Nasa huli ang pagsisisi
Para sa mga taong hindi masabisabi ang nararamdman dahil sa dinamidami nang dahilan.Siyam na letra, Dalawang salita.
Pag gising sa umaga,Nakatanaw sa bintana. Nagiisip kung kakausapin ko ba siya.
Hindi alam kung ano ang gagawin, Hindi alam kung ano ang sasabihin.
Hindi maintindihan kung ano ang nararamdaman, Hindi alam kung ano ang pinagdaraanan. Biglang napatingin sa litratong nakasabit sa dingding, Litratong makikita ang mga matang nag niningning.
Litratong tanda ko pa kung saan tayo ay masayang magkasama, Litratong punong puno ng pagmamahal na ramdam hanggang sa kaibuturan. Litratong ang hirap kalimutan, Litratong kay hirap rin titigan.Siyam na letra, Dalawang salita na kay hirap sabihin sa taong palaging wala.
Siyam na letra, Dalawang salita na kayhirap bangitin sa taong minsan mo lang makita.
Siyam na letra, Dalawang salita na nasasabi mo sa iyong jowa
Siyam na letra, Dalawang salita na hindi mo masabisabi sa iyong ina.Patawad inay, Patawad inay kung mas inuna ko ang pagtatanim ng sama ng loob dahil sa mga sermon mong nakakabagot.
Patawad inay sa pagiisip na hindi mo ako mahal, hindi mo ako mahal sa kadahilanang may iba kang prioridad na hindi ako kabilang.
Patawad inay sa mga oras na inilaan ko sa paglalakwacha na hindi ko man lang natanong kung kumusta ka na,kumain ka na ba?
Patawad inay sa paglulustay ng mga perang sinasabi mong saakin nakalaan, Na hindi ko na naisip na itoy iyong pinaghirapan dahil inay. inay nanguna sa isip at sa puso ko ang sakit-Sakit na dapat inay, na dapat inay ikay nasa tabi sa mga espesyal na araw sa aking buhay.
Na dapat hindi sila inay,dapat hindi sila ang nasa aking tabi upang gampanan ang iyong mga pag kukulang dahil hindi sila ikaw. Hindi sila. Hindi sila ikaw inay.Ang hirap palang balikan, Balikan ang isang pangyayaring kaylan man hindi na mababago't mapapalitan.
Ang sakit nay. Ang sakit na mas nauna ko pang sabihin ang salitang mahal kita sa jowa kong sinaktan rin lang ako dahil ipinagpalit ako sa iba.
Mas inuna ko pang mahalin siya kesa sa iyo na nagdala sa akin, Nagdala sa akin sa bundong kay hirap espilingin.
Hindi ko naisip ang hirap mo noong ako ay dinadala mo nang siyam na buwan sa iyong sinapupunan, tumayong ina at ama dahil sa hindi pinanagutan.Nay patawad sa lahat ng nagawa ko, Salamat sa lahat ng isinakripisyo mo.
Nay masaya na ako ngayon na uuwi ka na saaking piling, Hindi kana mahihirapan sa mga luho't mga hinaing.
Masaya na ako nay, Masaya na ako dahil hindi mo na kaylangan pang mangibang bansa para akoy buhayin, Hindi mo na kaylangang pang mag ibang bansa para lang alipustahin.
Nay hindi kana mahihirapan dahil nagsisimula na akong matuto kung paano tumayo sa aking mga paa, Nay pinapalaya na kita. Sana gabayan mo ako kahit wala kana.Patawad inay sa lahat nang hirap na ibinigay, Huwag kang mag-aalala dahil hindi kita makakalimutan, sana bigyan mo ako ng gabay.
Siyam na letra, Dalawang salita. Mahal kita. Mahal kita inay. Mahal kita inay salitang labis kong pinagsisihan. Labis kong pinagsisihan dahil hindi ko man lang nasabi sayo nang harapharapan.
Pero pangako inay, Ipaparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamahal. Hindi ako magsasawang ulit uliting sabihin. Ang Siyam na letra, Dalawang salita. Mahal kita. Mga katagang mahal kita kahit pabulong na lamang dahil akoy huli na.