~*~Rescue~*~~Sometimes even though we alredy know the truth we stay silent and prtend nothing is wrong. Because other chose to be happy then be destroyed, than be destroyed then move on.~
-Truly yours
"Lian, lets end this... it's not working anymore." He said.May sinabi pa siya pero wala akong ibang maintindihan kundi yung salitang 'End'. Alam ko naman na hahantong lahat ng ito dito pero nagpanggap pa ako na wala kaming problema sa relasyon na'to.
Parang paulit ulit akong tinarakan ng kutsilyo sa dibdib ko. Parang 'di ako makahinga.
"Justin, please..." Sinubukan ko siyang abotin at saka ko lang napansin na nanginginig na pala yung kamay ko. "...please tell me... ano bang kailangan kong gawin." Natataranta kong tanong sa kanya. "Kaya ko naman magbago... lahat gagawin ko sabihin mo lang sa akin. I can be like Rhea.. just please tell me... wag mo lang ako iiwan."
Kunti nalang mapapasabunot na ako sa buhok ko. Unti unti akong nawalan ng pag asa ng yumuko lamang siya at napapailing bago niya ako muling naharap.
"Hindi ikaw ang problema Lian, there's nothing wrong with you... it's my choice.. Ako ang may mali dito eh." Hindi siya makatingin sa mga mata ko habang nagsasalita. "Masaya ako kasama si Rhea... Hindi ko na pwedeng bawiin lahat ng sinabi ko sayo. I want to be with her."
"Justin, Naguguluhan ka lang... tatlong buwan palang kayo magkakilala ni Rhea... Tayo apat na taon na sa relasyon na 'to..." Sinubukan ko mairaos pa ang sasabihin ko kahit hirap na hirap na ako. "...please stay with me maayos natin 'to... please I'm begging you."
"That's my point Lian... tatlong buwan ko palang siyang kilala but I already love her that much..." Para bang nauubosan na siya ng pasensiya sa akin. "Handa akong itigil ang relasyon na 'to para sa kanya kahit gaano pa 'to katagal because I love her. That love is enough to end this relationship."
And with that iniwan niya ako dito sa garden ng isang hotel kung saan ko pinaghandaan ang surprise ng 4th anniversary namin.
It sound stupid pero 'di ko na talaga alam ang gagawin ko sa sarili ko ngayon na wala na siya... ngayon na iniwan niya ako.
I just found myself crying habang nakatago ang mukha ko sa hita dito sa isang sulok ng venue.
Wala sa sariling hinawakan ko yung promise ring na bibigay niya sa akin.
We made a promise na hindi kami maghihiwalay kahit gaano kahirap ang pagdaanan namin specially kung tunkol ito sa pagtutol ng pamilya niya sa akin.
Unti unti ko itong tinanggal at ipinatong sa lapag. Ewan ko kung kontrolado ko pa ba ang katawan ko at basta ko nalang namalayan ang sarili kong nakatayo sa gilid ng pool.
I felt depressed... i wanted to end this pain... I want to be painless... I want to feel numb.
Then I heard voices telling me to end this.
Paunti unti, hinayaan ko na lang ang sarili na mahulog sa pool. I fell deep and thought no one will rescue me...
I was anable to control the loss of my consciousness...but saw an image before everything went black.
BINABASA MO ANG
Until 21st of May
Storie breviFalling in love was beyond our control, but would you stop your own heart from loving and beating to a person until the 21st of May?