Chapter Six

19 1 1
                                    

six.

lexi.

sa likod nang portal makikita ang isang malawak na lugar mayroong syudad sa gilid pero sobrang layo nito sa akin

hindi madilim, hindi rin maliwanag

tanging katamtaman liwanag ang bumabalot sa lugar na ito

sapat para makakita

unti unti akong nag lakad sa kalawakan nang lugar na ito

habang nag lalakad ay unti unting dumapo sa aking balat ang hangin

itinabi ito ang aking buhok na nakatakip sa aking mukha

habang ako'y patuloy pa rin unti unti ko nang nakita ang puno nang daan

habang ako'y papalapit ay nag liliwanag ang paligid

nakaka agaw pansin ang liwanag na taglay nito

nandito na ako sa harap nang puno nang daan.mayroong tulay sa harap nito na dapat kong daanan papunta sa kabilang mundo

ngunit bago ako pumasok ay umupo muna ako sa puno nang daan

"Magandang araw po binibining dana"

dana ang pangalan nang diwatang nasa loob nang punong ito

"Aalis nanaman po ako"

mahinang banggit ko

"naway gabayan nyo po ako sa paglalakbay ko sa kabila"

naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid nang mata ko pero agad ko itong pinunasan

ang maliwanag na paligid ay mas lalong nag liwanag

"kahit hindi mo hilingin na gabayan kita, gagabayan at gagabayan pa rin kita"

napatingin ako kay binibining dana na nakasuot nang mahabang damit na abot talampakan at kulay pink ang suot, kumikinang ang kanyang buhok at ganon  rin ang damit nya

napakaganda nya talaga

"Salamat.." napangiti ako sa kanya at niyakap ko sya

"may ibibigay ako sayo"

unti unti kong bumitaw sa pag kakayakap ko sa kanya at humarap sa kanya

"Ano po iyon?" tanong ko

may inilibas syang isang kwintas galing sa bulsa nya at iniabot ito sakin

"Nararamdaman kong may isang imortal ang dadaan sa tulay na yan"

kumunot ang noo ko sa sinabi nya

"sa oras na dumaan sya ay mag papakita ako sakanya upang ibigay ang kalahati nang kwintas na yan.."

tinuro nya ang kwintas na binigay nya sakin at napatingin naman ako rito, ngayon ko lang napansin na kalahati lang pala ang pendant nito

"kapag umilaw ang kwintas na iyan ayun ang simbolong nag sasabi na sya ang misyon mo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SmileWhere stories live. Discover now