Sinulat ko to nung March, bago magbakasyon. Haha, habang naglelesson yung teacher ko sa Math, sinulat ko to. Haha, wala na kasi akong kelangan pakinggan kasi tapos na ako nun mag exam :) Wahaha. Anyway, dun sa mga classmates ko na makakabasa nito na nabasa na ito (yung nasa tablet paper) Babaguhin ko po yung mga pangalan tapos yung ibang events :) 2nd year na tayo! Wahaha.
-PROLOGUE-
May kaklase ako, ang pangalan niya'y KING. Kung ang pangalan niya'y parang pangplayboy o mahilig sa kalokohan, dyan kayo nagkakamali. Si King ay kabaliktaran ng pangalan niya. Tahimik siya, magsasalita lang siya kung kakausapin mo siya pero don't expect na mahaba ang conversation niyo, minsan nga di ka pa niya sasagutin. Ang mga sagot niyan di lalampas ng 10 words, depende.. Kung explanation ang hinihingi mo. Matalino kasi siya kahit ganyan siya. In short NERD pero gwapo din. Hahahaha.
"Good Morning class" bati ni Sir Kean, teacher namin sa Math
"Morning sir"
"Eto na yung mga test papers niyo. Magaganda ang result niyo sa summative except for one" sabay tingin niya sakin
Gulp. Ako na yan > o <
"Hoy Lee!! Anong problema mo sa subject ko at nakakuha ka lang ng limang puntos?"
"Sir naman eee. Mahal ko naman yung subject niyo eh, yung lang nga, PAKIPOT! Siya na nga yung minamahal ayaw pa sakin! Ang ganda ko kaya!" sabi ko sabay flip ng hair haha
"Tsk. Sana yang galing mo sa daldalan nadadala mo sa quizzes mo. Hayy. Sino gustong mag tutor sakanya?"
Walang nagtaas ng kamay haha! As if naman may mag volunteer dito. Dalawa, tatlo lang ang matalino sa min, halos lahat kami bopols haha. Section E kaya kami haha.
"Sales! Ikaw na lang ang magtutor dito"
Tumingin ang lahat kong kaklase (including me) dun sa tinawag ni sir at parang wala siyang narinig. Patuloy pa rin siya sa pagsulat niya
"Oy Sales! Sales!" tawag nung katabi niya
"King! Ikaw daw!" tawag nung isa niya pang katabi
"Ha? Ano ako?" tanong niyang parang nagulat
"Ikaw daw magtutor sakanya"
"Sinong sakanya?" tanong niya ulit
"Sakanya" sabay turo sakin nung katabi niya
Nag smile ako sakanya tapos alam niyo kung anong ginawa niya?
Yumuko siya at pinagpatuloy ang pagsusulat! Walanghiya!!