niya ulit
Nagbow muna kami bago lumabas sa office niya
Panibagong misyon nanaman!
"Corrine ano sa tingin mo ang pakay ng royal blood?" tanong saakin ni duke habang pababa kami sa hagdan
"Hindi ko alam,hindi naman manghuhula eh" sabi ko
"Wala ka talagang kwentang kausap" sabi niya
Tinaasan ko naman siya ng kilay
May crush ako kay duke nung bata pa kami kaso nga lang manhid siya at sa tingin ko may gusto siya kay wynne
Magkakaibigan kaming tatlo ni wynne at duke nung bata pa kami
Si Wynne ang palaging referee kapag nagaaway kami ni duke
Namimiss ko na ang kulitan namin
Nagbago si wynne nung pinatay ng royal blood ang mga magulang niya
Naging Cold at palaging poker face, naging palaban na rin si wynne
Si Wynne ang nagiisang bestfriend ko pero dati pa yun kasi ibang wynne na ang nakikita ko,si wynne dati ay palaging nakangiti,Hindi nauubusan ng corny na jokes
Nakakamiss talaga ang dati
________________
Please Vote and Comment thank you!
-imyourangeeel
BINABASA MO ANG
MafiaSeries#1: Mafia Boss In Disguise [COMPLETED]
Mystery / ThrillerMafia Series #1 HIGHEST RANK #9 MYSTERY/THRILLER HIGHEST RANK #18 TEEN FICTION Paano kung ang kinakatakot ng lahat ay magpapanggap na ibang tao? Paano kung ang kinakatakot ng lahat ay mababangga mo? Mafia Boss in disguise for her mission,pero may h...