Prologue

28 3 1
                                    

John.

Dahan dahan syang bumitaw sa kamay ko nang may luha sa mata, wag ka munang umalis, wag muna, di pa ako masaya, dito ka lang,ayoko pa. Ikaw ang dahilan kung bakit ako sumaya kaya dito ka lang, kung mawawala ka rin, mawawala rin yung saya. Kaya please dito ka na lang sa tabi ko wag ka na umalis

Di ko alam kung pano babangon kung wala ka, pano ko sisimulan ang araw, wala nang mananapak sakin kapag makulit ako, wala na yung mukhang bumubungad sakin twing gigising ako,wala na yung nakikipag laban sa mantika twing susubukan akong paglutuan, wala nang mag susulat nang kung ano ano sa mukha nya para lang ngumiti ako

Dito ka na lang wag ka na umalis..

Sa pagdating mo pa lang sinabi mo na na aalis ka rin basta sumaya ako.. Pinag tabuyan pa nga kita noon kasi sabi ko nga hindi na ako sasaya wag mo na ipagpilitan pero hindi ka umalis kahit gustong gusto mo na umalis non. Naalala ko pang iritang irita ka sa twing pipitikin ko yang noo mo kapag na ku-cute-an ako sayo, wala lang trip ko lang kapag napipikon ka

Madaming nagbago sakin simula nung dumating ka sa buhay ko

At marami ring mawawala kapag umalis ka na kaya wag ka nang umalis..

Sa huling pag kakataon nilingon mo ko at ngumiti ka..

Isang matamis na ngiti na babaunin ko habang buhay

Lexi.

Ang misyon ko lang naman sa mundong to ay ang pasayahin ka, nung araw na nag tagumpay na ako ay ang pagkaguho rin nang mundo ko.nung makita ko yung lungkot sa bumabalot sa mata mo

Nung unti-unting nawala ang ngiti sa labi mo,at tuluyang mabasa ang pisngi nang dahil sa luha mo

Ako ang dahilan kaya ika'y naging masaya

Ngunit ako rin ang dahilan nang pagkaguho nang mundo mo

Hindi ko rin inakala na ang isang hindi makatotohanang tao ay mahuhulog sa tulad mo

Isang tahimik at walang pake sa mundo na ang ginawa ay mugmok

Nung una'y mahirap kang pasiyahin

Pero nung nag tagal ay madali na lang para sakin

Ginawa ko pang dayain ang lahat wag lang mawalay sayo

Pero natalo ako.. Tuluyan pa rin akong aalis

Sa ayaw at sa gusto ko

Masakit man pero ito ang dapat na gawin

Naalala ko pa yung mga ngiti mo na halos umabot na sa langit, ang sarap sa pakiramdam kasi ako yung dahilan nang mga ngiting yun

Pero ang bigat bigat din sa pakiramdam kasi ako rin yung dahilan nang paglungkot nang mga mata mo, ang pag patak nang mga luha mo, at pagbalot nang takot sa iyo na tila ika'y nag iisa.

Salamat sa lahat

Habang buhay kong dadalhin ang matatamis mong ngiti

SmileWhere stories live. Discover now