MOON JI WOO
pov■ « || ●●■■●●■■●●■■●●■■●● || » ■
Napabuntong-hininga nalang ako habang pinupunasan ang mesang pinagkainan ng mga tao rito kanina. Natapos ko ang kolehiyo pero eto ako ngayon, nagpupunas ng mga mesa para magkapera. Wala akong ibang pagpipilian bukod sa trabahong ito. Maliit lang ang sweldo rito, sakto lang para sa aking pangangailangan. Ito na lang nakapagpabuhay sa akin.
Ako ang inatasan na isara ang restaurant kaya ako na lang ang tao rito. Pinatay ko lahat ng ilaw at iba pa at kinuha ang aking bag. Dumiretso na ako sa pinto ng restaurant at isinara gamit ang susi. Iniwan ko ang susi sa ilalim ng flower pot na nasa tabi nito.
Tahimik na ang kalsada. Maliwanag ang langit. Minsan ko lang makita ang Seoul na magkaroon ng mga bituin. Those stars make me different. Those stars...help me to escape the cruelty of reality. Napangiti nalang ako. "Pa, Ma, kamusta na kayo diyan sa itaas? Pinapakain ba kayo ng maayos ni Lord? Masaya din ba si Alexandra dyan? Sana gabayan niyo ako dito sa ibaba ah. Love you" naiiyak na sambit ko habang nakatingin sa itaas.
I already moved on nang namatay ang parents ko at ang aking nakababatang kapatid na si Alexandra. Naiwan ako dito kasama si tita nung papunta sila mama at papa sa States para ipagamot si Alexandra dahil may butas ito sa puso. Pero namatay sila dahil nagmalfunction ang sistema ng eroplano at nag-crash ito. Dahil sa pagkabigla ay...namatay rin ang tita ko. Pero hindi ko sinasabi na ako nalang mag-isang tatahakin ang aking landas. Alam kong tinitingnan nila ako sa langit at binabantayan ako. It was a year ago...kakatapos ko lang mag-kolehiyo noon.
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kama. Dahil sa pagod ay nakatulog na rin ako.
---
Nagising ako sa maingay na busina ng mga sasakyan. Buti nalang at day-off ko ngayon dahil kung hindi, baka batukan ako ni boss. Nagstay muna ako sa kama. Hays. Kailan kaya ako magiging successful?
Napabuntong-hininga nalang ako at pumunta sa kusina. Nakadisplay rito ang mga de-lata, noodles, at itlog. Dahil tinatamad akong pumunta sa mart para bumili ng manok ay nagluto nalang ako ng ramyeon. 'Di ko trip ang maanghang ngayon kaya Soon Ramyeon nalang ang kinuha ko. Naglagay muna ako ng tubig sa thermos at pinainit muna ito. Habang pinapainit ang tubig ay naglinis nalang din ako sa bahay. Malaki-laki 'tong bahay namin. 'Di ko na pinoproblema ang bayarin sa ilaw at tubig, 'yung tito ko na ang nagbabayad 'nun, well, ang company ng family namin, to be exact. Pero dahil patay na si papa ay si tito nalang ang namamahala sa kompanya namin. Mabait naman si tito. Inoffer niya nga na sa bahay niya na ako titira at bigyan ako ng magandang trabaho pero sabi ko sa kanya ay gusto kong matuto sa buhay na walang tulong ng ibang tao. Pero sagot niya, gusto niya daw na kahit isa lang ay magawa niya ang pangako niya kay papa. Ang alagaan ako.
Pagkatapos mainit ng tubig ay inilagay ko muna ang walis sa lalagyan nito. Binuhos ko ang tubig sa cup at hinintay na lumambot ang noodles. Itinuloy ko ang pagwawalis. Buti nalang at hindi ako messy kaya madali lang ang paglilinis ko ng bahay. Neat freak kasi ako kaya ayaw na ayaw ko talaga makakita ng dumi sa bahay na hindi naman necessary. I mean, okay lang na mga alikabok 'yan dahil normal lang naman 'yun sa isang bahay.
Sa wakas ay naluto na rin ang noodles. Kanina pa rin kumakalam ang sikmura ko kaya kinain ko agad ito. Katamtaman lang ang init nito kaya linantakan ko na agad. Matapos kumain ay napadighay ako. Tinapon ko na ang cup at dumiretso sa sala para manood ng TV.
BINABASA MO ANG
dreams
Teen Fiction- in which a boy tries to enter the world of kpop as a trainee story ; not an epistolary cover | NightDreamer1528