ONE.
So ayun na nga..
"Magsimula na kayo ngayon! Sa susunod na linggo na ang exam niyo. Ikaw Lee umayos ayos ka na kung ayaw mong mapagiwanan! Bahala ka! 1st year ka nanaman niyan sa susunod na taon! Haha"
Hala! = _ = Matuwa daw ba na magrepeat ako next school year.
"Opo Sir! Ako pa!"
Sabi ko sabay salute. At yun, umalis na siya. Tumingin ako ki King kasi bigla siyang nagsalita
"Mamaya pagkatapos ng klase. Dito na lang tayo sa classroom"
Odiba? 10 words yun! Tsk. Ba't ko ba binibilang? Para akong aning. Haha.
"Ah okay"
After nang klase nagpaiwan ako kina Bem
"Bem, mauna na kayo. May appointment pa ako. Haha"
"Ay loka! Haha. Osige. Ingat ka! Nakajackpot ka pa naman ngayon ;)"
"Tss. Geh."
Mga luka rin tong mga kaibigan ko. Haha. Jackpot daw? Hahaha. Sa katunayan, sikat naman yan si King eh, palibhasa, gwapo. Yun nga lang, suplado.
Hayy. Asan na pala yung tutor ko? Tsk. Papahintayin niya ko dito? Aba swerte ng mukha niya! Haha, joke.
"Andyan ka na pala"
"Ang tagal mo King. Kanina pa ako dito"
Hahaha. Peaaace.
"Sorry ha? Bumili pa kasi ako nito"
Sabi niya sabay taas nung doggie bag ng Starbucks. Tama ba tawag dun? Doggie bag? Wahaha. Yung brown na parang plastic pero papel! Hahaha
Uwaaaa * o * Rich keddd.
"Ah okay. Simula na tayo para maaga tayo makauwi"
"..."
Oo. Di nga siya sumagot = _ = Nice talking siya. Hayy. Umupo na kami.
"Alin dito ang di mo naiintindihan?" tanong niya.
"Yung slope, er.. yung point slope! Di ko yun naiintindihan"
"Alam mo ba yung formula ng point slope?"
"Ah..eh. Hindi "OTL"
"Kaya naman pala = _ = Kelangan mo kasi malaman yung formula. Take note, the formula is y-y1 = m (x-x1)"
Ano daw? Y? X? M? 1? HA?!
"Ha? Ano ano ano? Ulit! Di ko na absorb!"
"y-y1 = m (x-x1)"
Sinulat ko yung formula sa isang tablet. Nakalimutan ko kasi yung notebook ko. Ay nako, pano ako nabuhay sa skwelahang to? Haha.
"Pano mo naman malalaman yung x1 tas y1? Pati yung m?"
"Teka lang kasi, excited ka kasi eh"
"Ah ganon? Sorry naman haha."
"Eto, example na give: m = 5/4 ; (10, 4)"
"O tapos? Pano na?"
"I-susubstitue mo na yung y1, m, saka x1"
"Eh? Pano naman yung y tas x?"
"Hindi mo na yun gagalawin"
"Ah okay"
Kawawa naman si X saka Y. Napagiwanan sila ni m, x1 saka y1 :(
"Try mo, 1st step: Write the given"
Sinunod ko siya at sinulat ko sa paper yung given na binigay niya tas nung natapos na ako, tinignan ko siya
"Okay. 2nd step: Yung formula"
Kinopya ko na lang yung formula haha. Di ko pa kasi na mememorize. Mahina pa naman ako sa memorization saka formulas
"Sa susunod wag ka nang tumingin. Ang daya nito. Tsk = _ ="
"Haha, oo! Ngayon lang haha"
"Okay, 3rd step: substitute mo na yung variables."
So yun, sinubstitute ko na nga
"Good. 4th step. I-multiply mo yung numerator dun sa x at x1. Wag mong kalimutan yung sign. Lagi dapat negative kasi x-x1 diba?"
"Ahhh!! Gets ko na!"
Excited na akong magsolve kasi gets ko na! Ang galing ni King mag-explain! Nakakatuwa! Haha.
"5x-50 over 4! Hahaha!"
Tuwang tuwa ako!!
"Di pa tapos!"
Ay oo nga no? Haha. Excited lang! Haha
"Ano sunod?"
"Ewan ko." sabi niya sabay ligpit ng gamit niya
"Te-teka! P-pano ko--"
"I'll check that tomorrow. Bye"
Tss. Nakakaasar, di man lang ko hinintay. Aish, uwi na nga ako. Pero.. pano na to - . -
Pagdating ko sa bahay, nagtanong ako ki Mommy.
"Mommy, alam mo ba yung point slope?"
"Ay nako baby, limot na ako niyan. Sa tingin mo matatandaan ko pa yan? Hello? May dalawa na kaya akong anak"
"Di kaya! Bagets na bagets pa nga ang dating niyo eh!"
"Sus. Kahit bolahin mo pa ako anak, di na yan matatandaan. Tanong ka na lang ki Mr. Google dear."
"Pinatanggal niyo yung internet diba? Hayy. Ang bata bata mo pa mommy tas ulyanin ka na kaagad. Sayo ko ata yan namana eh. = _ ="
Umalis na ako kasi mukhang wala naman matutulong si mommy. Gusto ko sanang tanungin si Ate kaso mukhang wala pa siya eh. I-tulog ko na lang to, gaya nga ng motto ko, TOMORROW IS ANOTHER DAY.