Prompt by: kxrenoids
Prompt: Passenger Seat "And I've got all that I need right here in the passenger seat."
This is my contribution to MESCommunity's second book, TRACK SEVENTEEN, dedicated to Edward's seventeenth birthday.
~~~~~
January 15, 2015
It was past seven in the evening at the office. Overtime si ako. I was almost done preparing the income statement when I decided to rest my eyes for awhile. Kinuha ko ang isang monggol pencil na kailanman di ko ginamit pero amoy-amuyin ko ito pag ramdam ko ang pagod. Pinikit ko ang aking mata habang inamoy ko ang lapis.... nang biglang nag-ring ang phone ko. It's from my best friend, Charmaine Loise.
'Hello Charms.'
'Hoy Mary Dale may reunion daw ang batch 2001 ngayong Sabado. Excited much akoooo.' Halata nga ang excitement sa boses niya.
'Kayo na lang ni Anne.' tanggi ko.
'Ito naman oh, napaka-KJ mo talaga.'
'Karlos Jagassi?'
'Kurot justo mo?'
'Game.'
'Sobrang confident mo kesyo nasa phone tayo.'
'Back to reunion. Huwag niyo na akong isali, 2000 ako naka-graduate, hindi 2001.'
'Pero batch 2001 ka baliw... nakaadvance ka lang ng isang sem, itsapwera mo na kami.'
'Kaya nga. Kalimitan doon kasabayan niyong pumaso. Kayo na lang. Nakakahiya. Ma-O-P lang ako doon.'
'Over Protect?'
'At nakipagpatasan ka talaga ha....'
'Hehehehehe. Paano ka ma-O-P e andun kami ni Anne at saka andun din si Kristine.' si Kristine na matalik niyang kaibigan. Kaibigan ko rin naman pero di masyadong close.
'Huhay.... Sige na nga. Kahit kailan ang kulit mo.'
'And guess what... pupunta rin daw si Edward John.'
What?
My heart skipped a beat. Nawala bigla ang pagod sa kakadukdok ko ng calculator maghapon. Shet, dadalo siya? Totoo?
FLASHBACK
I met Charmaine Louise during my first year in college. Actually, noong enrollment day pa lang. Kasabayan ko kasi siyang nag-take ng entrance exam na mas kilala sa tawag na IQ TEST. I really planned on taking Communication Arts pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin ng makuha ko ang result ng test. I wondered why kailangan pang kukuha ng ganitong exam, wasn't high school grades not enough? Pero patakaran ng paaralan e kaya follow na lang. Noong nakuha ko na ang result, it exceeded 100. And the facilitator convinced me to enroll for Bachelor of Science in Accountancy dahil sabi niya bihira lang daw ang makakuha ng kursong iyon kasi nga dapat nakatungtong ng 100 ang score sa IQ test. E, sa nachallenge ako ng konti kaya parang naanod ako sa agos. And knowing that Charmaine enrolled also for BSA kaya nabuo ang desisyon kong harapin ang mga numero everyday.
When the classes started... there I knew na iba nga ang tingin nila pag BSA ang kurso mo. Para sa kanila, smart ka na. Ang hindi nila alam, karamihan will end up taga-dukdok ng kalkyu at jusko ang stress, di matatawaran. Dadami pa ang puti mong buhok dahil sa kakahanap ng ilang sentimo pag hindi nabalanse ang balance sheet. Kahit isang sentimo pa iyan, para kang naghahanap ng isang milyon. Ang saklap... Sana Comm Arts na lang kinuha ko, baka isang tagasulat na ako ng MES ngayon.
On the other note, siguro dahil concentrate ang school sa business courses at 100 percent ang passing rate ng CPAs kaya parang tinitingala ng iba ang BSA students. Minsan nga noong naglakad ako sa hallway na may bitbit na Accounting books, napapa-head turn ang ibang estudyante. Di ko alam kung dahil sa books ko o sadyang nagagandahan lang talaga sila sa mukha ko. Naks!!! But knapsack ang gamit ko kaya pasok lahat ng libro, pwera na lang kung may hihiramin ako sa library at kaibigan ko. Ayokong mapagkamalang matalino dahil hindi naman totoo pero mahilig talaga akong magbasa.
YOU ARE READING
MayWard One-Shot Collection
FanfictionThis is a collection of one-shot stories... all about MayWard.