"Welcome to the Phillipines!"
STORM
Yun agad ang nabungaran ni Storm pag dating niya sa NAIA ng 2:00p.m, galing siya sa Amerika at dito na niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral ng College.
Ayaw na sana niyang bumalik sa Pilipinas kundi lang naglambing ang kanyang Mama na umuwi na siya para may makasama naman ito sa mansion nila, nag-asawa na kasi ang kanyang kuya Sky at Ate Sunshine kaya magisa na lang ang kanyang mama sa bahay. kung hindi dahil dito ay di talaga siya uuwi magunaw man ang mundo! marami siyang masasaya at malulungkot na experience dito na hanggang ngayon ay di pa niya nakakalimutan.
pag-labas niya ng Airport, agad niyang hinanap ang mga pamilyar na mukha sa kanya, sinabi ng mama niya na susunduin daw siya ni Manang Fe at kuya Elvis, ang kanilang driver. mukang nakita naman niya agad ang hinahanap niya na may hawak pa na banner na "WELCOME HOME STORM" ang nakalagay. Agad naman niyang nilapitan nag mga ito.
"Hi Manang Fe and Kuya Elvis" sabi niya nang nkangiti, peo sa pagkakabigla niya ay titig na titig lang ang mga ito sa kanya, wari'y inuuri pa siya.
"huh?.. do we know you?" sabi ni Manang Fe.
"yes, we are not close and you know we don't say to foreigners" sabad naman ni kuya elvis.
natawa naman si Storm sa dalawa, maliban kasi sa nakakatawa ang mga ekspersyon ng mga ito, nakakatawa din ang ingles nila at nakakatuwa na hindi siya nito nakilala, ibig sabihin, malaki na talaga ang pinagbago niya.
"manang Fe at kuya Elvis, ako po ito, si Storm, di niyo na po ba ako nakikilala?"
Pagkasabi niyon ay nagkatinginan ang dalawa sabay lapit ng mga mukha ng mga ito sa kaniya, akala mo, hahalikan na siya.
"ay! oo nga, si tutoy nga ito! ang laki ng pinagbago mo anak!" sabi ni manang na tuwang tuwa sa malaking pagbabago sa kanya.
"oo nga ang gwapo mo na ah.. hndi ka na namin halos makilala, dati ang yatis-yatis mo, ngayon ang pogi mo na.. Nababading na ako sa iyo .." sabi ni kuya elvis sa kanya, bagamat alam niyang niloloko siya, ay Nandidiri siya sa joke na yun, pero ngumiti na lang siya.
"salamat po sa mga papuri niyo kuya at manang.. si mama po?.. bakit po di niyo siya kasama?
"hindi na sumama si ma'am kasi busy siya sa welcome home party niya para sayo" ani ni manang.
"ganon po ba? sige po pla, umuwi na po tayo.."
Walang balak si Storm na makipag-party lalo na at wla pa siyang balak na magpakita sa mga dati niyang kakilala. gusto niya lang magpahinga dahil may Jetlag pa siya. But knowing her mom, lahat ng pwedeng iparty ay ipapaparty nito basta't may pagkakataon, kahit nga simpleng bagay at wala naman siya pakielam, gaya ng pagkakapanalo ni PAcman, Nagpaparty siya para lang masabing may Party.
pag-dating niya sa mansion ay wla namn siyang nakitang pagbabago, ito parin ung bahay na iniwan niya 6 years ago, maliban sa dumadagundong na sound system.
pinuntahan niya ang kanyang mama para ipaalam na nakauwi na siya, at di nga siya nagkamali, puno ng tao ang backyard nila at nandun ang ilan niyang classmates nung elementary na pinagkaabalahan pa talaga ng mama niya na imbitahin. after a couple of hours, ay nagpaalm na siya sa mga ito para magpahinga.
Pag-dating niya sa kwarto ay malinis ito pero nandun parin ang mga gamit niya sa dati nitong mga pwesto. nagpasya siyang magshower bago matulog, habang tinitignan niya ang sarili niya sa salamin, napansin niya na matangkad na nga siya sa height na 5'11" para sa edad niya na 19 years old.