"May isang araw na magkasama kami sa bahay namin, dahil namomoblema nanaman sya dun sa gusto nya... Naku! Iyak ng iyak"
"Magsilbing panyo sa lahat ng sakit na nararamdaman mo" Alam mo hindi ko malaman kung bakit pinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong walang ibang ginawa kundi... Bitawan ka ng buo, paiyakin ka ng paulit-ulit, saktan ka at saktan pa kahit wala ka namang ibang ginawa kundi mahalin sya ng sobra-sobra, nakakagago din minsan kase kung sino pa yung totoong nagmamahal, sila pa yung taong iniiwan at sinasaktan, sila pa yung mga taong iniiwan at sinasaktan..😕💔 alam mo ako bilang kaibigan mo... Bilang isang kaibigan mo na nagmamahal sayo, ang sakit-sakit makita kang nagkakaganyan, masakit ding tanggapin na wala akong magawa kundi samahan ka lang sa mga oras na malungkot, makinig sa lahat ng sakit na nararamdaman mo..😭😞
"Patuloy parin syang umiiyak sa tabi ko... Sabi nya"
'Bakit ganun? Ginawa ko naman yung best ko... Bakit di nya makita yung pinaghihirapan ko? Madali naman ako mahalin diba? Diba?!'
"Habang sinasabi nya yun.. Iyak sya nang iyak..😭😭 nakakalungkot talaga na wala akong magawa kase kaibigan nya lang ako..😢 napaka-hirap talaga na makita syang ganyan lang.. Durog na durog ang puso ko..💔"
Sabi ko na lang...
'Shhhh..... tama na yan.... Shhhhh...'
"Pinunasan ko na lang ang luha nya at pinasandal ko na lang yung ulo nya sa braso ko.."
Sana wag ka ng umiyak.... Sana... iniisip ko na tama bang ako ang nagpupunas ng luha sa iyong mga mata?, na ako yung nagsasabi na "kaya mo yan", "wag kana umiyak", "nandito naman ako ehh", "di kita iiwan", "hindi kita pababayaan"...😕😓 Madalas naglalaro sa isip ko... "Bakit yung taong sobrang mahal na mahal ko eh tinatrato ng iba na parang isang walang kwentang bagay?" Ughh... Bakit sa lahat ng tao ako pa?, "bakit ako ang nandito?"
Nandito, nandito lagi para sayo...😫
Uulitin ko.. Alam mo? Mahal kita ehh...❤️ at ang tanga tanga mo dahil nag tiya-tiyaga ka... At ang tanga tanga ko din, dahil mahal na mahal din kita...A/n: Abangan nyo around 6:00pm - 8:00pm yung 'ikaanim' thanks for supporting!😇 na-appreciate ko kayo lahat!😊
*Updated by Author*
10/26/17
BINABASA MO ANG
Ikaw lang, Sapat na [OnGoing]
RomanceStorya ng isang lalake na palihim na nagmamahal sa kanyang kaibigang babae na may mahal ng iba.. Samahan nyo sya sa kanyang kwento..😇 A/n: OnGoing na po.😊 sorry po sa pag hold ko.. Busy po talaga.. Thank you sa lahat ng nagbasa at nagbigay ng oras...