Chapter 1: Bad Dream

58 6 4
                                    

Chapter 1: Bad Dream

Third Person's P.O.V

'AAAAAHHH!'

'Huhuhuhu...'

'Huhuhu...'

Pagtatangis ni Phoebe na parang binabangungot sa kaniyang pagkakatulog. Humihikbi siya na tila may masamang napanaginipan. Binalot siya ng 'di pangkaraniwang panaginip at tuluyan nga siyang tinangay sa ibang mundo.

Malabo at 'di niya maaninag ang nangyayari sa ibang dimensyon. Tinalo siya ng takot at dilim sa kaniyang panaginip, na kung kaya't umiiyak siya at di makontrola ang kaniyang katawan.

'B-Bakit?!'

Humiyaw siya ng napakalakas dahil sa dulot ng misteryoso at kakaibang panaginip.

Kkkrrr! Kkkrrr! Kkkrrr!

Rinig niyang tunog ng alarm clock sa cellphone na nasa gilid ng kaniyang higaan. Biglang naputol ang kaniyang panaginip dahil sa lakas ng tunog nito.

Dahil sa alingawngaw ng bagay na dinulot nito, napabalikwas si Phoebe sa kaniyang pagkakahiga at makikita sa kaniyang mukha ang bakas ng pangamba at takot. Hingal na hingal siya at tila naghahabol ng hininga.

Agad naman niyang kinuha ang cellphone at pinatay ang naka-set na alarm. Ngayon'y nakaupo siya, tulala at tahimik habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone.

Hindi manlang niya naramdaman ang tumutulong luha sa kaniyang pisngi kaya nagtaka siya at agad na pinunasan ang mga ito gamit ang kaniyang kamay.

Hindi niya mawari kung ano ang nangyari at ano ang napanaginipan niya. Nilukob na si Phoebe ng mga katanungang paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isip.

'Ano ang mga iyo?'

'Bakit ako nakapanaginip ng ganon?'

'May ibig sabihin ba ito?'

Pangamba at takot na di niya mawari kung bakit, ang kaniyang naramdaman sa pagkakataong iyon. Minsan sumasagi din sa kaniyang isipan kung mangyayari ito sa hinaharap. Inakap niya ang kaniyang sarili upang kumalma ang kaniyang puso na kanina pa mabilis na tumitibok. Kinakabahan siya sa kaniyang napanaginipan.

Napalingon siya sa kaniyang higaan. Bakas ng basa ng pawis at luha ang kaniyang kobre kama at unan. Walang ideya si Phoebe kung ano ang nangyari ngunit pakiramdam niya tila siya'y hapong-hapo at uhaw na uhaw.

Napaisip siya kung bakit may napanaginipan siyang ganun, pero ni isang ideya ay walang pumasok sa kaniyang isipan. Napuno ng katahimikan ang apat na sulok ng kaniyang kwarto. Tikom ang kaniyang bibig at malalim na nagisip. Ilang minuto siyang ganito, tulala at wala sa sarili.

Nagulat na lang siya bigla nang mapalingon sya sa cellphone niya.

"HAAA! 6:50 na male-late na ako!" gulat na gulat na sabi ni Phoebe, kaya naman nagmamadali itong tumayo sa kaniyang pagkakaupo. "ARAY!" sigaw nito at napatingin sa sahig.

Naapakan niya ang mga nagkalat na ballpen, papel, at iba pang gamit pang-eskwela sa sahig. Nanlumo ang kaniyang loob dahil sa nakita niyang kalat ng kwarto. Napabuntong-hininga na lamang 'to.

Naiwan niya kasing makalat ang kaniyang kwarto kagabi. Malapit na kasi ang bakasyon nila kaya madami siyang ginagawang mga projects at requirements sa eskwelahan na dapat niya nang tapusin.

Agad-agad niyang niligpit ang kaniyang higaan pati na rin ang mga nagkalat sa sahig. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa banyo upang maligo.

Nagayos lang siya nang kaunti at lumabas na din sa kaniyang kwarto.
Sakto nakita niya ang kaniyang Mama na nagaayos ng hapag-kainan sa kusina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon