Beginning till the End

65 1 0
                                    

Ako yung tipong babaeng naniniwala sa FOREVER.

Noon pa lang marami na akong tanong kung tama bang makipagrelasyon sa isang taong walang kasiguraduhang mapapasaiyo kinabukasan..gets n'yo yun?

Yung nagmamahal ka sa isang taong di pa sure sa tatahakin n'yang buhay. Yung hindi mo alam kung ikaw ba ang pipiliin n'yang makasama.

Sa part ko ang sakit..pero mahal ko s'ya eh kaya sumugal ako kahit di pa sure ang lahat..the fact na mahal na mahal n'ya ako at mahal na mahal ko rin s'ya ang sarap sa feeling.

Alam kong hindi n'yo pa gets ang situation ko...ngayon malalaman niyo na..

Ako po pala si Andrea Cruz. 20 years old. Bunso sa tatlong magkakapatid. At number one fan ni meant to be ..naniniwala po kasi talaga ako sa mga ganyang bagay..

Noon nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba si Manolo...dalawang buwan na rin kasi s'yang nanliligaw sa 'kin. Napakabait n'ya, may respeto, gwapo, at higit sa lahat may takot sa Diyos.

Isa na siyang seminarista nung nakilala ko siya. Alam kong mali at alam kong bawal..pero mahal ko eh..pinilit lang daw siya ng mga magulang niya na pumasok sa seminaryo.

"Manolo alam mo bang takot ako"

"bakit naman? nandito ako sa tabi mo"

"takot ako na isang araw ang Manolong kilala ko ay wala na sa tabi ko"

dahil sa sinabi ko napabuntong hininga siya

"Andrea kahit anong mangyari mahal na mahal kita"

"Bakit sa tono mong iyan ay para talagang iiwan mo ko"

Sa halip na magsalita sya ay niyakap na lang nya ako.

Parang alam ko na talaga ang sagot.

******

7 years na rin ang lumipas. Habang minimake-upan ako ay bigla ko na lang naalala ang nangyari noon.

******

Sa tuwing gagawa ako ng sweet moves sa kanya parang dumidistansya siya...

"Ano bang nangyayari sayo Manolo d ka naman ganyan dati a"

" Sa ngayon kasi naghihintay ako ng sign"

"Sign?? para ano? para saan?"

"Sign kung talaga bang karapatdapat akong maghintay sa harap ng altar at makikita kitang magpalalakad sa aisle" sabi nya sabay ngiti

Nang marinig ko yun di ko mapigilang umiyak dahil sa saya..

Akala ko kasi kung ano na eh..

Naghahanap lang pala siya ng sign kung meant to be ba kami...at ihaharap niya ako sa altar..

"Alam mo ba Andrea,..nakita ko na ang sign na yun" ngumiti sya at hinalikan ako sa labi.

I'll See You There (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon