#SpokenPoetry ^^
Kaibigan,
Walong letra na aking minahal. Walong letra na aking dinadasal
Walong letra na sobra akong nasaktan. Walong letra na ang puso ko'y nasugatan.
Patawarin mo ko, kasi mahal kita, patawarin mo ko, kasi minahal kita
Patawarin mo ko, kasi umasa ako, patawarin mo ko sa mga akala ko.
Akala ko sa mga araw na tayo'y nagsama ay may kahulugan na,
Pero sa kasalukuyang palad kaibigan lang pala.
Akala ko sa mga ngiti mong yun ay napasaya na kita,
Pero ngumiti ka lang kasi kaibigan kita.
Nandyan ka sa mga araw na malungkot ako, at ang ginawa mo pinasaya mo ko.
Pinasaya mo ko! Pinasaya mo ko sa oras na nag-iisa lang ako,
Pinasaya mo ko dahil malungkot ako, pinasaya mo ko dahil nasaktan ako
Pero di mo alam sa oras na pinasaya mo ko ay nahuhulog na ako sayo.
Ang lahat nang to ay akala ko lang, pero para sayo ay wala lang.
Ganyan ka ba talaga? Parang wala kang damdamin at ako'y nasasaktan,
Kaibigan, Patawarin mo ko kasi ang puso ko ay sobrang nasugatan.
Sa araw na tayo ay nagsama ang oras ay gusto kong huminto muna,
Pero habang tayo ay nagsama maraming tumatanong kung ka ano-ano kita.
Pwede ba, sagutin kong "Ito ay taong
Mahal ko"
Pero yun ay nasa isip ko lang na gusto'ng
Lumabas sa aking bibig pero bigla kang sumagot at ang sagot mo
"Ha? Ohw Kaibigan ko!"
Biglang na bingi ang tenga ko dahil sa iyong sagot ang puso ko'y nagdurogdo at ang isip ko'y di makalimot.
Ganito nalang ba talaga tayo? Ako yung nasasaktan ng todo-todo
At ikaw yung taong walang puso, kundi ang inisip mo ay sarili mo.
Di ko pinipilit ang lungkot na iniisip, kailan ko kaya makamit ang yakap na higpit.
Marami tayong pinagsamahan, na walang humpay na kaligayahan.
Sa mga oras nang to ay naging masaya ka, naging masaya ka sa piling ng iba
At ako itong nagsasalita "Kaibigan, mahal kita!"
Mahal kita.
Mahal kita kasi nandyan ka, mahal kita kasi gusto'ng gusto kita.
Gusto'ng gusto kita.
Gusto'ng gusto ko yang labi mo, Yang ngiti mo,
Yang hugis nang mukha mo,
Yang katawan mo, yang lahat sayo
Gusto'ng gusto ko! Sana ako nalang,
Sana ako nalang ang katabi mo sa tuwina, sana ako nalang ang lagi mong kasama
Sana ako nalang ang taong mahal mo, sana ako nalang ang taong nagpapasaya sayo.
SANA LAHAT!
Nung araw na nakita kita, may kasama kang iba.
Ang kasama mong iba ay aking kilala
Tapos pinakilala mo ko, ang sabi mo "Mahal, Kaibigan ko!"
Akala ko panaginip lang to, gusto ko nang gumising sa araw nang 'to.
Gusto kong tumakbo ng malayo'ng malayo, upang makawala na ako sa tabi mo
Kaibigan bakit ba?
Saan ba ako nagkulang? Pwede bang ako nalang?
Mahirap tanggapin pero ano pa ba aking gagawin. Pwede bang ako nalang?
Sa oras na tinalikuran mo ko, ang inisip ko ay tumakbo sayo. Pero, paano?
Paano kita hahabulin kung masaya kana sa kanyang piling, paano mo ko mamahalin kung ang iniisip mo lang ay si "Darling"
Kaibigan paano ba?
Paano ba ako maging masaya at kailan ba ako sasaya?
Kaibigan tulungan mo ko, tulungan mo'kong makalimot sayo.
Dahil sayo lang talaga ako nagkakaganito, sana matulungan mo ko.
Gusto kong maranasan ang iyong pag-ibig, pag-ibig na ako lang ang iyong iniibig
Sa araw na sasaktan ka niya, kaibigan wag kang mag-alala
Kahit masakit na mananatili parin akong kaibigan sayo, at alam kong di nay an magbabago.
Kaibigan, alam mo bang ikaw ang aking pangarap na gusto kong makamtan,
Pero wala akong magawa kasi ang puso mo ay may laman.
Sana maisip mo naman na isa akong taong nagmahal sayo ng tunay,
At kaya kitang mamahalin hanggang kailan, habang buhay.
Kaibigan, sa oras na tayo ay naglalakbay, magkahawak ang ating kamay.
Naging mahalaga na yun sa akin at alam kong ala-ala nalang.
Oo, ala-ala nalang ang lahat na yun, di yun mabubura sa aking puso kasi nandito lang yun.
Sana naisip mo ang lahat ng to' sana inisip mo rin ako.
Sana sa mga araw na nagsama tayo naging mahalaga din yun sayo, sana importanti akong tao sa buhay mo.
Isa lang akong tao na parti sa buhay, na isang mabuting nagmamahal na kaibigan mo.
Kaibigan, sana naisip mo to lahat. Kaibigan alam mob a ang lahat nang to?
Kaibigan, patawad kasi minahal kita.
Pawatad kasi minahal kita...
Kasi minahal kita...
Minahal kita...
Kaibigan!
Rq
YOU ARE READING
Kaibigan lang Pala!
PoetryPara sa mga taong nasaktan sa kanilang minahal na kaibigan.