Sino bang mas nakakalamang? Ang lalaki o babae?
Boys: Mas lamang kami kasi sa Bible, kinuha lang kayo sa tadyang namin. Domination!
Girls: Hindi! Mas lamang kami kasi kailangan nyo kami para mabuhay.
Me: Mas lamang ako kasi isa akong babae na kayang gawin ang mga gawain ng lalaki!
Ikaw? Ano bang masasabi mo? Di ako mahilig magbasa ng libro pero sabi nga, mas marami daw ang lalaki kesa babae. Nakakalamang sila sa populasyon.
Sino bang kausap ko? Kayo... Babae ka man o lalaki, sagutin mo yung tanong ko.
Pwede ba talagang magmahal ang isang lalaki sa kapwa lalaki? Joke! Hindi ito third sex story! One of the boys ito. Ok?
--------------------
Chapter 1
Na-gets nyo ko? Isa kong babae pero astang lalaki. Eh ganon talaga yata pag panay lalaki ang kasama sa buhay, nakakahawa! Wala naman akong problema dun. Ayoko sa mga maaarteng babae at ayoko din sa mga plastik. Para sakin, mas OK kasama ang mga boys kasi hindi ka pinaplastik. Karamihan kasi sa girls ay backstabber.
Nakakalamang ang mga babaeng nag aanyong lalaki! Sigurado ako dyan!
If I Were a Boy ang tema ng buhay ko. Hindi naman ako tomboy! Crush ko nga si Marc Pingris ng PBA eh. Ang galing nya kaya mah-basketball!
Ha? IDOL ba ang tawag dun? Eh basta, gusto ko maging kasing galing nya ko. Tapos astig pa nya sa court! Gwapo din. Oh diba? Pati si Chris Tiu!
Heto ako ngayon sa tabi ng sirang aircon. Si Papa Dude ang nakatoka dyan. Magaling na electrician at mekaniko yung Papa Dude ko! Kahit hindi nakatungtong ng college yan, panis ang mga sirang ref at sasakyan dyan! Sisiw kay Papa Dude!
"AJ?" Si Papa Dude, tinatawag ako.
Nagmadali akong pumunta sa kusina habang dala ang kape ko.
"Yes Papa Dude?"
"Kain na! Mainam yung maaga kang papasada."
Inilagay ni Papa Dude yung sinangag sa mesa. Naka-apron pa sya. Salitan kami ng schedule sa pagluluto ng agahan.
"Sige po, tatawagin ko lang yung iba."
Pumunta ako sa kabilang bahay. Parang staffhouse ng 3 naming katulong sa Dude's E.M. Shop. Electrical at Mechanical Shop. Parang Kopiko tong si Papa Dude ko, all in one! Idol!
Kinatok ko ang pinto.
"Gising mga teng!" Sigaw ko.
Binuksan ni Goli yung pinto. Si Goli ang pinaka cute na trabahador ni Papa Dude. Unano kasi sya eh. Pero napakabait nyan! Magaling sa electricals yan.
"Good morning AJ!" Pumupungas pa si Goli. Goli as in Goliath.
"Lapang na tayo? Naghain na si Papa Dude."
"Sige, gisingin ko na sila. Susunod kami."
Bumalik ako sa kusina. Ininit ni Papa Dude yung Adobong bigay ni Tita Celia kagabi. Mukhang masarap. Gutom na ko!
"Hep! Sandali AJ, maghugas ka muna ng kamay. Saka suklayin mo yang buhok mo!" Saway ni Papa.
"Pa naman eh, ganyan na talaga yang buhok ko, wa na pag-asa yan!"
"O maghugas ka nalang ng kamay!"
"Sige na nga po."
Nagpunta ako sa banyo para hugasan ang kamay ko. Napalingon tuloy ako sa salamin.
"Mukha pala akong luka luka sa buhok ko."
Hinawi hawi ko ang mahaba kong buhok. Hanggang bewang na kulot. Hindi naman kulot na kulot. Wavy lang.
Pagkabalik ko sa kusina, nakaupo na lahat sila.
"Halika na AJ, kain na." Aya ni Papa.
Umupo ako sa upuan ko at nagdasal na kami. Masayang agahan lagi ang meron sa bahay namin. Palaging kailangan na magkwento tungkol sa kahapon. Ganon si Papa Dude. Hari namin yan eh!
"Oh AJ, ang pamamasada? Kamusta naman?" Tanong ni Papa Dude.
"Kahapon po, may lasing na nakasakay sa jeep ko, ginugulo yung mga chicks na pasahero ko kaya ayun po, pinababa ko."
"Bumaba ba?" Tanong ni Tito Johnny. Bestfriend ni Papa na namatayan ng asawa. Kawawa nga ang buhay nyang si Tito eh. Pagkapanganak kasi ng asawa nya, namatay na. Ayun, nagkasundo sila ni Papa na magtayo na rin ng maliit na talyer tapos electrical shop at the same time.
"Hindi po, hinila ko pa pababa sa jeep." Isinubo ko ang sinangag.
"Sira ka talaga! Pano kung patulan ka nun?" Galit na sabi ni Kuya Kev.
Sya naman ang helper ni Papa Dude. Si Kevin. Magaling sya mag mekaniko. Mas matanda sya sakin ng 2 years kaya parang kuya ko na yan. Anak sya ni Tito Johnny. Nag iisang anak! Pagkapanganak nya, pumanaw naman ang nanay nya. Sobrang close kami nyan kasi lumaki kami ng magkasama. Parang kapatid ko na talaga!
"Tss, yung ganda ko na to, papatulan? Kaw talaga kuya."
"Baliw ka talaga! Lasing yun kaya walang pinipili yun! Umayos ka nga." Galit na yung tono ni Kuya Kev.
"Hay, si kuya talaga! Opo, sige na. Hindi na po mauulit!"
"Siguruhin mo." Sagot ni Kuya Kev.
"Parang ikaw ang Tatay dito ha Kevin?" Natatawa na naiiling si Tito Johnny.
"P-po? Pasensya na. ang kulit kasi ni AJ eh." Napakamot tuloy si Kuya Kev.
Tumayo ako sa upuan at ininom ng derecho sa kape ko. Medyo lumamig na.
"Sige po," nag-bless ako kay Papa Dude at Tito Johnny.
"Pasada na po ako." Isinuot ko ang cap ko.
"Oh sige sige, ingat anak!" Sabi ni Papa Dude.
BINABASA MO ANG
She's The Man [ON GOING]
RomanceSino ba ang mas magandang kasama? Babae o Lalaki? Kung ikaw si AJ, siguradong sa lalaki ka makikisama. Pero kung ikaw si Red, sa babae ka sasama. Eh sino ba sila? Sila ang mga engot na bida sa istorya. Isang one of the boys at cassanova. Gusto nyo m...