-28-

211 8 2
                                    

Kylhie's POV

"Kylhie, ano bang hinahalungkat mo diyan?" Napatigil ako sa paghahanap ng damit saka ko tiningnan si Zahra.

"Zahraaaa huhu, help meh nga! sariling damit ko daw yung gagamitin sa taping mamaya!! Wala na kong damit na isusuot" sabi ko sabay sabunot sa sarili na ikinangiwi ni Zahra.

"Walang damit na isusuot pero dalawang cabinet yung damit mo?" Napailing siya sakin saka siya lumapit. Kumpara saming dalawa mas may taste siya sa fashion..

"Oh eto, ipartner mo dito sa sapatos na to. Easy." sabi nya with matching flip hair pagtapos nginitian niya ko ng may "pogi" sign. Tiningnan ko yung damit na nilabas niya saka ako napangiwi.

"Uy, wala bang iba? Ang ikli nito oh."

"Maghubad ka na lang." Napakamot ako sa ulo saka sinuot yung binigay niya.

"Ang init naman nito, ang sikip pa." Reklamo ko habang pinaypayan ko yung sarili ko.

"Dami arte go na late ka na oh." Inirapan niya pa ko saka ako napatingin sa orasan. Late na nga ako skdjksj

-

Pagkarating ko sa amusement park na pagtetaping-an namin ay nakahanda na lahat. Pero wala pa si guanlin.

"Oh andyan ka na pala, tara aayusan na kita." Sabi ni ateng na laging nagmemake up sakin.

Nakasuot ako ng above the above the knee na dress, ganun kaikli. Yung feeling na makikita na ata yung singit ko kapag umuupo, joke. Mula sa leeg yung dress tapos walang sleeves, di ako sanay magsuot ng ganto, help meee

Inayusan ako ni unnie na make up artist, light make up at straight lang yung buhok ko, pak simple but pretty, that's me! Joke lang heheheh

Nasa initan nanaman ako hinihintay si guanlin. Bakit ba kasi ang init lagi? Nakatayo lang ako sa gitna nang dumating ang mas nakakasilaw pa sa araw na gilagid ni guanlin.

"Pinaghintay ba kita?" Nakasalamin siya pero ang gwapo pa din, pano niya nagagawa yun? Kikiligin na sana ako kasi ginawa niyang panangga sa init yung kamay niya para saken, kaso narealize ko na naka-on na pala yung camera, ibig sabihin ginagawa niya lang yun para sa viewers ng wgm :')

"H-hindi naman. Tara na?" Sabi ko. Paalis na sana ako ng higitin niya yung kamay ko. Holding hands kami ni guanlin, shit ang lambot ng palad niya.

"Tara." Namutla ako ng hilain niya ako papunta sa isang ride. Pwede naman kasing sa mga lumilipad na airplane lang kami sumakay pero dinala niya ko sa rollercoaster na madaming loop.

"guanlin wala bang ibang ride?" Sabi ko sakanya saka nerbyos na tumawa.

"Meron naman. Tara lipat tayo sa kabila" nakahinga ako ng maluwag saka sya sinundan sa gusto niyang ride.

Pero literal na napanganga ako ng makita ko yung ride na gusto niya. Bumabaligtad ng 360° yung ride! Mamamatay ata ako diyan ayoko naaa.

Patakbo na sana ako kaso nagbukas na yung pinto saka ako tinulak nung mga nakapila sa likod wtf sldjsisk wala ng atrasan to.

Umupo ako sa may kulay green na rocket pero nagulat ako nung umupo si guanlin sa kulay pink, hala gago bat magkahiwalay kami?!

"Guanlin!" Sigaw ko sakanya, tatayo na sana ako kaso bumaba na yung itim na hawakan sa taas. Ipinikit ko yung mata ko kasi alam kong paandar na yung ride, mga isang minuto na kong nakapikit pero di umaandar yung ride, mumulagat na sana ako nang biglang nagsimulang gumalaw yung ride, nays.

Pabilis ng pabilis yung ride, natatakot na ko. Napasigaw ako habang umiiyak nung bumitin na yung upuan ko at humihinto pa to ng 5 seconds. Mamatay na ata ako.

We Got Married: Lai Guan LinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon