#3 Her Best Friend

387 7 0
                                    

Chapter 3

Roy's POV

   Nakanaks naman, pumi-POV na'ko. Haha. Tnx otors.

I'm Roylin Valdez, came from handsome species of my ancestor. Oh, walang kokontra! Totoo yun! Ang kumontra inggit, at ang inggit may sapak!

Bestfriend kami ni Indigo simula pagkabata. Ewan ko lang kung tinuturing niya akong ganon. Ang totoo, ako lang ata ang mapilit na bestfriend ko siya.

Magkaibigan ang mga parents namin kaya lagi akong nakabuntot sa kanya.. medyo inis nga siya saken nun eh. Haha. Feeling ko nga di niya ko tinuturing na kaibigan. Pero okay na yun, kesa itinataboy niya ako.

Naalala ko pa, halos 6 na buwan bago siya pumayag na maging magkaibigan kami.. grabe noh? Parang nanligaw lang ako.. haha! Mahirap kasi talaga makuha ang tiwala niya. At dahil din dun, di ko siya maligawan. Baka mapatay pa ako nun eh.

At oo, tama kayo ng hula, crush ko siya. Well, siguro love na nga tong matatawag. Kaso one sided love eh. Ako lang yung nagmamahal.

Okay! Tama na kadramahan. Parang bading na!

-present-

Kaslukuyan akong naglalakad papuntang car park. Grabe talaga si Indigo, impyerno daw ba? Gusto ko pa mabuhay!

Habang naglalakad ay may nakabangga ako.

"Ah! What the he-." Napatigil ako sa sasabihin ko ng makita ko ung babaeng nakabangga ko.

Grabeng Ganda niya!!! Like an angel!

"S-sorry po!", sabi niya habang nakayuko.

"Hindi. okay lang ako. Ikaw ba okay ka lang? Nasaktan ka ba?", sinabi ko sakanya habang nakngiti. Tumingala naman siya at tumingin sakin. Grabe, ang ganda niya talaga!

"Okay lang po ako." Sabi niya habang hawak ang maraming libro. Mukhang nahihirapan na nga siya eh.

"Tulungan na kita, mukhang mabigat ang dala mo eh. Ihahatid na din kita.", sabi ko.

Medyo.may pagka-nerdy ang hitsura niya. Sa tingin ko studyante to ng Flakes Academy. Nakita ko kasi yung logo ng uniform niya. Nakilala ko ung logo, kasi kali Indigo na logo yun.

"Ah.. eh.. h-hindi na po!", sabi na nauutal pa habang winawagayway ang kamay na parang nagsasabing wag na. Haha, ang cute niya.

"Sige na. I insist! Papunta narin naman ako sa Clarkson Academy eh.", sabi ko na di nawawala ang ngiti.

"S-sige po." Medyo nahihiya niyang sabi. "Christine nga po pala. Tin nalang po itawag niyo saken." Dagdag nia pa, at nilahad ang kamay para makipag shake hands.Inabot ko naman ito.

"Roylin. Lin nalang, para magkatunog yung name naten." Sabi ko na di nawawala ang ngiti sa labi. Nakita ko naman siyang nagblush sa sinabi ko. Ang cute lang! Haha

Matapos ang pagpapakilala, hinatid ko na siya sa school.

"Lin. Dito ka po ba nag-aaral?", tanong niya saken bago umalis.

"Hindi pa.. pero siguro.", sabi ko.

"Ah. Okay po, salamat. Bye-bye!" Sabi niya at tumakbo na paalis.

Teka.. Sinabi ko bang dito ako mag-aaral?

Ay tanga! Napa-face palm nalang ako. Pero sabi ko naman 'siguro' kaya okay lang yun.

Nagdrive na ako papunta sa mansyon ng demonyita kong best friend.

>MANSION<

"Good afternoon, sir", sabi nung isang maid.

"Nasan si Indigo?", tanong ko sa maid. Masyadong malaki ang bahay na to para libutin at hanapin siya.

"Nasa kwarto niya po, sir." Sabi nung maid.

"Ah okay.. salamat.", sabi ko at aktong paalis na para puntahan ang kwarto ni Indigo. Napatigil ako ng maalala ko-,"San nga yun?"

Napatawa naman siya saken,"si sir, ang tagal na napunta dito, di pa din kabisado." Sabi niya.

"Ah, hehe. Ang laki kasi.", sabi ko na napakamot sa batok.

"Haha, sige po sir. Ihahatid ko nalang po kayo.",siya, tumango nalang ako at sinundan siya.

"Andito na po tayo." yung maid.

"Ah, sige salamat."

At ngayon, nakaharap ako sa pintuan ng higante. Ang laki eh. Kinatok ko ito.

"What?!", ayan na naman ang kasungitan niya. PMS siguro to, hehe, shhh lang kayo ah.

"It's me, best friend~!"

"Wait me at ER" sabi niya.

Pagkasabi niya non, ay pumunta na akong ER.. Oy! ER as in entertainment room, hindi emergency room ah.. haha.

Mabilis lang ako nakapunta don. Katabi lang ng kwarto niya eh.. Pano ko nalaman? Kada kase pupunta ako sa kwarto niya, nagpapaintay lang siya sa ER ayaw nya kasi magpapasok sa kwarto nya..

Pagkapasok ko sa ER, naglaro lang ako PS3. Madaming libangan dito sa kwartong to. Malawak din to. Di ka mabobored. Kaya nga entertainment room eh. Kaya gustong gusto ko dito eh. Haha!

Habang naglalaro ako ay dumating si Indigo.

"What do you need?", Indigo Walang nang bati-bati. Deretsyahan na!

" Wala lang. Wala ka bang balak bumalik sa school mo.. para mag-aral?" Tanong ko.

"Tss. You know that I'm handling a big company, yet you want me to go to school just to study? Are you stupid?" Naiinis pero cool at cold niyang sabi. Grabeng lang ang pagkacold ng babaeng to!

Sabagay di na naman niya kelangan mag-aral, matalino naman tong isang to eh. Kaya nga crush ko yan eh. hihi

"Chill! I'm just asking." Yan napa english tuloy ako.. to kaseng babaeng to, english nang english.

"Whatever. Kung gusto mo pumasok dun,eh di pumasok ka."

Haha, sabi ko nga ba, di ako matitiis ng isang toh. Hehe

"Sige ba, ikaw bahala saken ah!" Sabi ko.

"tss. Bahala ka." YES! Pumayag siya! WAHAHAHA

"Layas na!" Sabi niya at lumabas na.

Narinig ko din ang malakas na pagbagsak ng pinto.

Grabe naman to! Kadadating ko lang kaya!

Born To Be a BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon