White Nostalgia : A Mother's Day Special (One Shot)

12 0 0
                                    

White Nostalgia: A Mother's Day Special (One Shot)

All RIght Reserves (c) learnandlovetowrit

----

May nakita akong isang word phrase sa isang Social Media, quoting na "Ang ibang tao pinoproblema na wala silang ka Date tuwing Valentines Day. Paano naman yung mga taong walang Tatay tuwing Father's Day at Nanay tuwing Mother's Day.

Tama nga naman paano kaming mga batang walang Nanay tuwing Mother's Day samantala sila ang prinoproblema lamang nila ay yung ka-Date nila tuwing Month ng February. Kung ako tatanungin gusto ko idate ang parents ko.

Madalas kaming magtalo sa maliliit na bagay, minsan pa nga ay nasasagot at napagtataasan ko siya ng boses dahil tao rin ako nakakaramdam rin ako ng galit at inis kahit sa sarili kong pamilya hindi naman iyon maaalis sa atin. Minsan pay nakakapag bitiw siya ng masasakit na salita noong bata ako madalas akong umiiyak tuwing napag sasalitaan ako ng masasakit na salita lagi ako tumatakbo sa aming kasam-bahay tuwing ako ay pagagalitan. Minsan dumadating sa punto na sobrang galit ko na hiniling ko na mawala siya sa buhay ko pero alam kong hindi ko kakayanin pag yun ay nangyari. Hindi ko alam kung saan na ako tatakbo gayong hindi ako makapag-open up sa Tatay ko.

Minsan pumasok sa isip ko ang pagpapakamatay hindi ko alam kung bakit? Siguro dahil parang pakiramdam ko hindi naman ako mahal ng Nanay ko, na para bang hindi niya ako tunay na anak. Pumasok nga rin sa isip ko na baka Ampon lang ako kaya ganun ang pagtrato niya sakin. Iba ang trato niya samin magkapatid parang lamang lagi ang bunso kaysa sa panganay.

Hindi ko alam kung kelan ko nasabing "I Love You" o nasabi ko na bang mahal ko siya, siguro bata pa ako nung sinabi ko yun. Pero when i enter 12years old hindi ko maaalala kung kelan ko nasabi sa kanya kung gano ko siya kamahal kung nasabihan ko na ba siya ng "I Love You" pero I always ask her na "Mama mahal mo ba ako?" she always say na "Pag iisipan ko pa" pero i know naman na joke lang yun.

We shared different trials to the point na halos sumuko na siya, ako at kapatid ko. Minsang nasaksihan ko ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay ng Nanay ko ang iwan kami ng Tatay ko para sa ibang babae at para sa bansang America. Nakita ko kung pano nagdusa ang Mama ko halos hindi na siya kumakain, tulala na lang siya at hindi na rin kami kinakausap. Salamat at nalagpasan ng Nanay ko ang pangyayaring yun pero alam ko at ramdam ko na hindi ganoon kabilis lumimot sa nakaraan sabe nga ng Nanay ko na yun ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay ng isang babae ang iwan ka para sa iba. Sobrang hatred ang naramdaman ko para sa Tatay ko hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, minsan ako nakakasagot ng tawag niya pagnalaman ko na siya pala yun iniiba ko ang boses ko at sasabihing umalis kami para hindi niya kami makausap. Noong 1st year highschool ako binalak kami kunin ng Tatay namin para pumunta sa bansang Amerika pero tumanggi ang Mama ko dahil ayaw niya kami mapalayo sa kanya at ganun rin kami.

Magisa kaming pinalaki ng Nanay namin dumating yung panahon na labas pasok kami sa hospital na halos wala na kaming pera dahil napupunta lang sa gamot at hospital ang naiipon ng Mama ko. Dumating sa point na umiyak na lang ang Mama ko na para bagang hindi na niya kaya pang saluhin ang problema. Dahil sa sakit na nagkakaroon kami pumayag na rin si Mama na kunin kami ng Tatay namin kahit ayaw niya para lang maging OK yung health namin at magkaroon ng mas magandang future.

Hindi ko alam kung hanggang saan itatagal ang buhay ng magulang ko at ang buhay ko. Gusto ko lang na bago dumating ang panahon na yun masabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya, masabi ko na kung gaaano ko siya kamahal kahit na nagkakaroon kami ng alitan. Balang araw magiging masaya at buo rin ang pamilya namin at gagawin ko yun para sa kanya. Gusto ko sumaya ang Mama ko bago man siya bawiin ng taas. Kung pwede nga lang walang kamatayan sa mundo at makasama mo ng matagal ang mga taong mahal mo siguro lahat ng tao magiging masaya pero hindi. Realidad to at dadating ang punto na mawawalan ka na ng buhay.

Para sa mga teen-ager na hangga't buhay ang Nanay o Tatay nyo. Mahalin nyo sila. Sabihin nyo kung gaano nyo sila kamahal :D.

Nanay lang ang tatanggap sayo kahit gaaano kasama ang ginawa mo sa kanila, nanay mo lang ang may kakayahang patawarin ka sa mga kasalanang ginawa mo bukod sa Diyos. Nanay mo lang ang tatanggap sayo kahit iwanan ka na ng lahat at Nanay mo lang tatanggapin ka kahit naligaw ka pa ng landas ang handang ipagtanggol ka laban sa lahat.

BE PROUD DAHIL NANAY LANG NATIN BUKOD SA DIYOS ANG KAYANG GAWIN ANG MGA BAGAY NA IMPOSIBLE AY MAGING POSIBLE.

HAPPY MOTHERS DAY SA LAHAT NG NANAY.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White Nostalgia : A Mother's Day Special (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon