Prologue

9 0 0
                                    

Ang kwento ko ay nagsimula sa kasagsagan ng mga random chats at confession pages. Isa itong confession mula sa akin na hindi ko kayang maibahagi sa confession page. Hindi ako umaasang mababasa niya ito. Pero para sa akin, ang katuparan ng aking katahimikan ang nagudyok sa akin na isulat ito. 

Isang buwan mula nung huli tayong nagkausap.

"Kumusta ka na kaya?

Naalala mo pa rin kaya ako?

Pasensiya ka na. Pero hindi ko gugustuhing kausapin ka ulit eh."

"I bet you think I either moved on or hate you. 'Cause each time you reach out, there's no reply.

And I bet it never, ever occured to you, that I can't say hello and risk another goodbye."

Last year, last month of the year. Yep, it's December 2013. This was the time I was struggling all along. You have no idea what's going on. But since I decided to open my life with you, you knew how awful my life was. And ever since you came, I knew you came because it happened. 

Naniniwala ako na, "everything happens for a reason."

Hindi na ako umaasang dumating ka ng higit pa sa inaasahan ko. Sapat na nga sa akin na may taong kakausap sa akin nang mga panahong yun.

Ang totoo kasi, wala na akong taong napagkakatiwalaan nung mga oras na yun. Hindi na ako nakikinig sa mga kaibigan ko. Paulit ulit ko nang kinukwento sa kanila ang katigasan ng ulo ko.

Simple lang naman ang nais ko ah. Ang sana makalimot na ako. At dahil doon, nakilala kita at nakilala mo ako. 

Sa isang random chat ako nagpunta. Nagbakasakali na pansamantala, makalimutan ko na siya. Karamihan maraming nagtetake ng chances sa website na ito.

"Omegle." sumagi sa isip ko.

Madalas na kitang nababasa sa confessions page, pero hindi pa kita nabisita. Madalas pa nga'y mala Rated SPG ang kwento ng iilan tungkol sa site na ito. Kung hindi naman, mga taong nagiisip na baka, dito ko na 'siya' makilala. 'Yung iba naman, dito naglalabas ng saloobin nila. Mga taong hindi tanggap ng lipunan, mga taong naghahanap ng taong kakalinga sa kanila.

Pero kakaiba tayo.

Napadpad tayo sa website na to dahil....

....naghahanap lang tayo ng kausap. 

*esc esc*

*kamot ulo*

"Ano ba to, wala na ba talaga akong mahahanap na makakausap man lang? -__-"

*Looking for someone who can chat with...*

"You both like Mendiola"

And there it begins.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ConfessioneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon